CHAPTER 36: Among Us

37 8 2
                                    

Malalaki ang hakbang nina Jansen na tinahak ang pinanggalingan ng mga tili mula sa girl's dormitory nang makita naman nila si Honey na humahangos na tumatakbo mula sa kabilang direksyon na papunta sa Zeus building.

"Sandali....Si....Si Sheena," pagal na wika ni Honey habang napapahawak pa sa nanghihinang tuhod.

"Anong nangyari?" tanong ni Nielma. Tila hindi naman makapagsalita si Honey nang maayos kaya nakangiwing tinuro nito ang direksyon sa may malapit na storage room ng Zeus building na kung saan may banyo rin doon.

Nanlalaki naman ang mga mata ni Nielma at hindi niya nagustuhan ang kongklusyong namuo sakanyang utak. Hindi na hinintay pa ni Nielma ang susunod na sasabihin ni Honey at dali-dali na siyang tumakbo patungo sa itinuro nitong lugar.

Hindi naman malaman ni Jansen kung sino ang uunahin, kung ang kaklase ba o ang narinig nilang tili. Sa huli ay pinili niyang sumunod nalang kay Nielma.

"Mauna na kayo, susunod nalang kami," bilin ni Jansen.

"Sama ako," ani Tope.

"Anong nangyayari?" gulat na tanong ni Reynalyn nang mabungaran niya ang mga kasamahan na nagmamadaling pumupunta sa dorm.

"Bakit ngayon ka lang? San ka galing?" magkasunod na tanong ni Kisha.

"M-may, ginawa lang ako sa taas kanina," wika ni Reynalyn bago nanguna sa pagtuklas kung saan ang tiliang nagaganap.

"Tulong!" sigaw muli ni Hayna habang kasama nito si Gellie na akap-akap si Chryssa.

"Anong nangyari?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Kristine habang nasa likod naman niya si Mark.

"N-nakita ko nalang si Gellie na...na ganyan," natatarantang wika ni Hayna bago nilapitan sina Reynalyn.

Mariin naman ang tingin ni Gellie kay Hayna na animo'y may ginawa ito.

"Alam ko ang iniisip mo, na ako ang may gawa nito," ani Gellie.

"Anong nangyari? Nakarinig ako ng mga sigawan," inosenteng tanong naman ni Jen nang makalapit kina Celine na nakikiusyoso.

"Oh my gosh! Another crime? Sinasabi ko na nga ba, nasa atin ang killer. Umamin ka na!" malakas na sigaw naman ni Trisha nang makalabas ito mula sa fire exit at nilapitan sina Gellie.

"Mamaya na yan, tulungan muna natin si Gellie," naiiritang wika naman ni Rose na ikinatingin sakanya ng lahat.

"Sandali lang, Mark kuhanan mo na ng pictures," pigil naman ni Kristine saka siniko si Mark na tila wala naman sa sariling napatango nalang at nilapitan sina Gellie.

"San kayo galing?" tanong ni Reynalyn kina Trisha.

"Kumuha kami ng food sa kuwarto namin, tapos pababa na sana kami nung may narinig kaming parang nagaaway kaya sinundan namin yung mga boses," kuwento ni Diana habang patango-tango naman si Trisha at Roxanne sa tabi ni Cindy.

Napatingin naman sakanila sina Hayna, Kristine at Gellie.

"Nakita mo ba?" tanong ni Reynalyn.

"Yon na nga eh, nung malapit na kami sa mga boses, biglang nawala tapos hahayaan nalang sana namin nung makarinig naman kami ng sigawan tas ayan. Nategi na pala si Chryssa," pagtutuloy naman ni Roxanne.

"Ikaw Gellie, pano ka napunta dito?" tanong naman ni Rose.

"A-ano, nakalabas na ko ng dorm babalik na sana ko sa pwesto natin kaso may narinig akong mga boses kaya pinuntahan ko kaso lang pagdating ko nakahiga na diyan si Chryssa," pagkukuwento niya.

Seryoso naman siyang pinagmasdan ni Kisha nang mabaling ang atensyon niya sa isang paparating na bulto.

"Itchan," takang wika ni Reynalyn nang makita niya rin itong paparating.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon