CHAPTER 15: Stories

73 15 48
                                    

Ang iba sa klase ay bumalik na sa kani-kanilang dorm habang ang iba kasama sina Jansen ay sumama kay Reynalyn upang tignan ang sinasabing natagpuan nila ang katawan ni Kieth.

Madilim na ang buong building at iilan nalamang ang ilaw na nakabukas. "Nakakatakot naman dito, pag gabi," komento ni Sophia habang naka-angkla kay Michelle na tahimik na sumusunod sa iba.

"Sino ba naman kasing may sabing sumunod pa kayo dito." Puna naman sa kanila ni Yanna.

"Talaga bang kailangang gawin 'yon ni Tope?" biglang tanong ni Nielma kay Reynalyn na tahimik lang sa paglalakad habang may hawak na flashlight.

Hindi ito sumagot kaya sunod naman na nagtanong ay si Sheena. "Ikaw ba may napatay ka na?" 

Natigilan si Reynalyn sa naging tanong na iyon ni Sheena. "Wala nang may malinis na kamay ang nakatapak sa eskuwelang ito."

"Tulad ng natanggap ni Tope, kailangan mong gawin iyon kundi ikaw ang papatayin and that's how you survive." Dugtong pa ni Reynalyn.

"Eh sino naman ang papatay sayo kung ganun?" tanong ni Nielma.

"Yung iba. Lahat ng taong nandito iisa lang ang gusto. Ang makaalis dito, but until now stuck pa rin kami," sagot ni Reynalyn. 

"Eh para sa'n yung sinasabi nilang kapag wala ka sa top 100 maglalaho ka rin? Na kailangan mo daw makapasok sa top 100 para makasurvive," takang tanong naman ni Mica.

"Hindi ko alam kung saan mo nakuha 'yan pero iisa lang ang paraan para makasurvive ka, gawin mo kung anong gusto niya," sagot ni Reynalyn dito bago nagpatuloy sa paglalakad.


Sa kabilang banda sa halip na magsibalik na sa kani-kanilang mga kuwarto ay tahimik na nakapaikot ang mga kababaihan sa 5th floor lobby ng girl's dorm. Alas otso na ng gabi at tahimik na nakaupo sa kanya-kanyang puwesto ang mga ito.

"Alam niyo na ngayon kung bakit parang normal lang lahat ng mga nangyayari dito sa loob ng Academy," wika na ni Rose.

"But the big question is, bakit kami nandito? O mas tamang itanong, bakit tayo nandito?" tanong ni Trisha.

"Huli kong natatandaan sakin, nakita ko kayo Eislen at Mark na sinasakay sa van, kaso nakita ako ng isa sa tauhan nila kaya eto nandito rin ako," kuwento ni Kristine.

"Tayong lahat dito nakidnap, ewan ko lang sainyo." Tukoy ni Eislen kina Rose at sa iba kaklase.

"Yung iba dito nadatnan ko nalang din tulad ni Reynalyn at Kisha," sagot ni Rose.

"Pero paano ka nga napunta dito?" tanong ni Diana.

"Basta nagising nalang ako nasa loob ako ng kuwarto namin nila ate Kisha." Nagkatinginan naman sina Alliah at Kristine.

"Ikaw Kisha?" tanong naman dito ni Jhulcris.

Hindi naman ito nagpakita ng kahit anong reaksyon pero may saglit na lungkot at takot ang dumaan sa mga mata nito.

"Hindi ako katulad niyo na sapilitang pinasok dito ng Black na 'yan, dinala ako mismo ng parents ko dito dahil aalis sila ng bansa at ito lang ang school noon na may dorm sa loob, akala nila secure ako dito kaya imbes na ipabantay ako sa mga tita ko, dito ako iniwan," mahabang sagot ni Kisha.

"Bakit ganun nalang ang reaksyon mo nang marinig mo si Black?" tanong ni Celine.

Napabaling sa kanya ang tingin ni Kisha. "Sa tuwing maririnig ko siya, kusang bumabalik sakin ang ala-alang iniwan niya, hindi ko makakalimutan ang pinaghalong tawa niya at iyak ng kaibigan ko."

"Tatlo nalang kaming estudyante noon ang naiwan sa kuwartong iyon nagbibingi-bingian at nagbubulag-bulagan sa mga nangyayari sa paligid, pero baliw na siya dahil kapag kakaunti nalang kayo, siya na mismo ang lalapit at papatay sainyo, masuwerte nga siguro ako dahil naligtas ako ni Reynalyn nang panahon na iyon pero hinding-hindi ako makakatakas sa ala-alang naiwan," kuwento ni Kisha at siyang pagpatak ng luha nito.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon