CHAPTER 37: Questions and Answers

36 8 0
                                    

Isa-isa nilang binanggit ang mga katagang narinig nila ngunit ni isa sa mga ito ay walang nabosesan sina Trisha na ikinadismaya naman ng ilan.

"Teka nga, ano naman bang balak natin kung mahuli man natin?" tanong ni Nielma.

"Ano pa ba edi chugihin," sagot naman ni Mica.

"Hindi, kailangan natin malaman kung bakit niya ginagawa to. Kung may naguutos ba talaga sakanya o pwede ring siya lang ang hinahanap natin sa kabila ng lahat ng to," makahulugang wika naman ni Jansen.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ni Jhulcris.

"Posibleng siya rin si Black," sagot ni Kristine.

Sumunod na nagtanong ay si Kisha, sinulyapan naman niya si Mark na tahimik lang sa tabi ni Jansen.

"Mark, di ba ikaw ang huling kasama ni Sheena. San kayo nanggaling at bakit ikaw nalang ang bumalik?" diretsang tanong nito na ikinaangat ng tingin sakanya ni Mark.

Napatingin naman kay Mark ang lahat at naghihintay ng kanyang magiging sagot.

Nangunot naman ang noo ni Mark at bumalatay ang pagkairita sa mukha nito. "Pinagbibintangan mo ba ko na may kinalaman ako sa pagkamatay niya?" inis na tanong nito.

Hindi naman nagbago ang kalmading ekspresyon ni Kisha at bahagya pang napangisi sa naging reaksyon ni Mark.

"Wala naman akong sinasabi, harmless lang na tanong bakit ganyan ka magreact. Unless may alam ka," matapang na sagot nito.

"Pumunta kami sa Zeus building dahil sarado na ang coffee shop dito satin, pagkatapos non konting kuwentuhan pero nauna akong umalis dahil may hindi ako nagustuhan sa sinabi niya sakin, tapos hindi ko na alam ano nangyari akala ko susunod na siya sakin," mahabang paliwanag niya na tila natutuliro pa.

"Ano naman yung sinasabi mong hindi mo nagustuhan na sinabi niya?" tanong ni Rose bilang siya na ang susunod na magtatanong.

Bahagyang natigilan ito. "Basta sakin nalang yon," sagot nito.

Halata naman ang pagkadisgusto ni Rose at ng iba sa naging sagot nito.

"Sige ibahin ko nalang ang tanong, san mo huling nakita si Sheena?" tanong ulit ni Rose.

"Sa may bench na malapit sa Zeus coffee shop," aniya.

Magtatanong pa lang sana si Nielma nang putulin iyon ni Charm ng isang malakas buntong hininga.

"Ang boring naman, nakakagutom. Hindi natin malalaman ang killer dahil kahit sino satin kayang magsinungaling. Pero ang totoong killer, hindi makakatiis na hindi pumatay hanggat may nakikita siyang threat sa paligid niya. So I suggest, stick with your partner or protect yourselves nalang," mahabang sabi ni Charm bago ito tumayo at dumiretso sa tent ng booth nila na nakatayo pa rin saka naghanap ng pwedeng makain.

Natahimik naman ang lahat dahil sa may punto nga naman ito. Sumunod na tumayo si Jansen. "Tama si Keziah---"

"Siya si Charm hindi si Keziah," putol sakanya ni Mica.

"Basta kung sino man siya tama sya, pwedeng pwede tayong magsinungaling sa isat isa kaya lets stick together nalang, nararamdaman kong malalaman na natin ngayon kung sino man yang si Black o yang killer na yan," wika ni Jansen saka sumunod kay Charm.

Nagsitayuan na rin ang iba at nagkanya-kanyang punta silang punta sa mga nakatayo pa rin nilang tent.

"Reynalyn," tawag ni Nielma rito na ikinalingon nito sakanya.

"Sa tingin ko magkaibang tao ang pumatay kay Chryssa at Sheena," anito.

"Pano mo naman nasabi?" tanong ni Reynalyn saka sinulyapan si Kisha sa kanyang tabi na nakikinig rin.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon