CHAPTER 16: Gracey

80 12 41
                                    

Naghuhugas ng kamay niya si Kisha nang bumukas ang cubicle pangatlo mula sa pinasukan ni Grace, tinignan naman niya ito mula sa salamin at hinintay ang lalabas roon. Ngunit ilang segundo na ang lumilipas nang wala pa ring lumalabas.

Nagtaka naman siya pero pinagsawalang bahala nalang niya ito at tinapos na ang paghuhugas. Saktong pag-angat niya ng tingin ay nakita naman niya si Grace sakanyang likuran at masama ang tingin.

Ngunit agad ring bumungisngis. "Ginaya lang kita," natatawang sabi nito. Hindi naman siya pinansin ni Kisha at nagpatuloy na sa pagpupunas nang kamay habang si Grace naman ay naghugas naman ng kamay.

Nasa ganoong posisyon sila nang biglang mamatay ang ilaw dahilan para mapatili sa gulat si Grace. "Kisha?!" natatakot na hanap niya rito.

Nagulat nalamang si Grace nang may humigit sa kanya at kasunod niyon ang pagdaing ng kung sino sa tabi niya na sa tingin niya'y si Kisha.

Mabilis ang naging galaw nila at naramdaman nalamang niya ang paghila sa kanya nito papunta sa sulok at nakapa naman niya ang pintuan ng isang cubicle kaya dali-daling hinila ni Grace si Kisha papasok.

Natatarantang dinukot ni Grace ang kanyang telepono sa bulsa at binuksan ang flashlight, laking gulat niya nang saktong nakatapat na ito kay Kisha na sapo-sapo ang tagiliran nitong nagdurugo.

"Tulong! Si Kisha!" tili niya.

Tulalang naglalakad si Mica pabalik ng dorm kasama sina Reynalyn at Nielma. Hindi pa rin kasi ito makapaniwala sa mga nalaman.

Pagkaakyat sa fifth floor ay nakita niya ang mga kaklase na pabalik na sa kani-kanilang mga kuwarto. "Celine!" malakas na tawag niya rito at niyakap ito.

"Parang baliw 'to, alis," reklamo ni Celine at pilit na kumakawala sa yakap ng kaibigan.

"Huwag ka ng lalapit kay Keziah ah, ayaw pa kitang mategi," mangiyak-ngiyak na sabi ni Mica.

Naguluhan naman sa naging asal ni Celine si Mica akmang sasagot na sana siya nang makarinig sila ng tili.

Ang lahat ng nasa kalapit na kuwarto at ibang estudyanteng nasa lobby ay madaling nakarating sa tapat ng CR. 

"Grace," tawag ni Kristine dito.

"Oh my gosh, Grace okay ka lang?" madramang tanong naman ni Chryssa mula sa tapat ng pintuan ng CR. Napatingin naman sa kanya lahat ng nandodoon habang may kislap sa mga matang nagsasabing 'are-you-kidding-me-look'

"Really itatanong mo talaga 'yan sa kanya?" maarte at may sarkasmong tanong ni Trisha dito.

Halos magkasabay na nagirapan naman ang dalawa.

"Tabi," ani Reynalyn na kadarating lang saka pinailaw ang dala nitong flashlight bago pumasok sa loob.

"Tulong!" sigaw muli ni Grace.

Nabungaran sila ni Reynalyn sa ganoong lagay, parehong nakaupo ang dalawa sa tapat ng toilet bowl habang magkapatong ang mga kamay sa tagiliran ni Kisha.

"Anong nangyari?" natarantang tanong ni Rose na nakasunod lang pala kay Reynalyn. 

"H-hindi ko a-alam ang buong ng nangyari eh, b-basta nalang may humigit sakin na si Kisha p-pala tapos eto napunta na kami d-dito," naiiyak na kuwento ni Grace.

"Weh, baka naman ikaw ang may gawa niyan, nako Bane," Trisha dramatically said saka tinignan si Jhulcris nang bigkasin ang huling linya nito.

"Anong sabi mo?" naiinis na tanong ni Kristine dito ngunit inirapan lang sila ni Trisha at niyaya ng umalis sina Diana.

"Tawagin niyo yung in-charge sa infirmary, bilis! Baka maubusan na siya ng dugo!" natatarantang utos ni Reynalyn.

Agad namang pumunta sa telephone booth si Kristine at tumawag sa hotline ng school infirmary.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon