CHAPTER 11: Missing

105 15 17
                                    

Nagpatuloy na sa kanya-kanyang trabaho ang mga players upang makalabas na sa malaking tent na iyon. 

"Celine! Tara na kumpleto na susi natin," tawag ni Tope rito nang mamataan niyang papunta ito sa dulong bahagi ng tent upang balikan sana ang kuwarto doon.

Agad namang sumunod si Celine sakanyang kaklase na nagtuloy-tuloy na sa paglabas sa exit door, halos kasabay naman nilang lumabas ang grupo nila Trisha habang naiwan pa sa loob ang Valor at Bane.

"Nasan si Jhulcris?" tanong ni Maegan kina Kristine nang magkita-kita sila sa exit door.

"Nasan na si Venice?" tanong naman ni Zenith kay Jansen.

Magkakasama na ngayon sa tapat ng exit door ang dalawang grupo habang hinahanap ang kanilang mga kasamahan.

"Tulong!" rinig nila sa isang malakas na tinig na nagmumula sa dulong bahagi ng tent, ang ibang staff ng tent ay tila hindi naman naalarma sa narinig. Bagkus ay isang facilitator lang ang sumama sakanila upang tignan kung anong nangyayare.

Nakita nilang papalabas si Jhulcris mula sa dulong kuwarto habang duguan ang mga kamay at nanginginig pa sa takot. Napaatras naman kaagad ang dalawang grupo sa nakita.

"S-si Venice," halos pabulong nalamang na sabi nito, pagkasabi niyon ay agad nang pumasok sa loob si Jansen upang tignan ang kaibigan.

"Venice?" tawag nito. Halos mabuwag naman ito sa kinatatayuan nang makita ang maputlang si Venice, duguan ang suot nitong damit at may kutsilyong nakalapag naman sa tabi nito.

"Venice?!" hesterikal na tawag nitong muli sa kaibigan habang binubuhat ito, ang lahat naman ay nagulat sa nasaksihan at walang makagalaw sakanilang kinatatayuan.

"Ano tatayo nalang ba kayo diyan?! Tulungan niyo ko," galit na sita sakanila ni Jansen saka nagmamadaling lumabas ng exit door papuntang school clinic.

"Hala anong nangyare?" gulat na tanong ni Keziah kay Eunice nang mapansin si Jansen na nagmamadaling lumabas ng tent habang buhat-buhat si Venice.

"Si Venice yun diba? Nahimatay?" magkasunod naman na tanong ni Nielma dahilan para mapatingin din si Trisha na katabi niya sa tapat ng box nila.

Napangisi naman si Trisha sa nakita, "Poor Venice, hindi ata malakas ang resistensya kaya hindi kinaya ang laro." Saka na ito bumalik sa pagbubukas ng kahon.

Tulala naman ang naiwang grupo habang papalabas sila ng tent, tila mga zombie kung sila'y maglakad.

"Kung ako sainyo, ituloy niyo ang laro. Just a friendly advice para hindi kayo matulad sakanya," bulong sakanila ng facilitator bago pumasok muli sa loob.

Tulad ng sinabi nito ay nagpatuloy sila ngunit hindi na maalis sakanila ang mga nasaksihan hanggang sa matapos ang kompetisyon ay tila mga lantang gulay ang grupo ng Bane at Valor.

Naghiyawan ang klase ng Aerie nang makitang naunang natapos ang kanilang mga manlalalaro. 

"Nice game!" masayang bati ni Tope sa kabilang grupo na nagpapahinga na rin.

Pinagkrus naman ni Trisha ang dalawang braso niya sakanyang dibdib at inirapan nalang ito.

"Sungit, di naman maganda," komento ni Eunice.


"Hoy Maegan, ano lutang lang?" mataray na tanong dito ni Trisha habang nasa coffee shop sila ng school.

Napatingin naman dito sakanya si Maegan. "Si Venice," panimula nito.

"Oh napano naman yun? Ano nagcollapse dahil hindi kinaya yung laro o nagiinarte lang?" tanong naman ni Trisha.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon