"Shh! Ang ingay mo naman," sita ni Nielma kay Mica na hindi mapakali sakanyang kinatatayuan.
Nasa rooftop sila ng Athena's building. Dito nila napili dahil sa may pagkakataon silang makalaban kung mahuli man sila lalo pa't apat silang nanduon.
"Eh kinakabahan na ko eh, nakarinig ako ng mga sigaw," nagaalalang wika ni Mica.
"Hindi kaya may nahuli na?" tanong naman ni Honey.
Napatingin naman sakanya ang tatlo at may pagtataka nila itong tinignan.
"Nasan yung kaibigan mo?" tanong ni Celine.
"Hindi ko nga alam eh, basta nalang ako sumama kung kanino tapos ngayon ko lang narealize kayo pala kasama ko," sagot naman nito.
Muli naman nilang ibinaling ang tingin sa ibaba kung nasan ang field at nanduon pa rin ang isang tauhan ni Black na katabi ang malaking monitor na may time count down pa rin.
May magsasalita pa sana sakanila nang marinig nila ang isang tinig mula sa mga speaker sa bawat sulok ng building.
"You still have one minute left, now I'll add something to spice up our little game, and lets see how wicked you are," aniya.
Napakunot noo naman ang mga ito sa narinig.
"Ang unfair talaga nito!" galit na wika ni Nielma.
"I know right," anito na tila narinig si Nielma.
"Kung kanina kayo ang hinahanap ng mga tauhan ko, ngayon kayo naman ang hahanap sakin," imporma nito
"And be careful. This doesn't mean safe na kayo because some of you were becoming a wild wolf," dagdag pa nito bago naputol ang linya sa mga speaker.
Napahawak naman sa damit ni Celine si Mica. "Anong gagawin natin? Baka yung mga kasama natin sa labas ang tinutukoy niya," natatakot na wika nito.
"Posible yan, at pansin niyo ba si Mark ngayon? Parang may kakaiba sakanya eh," ani Nielma.
"Oo nga, simula nung mamatay si Sheena. Hindi kaya may kinalaman siya?" takang tanong naman ni Honey.
Sasagot sana si Celine nang malakas na katok ang narinig nila mula sa labas ng pintuan ng rooftop.
Sabay-sabay na napalingon ang mga ito sa pinto at nagsama-sama sa isang korner. Napapayakap naman si Mica kay Celine habang ito naman ay pilit ma kumakawala dito.
Pinipilit na buksan ang nakalock na pinto ng rooftop ng taong nasa labas nito. Mabilis na humanap ng magagamit na panlaban si Honey at Nielma.
Nanlaki ang mga mata nila nang tuluyang masira ang door knob nito. Pumasok doon ang pagod at humahangos na si Tope. Mabilis nitong sinara ang pinto sa likod at hinarangan pa ng malapit na bench na yari sa bakal.
"Tope?!" tawag na pansin dito ni Nielma.
Napalingon naman dito ang binata at nang makita siya nito ay nanlaki pa ang mga mata nito at kalaunay humakbang ito ng malalaki upang kainin ang kanilang pagitan.
Napasinghap naman ang tatlo sa nasaksihang pagyakap ni Tope kay Nielma.
"Buti naman safe ka, kanina pa kita hinahanap eh," alalang wika nito nang pakawalan niya si Nielma na gulat rin sa nangyari.
"Huwag na muna tayong lumabas lahat dito, masyado ng delikado ang lahat sa labas," bilin ni Tope sa mga kasama.
"S-sina Jansen at Mark nasan sila? Di ba magkakasama kayo?" tanong rito ni Honey.
Umiling naman si Tope bago ito sinagot, "Ako dapat ang namatay, hindi si Jansen. Kung hindi lang siya tinulak ni Mark edi sana buhay pa siya," malungkot na wika nito.
BINABASA MO ANG
The Royal Academy
Mystery / ThrillerTO BE PUBLISH UNDER TDP The Academy where in order for you to survive is to be strong and smart. A battle between students, who will be the last man standing? who will be on top? and who will survive in the battle of the fittest? This is, The Royal...