Matiwasay na nailibing ang katawan ni Ramshelle at tila nasanay na rin ang karamihan dahil bumalik na ang mga ito sa kanya-kanyang gawain hanggang matapos ang bazaar activity ng mga students.
Samantala mag gagabi na nang mag-isa si Sheena sakanilang kuwarto at malungkot na pinagmamasdan niya ang mga naiwang gamit ng kanyang mga kaibigan nang may makita siyang isang sulat sa study table ni Ramshelle, nakatupi ito ngunit kitang-kita ang pagkalukot ng papel na iyon.
Agad na kinuha iyon ni Sheena saka ito binulsa bago niligpit ang mga gamit na nagkalat sa study area ni Ramshelle. Sunod naman ay ang mga gamit ni Zenith, inakyat niya ang kama nito at sinimulang tupiin ang kumot at inayos ang mga unan nang may makita naman siyang maliit ng papel.
Isa itong papel na tulad ng mga nakita niya na nanggagaling kay Black, laking gukat niya nang makita ang pangalan niya. Dito niya napagtanto kung bakit naging mailap sakanila si Zenith kung kaya't hindi naman niya napigilang mapaluhang muli habang pinagmamasdan ito nang may makita siyang isang puting papel na nakasilip sa bukas na ziper sa punda ng unan ni Zenith.
Dalawang papel na ang hawak niya at nagpasya siyang basahin ito sa harap ng puntod ng kaniyang mga kaibigan. Dinala na rin niya ang librong nakuha mula kay Ramshelle na nais pa sanang kunin nila Kisha, samantala ay wala naman nagawa sina Kristine nang kunin niya ito dahil na rin sa awa nila dito.
"Ano ba kaseng laman nung libro?" tanong ni Trisha kay Kristine kinagabihan, matapos ang bazaar nila. Habang sama-sama sila ngayon sa field at nakaupo sa gitna ng ginawa nilang pabilog na christmas lights na nakasabit sa mga metal poles.
"Sa totoo lang hindi ko pa naman siya nabasa ng buo pero may nakita kase ako dun tungkol sa history ng school, na pagmamayari ito ng mga Kwong, kaso nga lang nabankrupt," kuwento ni Eislen na siyang sumagot sa tanong ni Trisha.
"Ano namang nakakaintriga don? At nauuwi pa kayo sa patayan," tanong naman ni Tope na katabi si Nielma.
"Yun nga ang hindi ko maintindihan eh," wika ni Eislen.
"Pero may sinasabi si Ramshelle kanina tungkol sa libro na siyang hinahabol niya doon," sabi naman ni Chryssa.
"Hindi niyo alam o tinatago niyo lang din? Kase gusto niyo makuha yung gusto nilang makuha," komento naman ni Celine mula sa isang tabi.
"Oo nga, tsaka ang tagal naman na ata sainyo niyang libro nakakapagtaka naman na hindi niyo pa rin alam ang laman niyan," wika naman ni Trisha.
"Ang kapal kaya nung libro, try mo ikaw magbasa non ng isang araw lang kaya mo kaya?" paghahamon naman ni Kristine dito.
"Tama na yan, ang mabuti pa sabihin niyo nalang yung nalalaman niyo," pagaawat naman ni Cindy.
"Eh wala pa nga kaming ibang alam sa sinasabi nila bukod dun sa history ng school," paliwanag naman ni Eislen.
"Imposible na wala kayong alam, bakit ganun nalang ninyong itago ang libro at ayaw ipabasa sa iba?" tanong naman ni Diana habang nakataas pa ang isang kilay nito.
"At bakit parang wala naman kayong balak na sabihin sa iba ang nalalaman niyo?" tanong naman ni Jen.
Ang lahat ay natahimik at pinakikiramdaman lang ang dalawang tao na nagkakatinginan na tila sa tinginan naguusap at nagkakaintindihan.
"Oh sino pa bang nakakaalam?" tanong ni Trisha sa mga kasama.
"Baka buong Bane alam na," ani naman ni Nielma.
"Puwede ba, kami lang ni Kristine ang nakakaalam tungkol sa libro dahil kay Zenith. Ano kami na naman ang pagiinitan niyo? Eh halos kami na nga ang maubos nang dahil sa mga kasamahan niyong puro sarili lang ang iniisip," galit na sabi ni Eislen.
BINABASA MO ANG
The Royal Academy
Mystery / ThrillerTO BE PUBLISH UNDER TDP The Academy where in order for you to survive is to be strong and smart. A battle between students, who will be the last man standing? who will be on top? and who will survive in the battle of the fittest? This is, The Royal...