4

454 9 18
                                    

Pumasok si Aguinaldo at ang dalawang sundalo na nasa likod niya,dahil tapos na ako sa ginagawa ko sa labas,pumasok na rin ako.

"Magandang araw señor",bati ng presidente.

" Magandang araw rin presidente",sagot ni tatay,

Dahil wala akong magawa at ayaw ko naman mapagkamalang tsismosa sa mga sinasabi nila,umakyat nalang ako.

Pumunta ako sa silid at tumingin sa labas ng bintana,nakita ko ang heneral na nasa labas lang ng bahay namin,

"Magandang araw",bati niya nung nakita niya ako.

Binati ko rin siya at pumasok siya sa bahay,may meeting ata itong tatlo.

Gusto kong bumaba!nandoon si Gregorio eh!

Teka,bakit ko sinabi iyon?hindi ko naman gusto ah,long time no see lang!

May narinig akong katok sa pinto ng silid ko,naglakad ako ng medyo mababagal,dahil baka naman ang taong nasa labas ay masama,at mapapahamak pa ako.

Pagkabukas ko humarap saakin si heneral Del Pilar,nagpakita naman ako ng kondisyong mukha.

Umupo siya sa upuan habang ako naman ay nakaupo sa kama.

" Ano ang kailangan mo?bakit ka nandito?",wika ko.

Ngumisi ang heneral,pero hindi siya sumasagot.

"Bakit ka nandito?Sagutin mo ako!",inip kong sabi.

Huminto siya para sumagot," Narito ako dahil utos ng presidente",

Hala,Epal naman nito o,ayaw ako sagutin ng kumpleto.

"Edi dapat nasa baba ka nakikipagusap kasama siya",wika ko.

"Itong misyon na gagawin ko,ay kailangan ng mainam na binibini tulad mo",biro niya,

Ibang klase naman ang heneral na ito,

"Alam mo,sumosobra ka na",sabi ko ng nakasimangot.

"Nakakatawa ka",sagot niya.

Hay nako,ewan ko sayo.

"Bakit ka nga nandito?",tanong ko muli.

"Sige na nga,sasagutin ko ang iyong tanong,narito ako dahil kailangan namin ikaw,pupunta tayo sa Maynila at magkukunwaring mga Amerikano,diba marunong kang mag-ingles?",paliwanag ni Gregorio.

"Oo,bakit?",sagot ko.

Alam mo,pinapahirap ko lang itong heneral,dinadaan ko siya sa mga tanong.

Sikreto (Goyo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon