CHAPTER 34: Closer

38 9 1
                                    

Ginawa naman ng lahat ang naging suhestyon ni Tope na magsama-sama silang lahat upang mabantayan ang mga kasama, naglatag sila ng kanya-kanyang mga mahihigaan sa gitna pa ring ng nakapabilog na metal pole na may mga LED lights na nakasampay. 

"Teka nasan sina Reynalyn?" tanong ni Nielma.

"Akala ko ba tinawag niyo na?" tanong rin ni Tope sa grupo nina Trisha.

"Mukha ba kaming mga julalay niyo ha," naiiritang tanong nito.

"Ay hindi ba?" pangaasar naman ni Tope.

Natigil naman ang dalawa nang magsalita si Cindy, "Ayan na sila. Ako na tumawag kanina sakanila nakakahiya naman sainyo."

Nabaling naman ang tingin ng lahat sa paparating na si Kisha na ipinagtaka naman nila.

"Oh nasan yung dalawa mong kasama?" tanong ni Jansen.

"Himala hindi kayo magkakasama ngayon," may himig ng pangaasar na sabi naman ni Mark na tinutulungan si Sheena sa paglatag ng comforter nito.

Naguguluhang tinignan naman sila ni Kisha. "Wala pa ba sila dito? Akala ko tinawag mo na sila sa office," aniya bago inilapag ang dala-dalang gamit sa espasyong  katabi nila Gellie.

"Wlaang tao sa office kaya naisipan kong tawagan nalang kayo sa dorm niyo gamit yung landline diyan sa lobby," depensa naman ni Cindy.

Nagtaka naman ang lahat at maging si Kisha ay napaisip kung nasaan ang dalawa niyang kasama.

"Hmmm. Nakakapag taka naman wala sila sa dorm niyo at wala din sila sa office," ani Jansen.

"Hintayin nalang natin sila baka may inasikaso lang," sabi naman ni Kisha saka inayos na ang kanilang hihigaan.

Nang matapos ang kanilang pagaayos ay tahimik naman silang nakaupo sa kanya-kanyang mga pwesto nang biglang magtanong si Diana, "Kisha, bukod sa dorm at SSC office saan-saan pa ba kayo madalas magpunta nina Reynalyna?" 

Nabaling naman sakaniya ang tingin ni Kisha. "Ako, madalas sa office at dorm bukod sa classroom at canteen tuwing klase," sagot niya.

"Bakit doon lang? Hindi kita madalas makita sa kung saan-saan eh tuwing may event lang," komento naman ni Chryssa.

Bumuntong hininga naman si Kisha bago sumagot, "May social anxiety kase ako, tulad ng naikwento noon ni Reynalyn. Mailap ako sa mga taong nakapaligid sakin kase nung panahon namin nila Reynalyn, lagi akong nahihiwalay sa mga kaklase ko dahil ayaw daw nila kong kasama, kaya nung makilala ko sina Reynalyn naging masaya ako kase sa wakas nagkaroon ako ng kaibigan dito."

Bahagya namang nagulat ang ilan sakanila sa nalaman tungkol kay Kisha. 

"Bakit naman daw ayaw nila sayo? Ang cool mo nga eh, tahimik lang pero productive pa rin lalo na sa pagiging leader mo sa school na to," ani Honey. Napatingin naman sakanya si Kisha at binigyan ng tipid na ngiti.

"Hindi naman sa ano pero matanong ko lang pano ba kayo naging student leaders?" tanong ni Jansen.

Nabaling muli ang atensyon kay Kisha at hinihintay ang magiging sagot nito. "Katulad ng mga typical na school diyan sa labas, nagkaroon ng election na kahit ayaw ko eh napilit ako ng dalawa na sumali," aniya.

"Matagal niyo na bang alam ang tungkol kay Black?" tanong naman ni Eislen dahil gumagana na naman ang pagiging usisera niya.

Nabaling naman sakanya ang paningin ni Kisha at dahan-dahang tumango. "H-hindi man lang ba ninyo siya hinanap?" tanong pa ni Eislen.

"M-masyado kaming takot, sino ba naman ang gustong s-sumunod sa mga taong natatagpuan nalang na patay sa loob ng campus na to diba. Kaya nanahimik nalang kami," nauutal at malungkot na wika ni Kisha.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon