CHAPTER 02: Mysterious Message

898 45 54
                                    

"Nasa field na po silang lahat boss," bungad na sabi sa kanya ng kanyang tauhan.

Napangisi naman ito. "Good, now let's go. I know they'll enjoy their stay here, mahilig pa naman silang maglaro."

Kinuha nito ang maskara sa itaas ng kanyang lamesa bago naunang maglakad palabas.

Malayo pa lang sila sa field ay kita na nito ang mga taong nagkakagulo ngunit pinipigilan lang sila ng mga tauhan niya. Lalo naman siyang napangisi nang marinig ang mga pakiusap at mga galit na sigaw ng mga ito sa kanyang mga tao.

"Ahhh, music to my ears," mahinang sabi nito sa sarili habang naglalakad papasok sa malawak na field.

"Ano ba!" tili ni Jhulcris habang pilit na kumakawala sa hawak ng isang 'di kilalang lalake sa kanyang braso.

"Kapag nakawala ako dito sasapakin kita!" sigaw naman ni Jansen na nagpupumilit ding kumawala.

"Oh my gosh! Let me go ano ba! Pag nagkapasa ako susumbong ko kayo sa daddy kong politician!" galit na sigaw naman ni Trisha.

Hindi naman sila pinansin ng mga naka-itim na lalake at walang pag-iingat na itinabi sila sa mga estudyanteng nakatayo rin sa gitna ng field.

Ang lahat at may telang nakatalukbong sa ulo at nakatali ang mga kamay, halos lahat sa kanila ay nagrereklamo at naghehesterikal habang ang iba ay gulat pa rin sa mga nangyayari.

Ilang minuto lang ang lumipas ay natahimik na ang paligid at ang halos lahat ay nakikiramdam lang sa kung anong nangyayari.

"Take them off," rinig nilang sabi ng isang boses at ilang segundo lang ay sumalubong sa kanila ang nakakasilaw na liwanag ng araw dahil nasa open field sila ng hindi pamilyar na lugar.

Nasa kanilang harapan ang isang taong nakabalot sa kanyang suot na black gloves, long black coat at nakasuot pa ito ng homburg hat, all black siya at hindi mo ito mamumukhaan man lang dahil sa may kalayuan na ito sa kanila. Nakamaskara rin ito ng itim.

"Ang init-init pero balot na balot siya, may sakit siguro," bulong ni Rachelle.

"Nasa'n kami?! Bakit kami nandito?!" galit na tanong ni Trisha.

"Oo nga bakit kami nandito?" tanong din ni Mark.

"Ano mags-staring contest ba tayo rito?" inis naman na tanong ni Mica.

"I know you are all wondering about why you are here and where are you at right now. Well you're here, at the most prestigious school in the country, Welcome to Royal Academy my dear students."

"Ang daming intro! Ano 'to talk show?! Sabihin mo na at nang makaalis na kami rito masyado ka ng abala sa buhay namin!" sigaw naman ni Jansen.

Binalingan naman siya ng tingin ng taong nakaitim. "You are all going to stay here. If you want get your freedom back then survive, if not, feel free to leave now," kalmado ngunit may mapanganib sa tono nito bago sila tinalikuran nito.

"Hoy! Anong pinagsasabi mo na mananatili kami rito?! May paenglish-english ka pang nalalaman! Tara na alis na tayo rito malamang nasa prank show tayo at tinatakot lang tayo ng bungal na 'yon!" maangas na sigaw ng isang lalake na nasa bandang likuran saka ito nagtatakbo palabas ng field kaya sinundan naman siya ng tingin ng lahat.

Ngunit hindi pa ito nakakalayo nang mapatili ang karamihan, dahil bigla itong humandusay nalamang matapos silang makarinig ng putok ng baril mula sa kanilang likuran at doon nakita nila ang taong naka itim na kasuotan at may hawak na itong baril sa kanyang kamay na nakatutok pa rin sa direksyon ng lalake.

Ang lahat ay nagulat sa bilis ng mga pangyayari, wala naman nangahas na lapitan ang duguang lalake na ilang kilometro lamang ang layo mula sa kanilang kinatatayuan.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon