CHAPTER 43: Beginning of the end

51 7 0
                                    

"Trisha! San ka pupunta?!" inis na tanong ni Cindy habang tinatahak nila ang kahabaan ng pasilio sa main building na katabi lang ng Athena's building. 

Nagpatuloy naman si Trisha sa paglalakad na tila hindi nito naririnig ang kaibigan kaya lalo namang nainis si Cindy kaya hinabol niya ito at marahas na pinihit ito paharap sakanya.

"Ano ba!" malakas na wika ni Trisha.

"San ka pupunta? Hindi ka ba natatakot na baka tayo na ang susunod na mamatay ha?!" magkasunod na tanong nito habang iritado pa rin ito sakanya.

"Kailangan nating magtago hangga't hindi pa natatapos ang oras, tayo nalang dalawang natitira oh! Hindi ka ba natatakot," halos nanghihina na wika pa ni Cindy.

Akmang magsasalita si Trisha nang may biglang humablot kay Cindy mula sa likod nito. Napatili naman si Cindy sa takot at gulat habang pinipigilan nito ang paghigpit ng nakakapit na braso nito sakanyang leeg habang ang isang kamay naman ng tao iyon at may patalim na nakatutok sakanyang likod.

"T-Trisha help," Cindy plead hopelessly.

Sa gulat ni Cindy ay natameme nalamang siya nang makita ang pagsilay ng ngisi sa labi ni Trisha. 

"Sa larong ito hindi nananalo ang mahihina, and by the looks of it. Mukhang hindi ko na kayo kailangan, I can do it myself. Makakaalis ako dito, ng buhay," aniya bago niya sinimulang talikuran si Cindy na nagpupumiglas na.

"Napakasama mo! Tama si Roxanne hindi mo kami tinuring na kaibigan! Selfish ka! Kaibigan mo lang kami dahil may nakukuha ka samin, but the truth is you're alone! Kaya ka nga hindi kinikilala ng pinagmamalaki mong tatay di ba!" galit at malakas na sabi ni Cindy.

Malakas na warning sound ang nagpatigil sa taong nakahuli kay Cindy, rinig ito sa lahat ng speaker na naka-install sa bawat sulok ng mga building.  Kasabay niyon ay ang sabay-sabay na pagbubukas ng mga ilaw sa buong building.

"Eislen," mahinang tawag ni Kristine sa kaibigan nang dahan-dahan siyang lumabas mula sakanyang pinagtataguang storage room.

Habang tahimik na naglalakad ay nakasalubong niya si Mark. Mabilis namang hinanap ng mga mata nito si Eislen nagbabakasakaling kasama niya ito.

"Kristine, ikaw lang? Nasan yung iba mong kasama?" tanong ni Mark.

"W-wala, si Eislen lang kaso iniwan niya ko para daw alamin niya yung nangyayari sa baba kaso hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik. Tulungan mokong hanapin siya please," hinging tulong nito.

"Hindi na tayo pwedeng bumalik sa loob delikado na mukhang lumabas na si Black sa lungga niya at iisa-isahin na niya tayo, tara na sa field baka nandon na siya. Mas safe na doon ngayon dahil tapos na ang laro ni Black," ani Mark.

"T-teka pano ka nakalipat dito? Nakita ko kayo na pumunta sa boy's dormitory ah. Nasan sina Tope?" takang tanong pa ni Kristine.

"N-nagkahiwa-hiwalay na kami, tapos n-nakakita ako ng daan papunta dito," paliwanag niya.

"Tara na kailangan na nating makaalis dito at hanapin si Black." Hinila na siya ni Mark paalis.


Samantala ligtas namang nakalabas si Celine mula sa silid na kinalagyan. 

"Okay ka lang?" mabilis na tanong ni Mica, siya rin namang paglabas nina Nielma at Tope sa pinagtaguan nito.

Wala pa rin sa sariling binalingan ni Celine ng tingin si Mica. 

"I saw her," halos pabulong na wika nito.

"Who? si Black?" natatarantang tanong naman ni Mica.

"I don't know pero one thing is for sure, gusto niya kong patayin dahil gusto niyang gumanti sakin," natatakot na sagot naman ni Celine.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon