CHAPTER 21: Killer Search

61 12 13
                                    

"Anong ginagawa niyo dito?" takang tanong ni Sharmaine nang makita ang sunod-sunod na pagpasok nina Trisha sakanyang kuwarto.

Hindi naman siya sinagot ng mga ito at nagsimula nang maghalungkat ng mga gamit sa bawat sulok ng kuwarto.

"Excuse me, namali ata kayo ng kuwartong pinasukan," naiiritang wika ni Sharmaine nang makalapit siya sa taong nagkakalkal sa may closet nila.

Pabagsak namang bumuntong hininga si Trisha at pabalang na itinaas ang papel na hawak kung saan naglalaman ng impormasyon tungkol sa aksyong ginagawa nila na may pirma ng SSC president.

"So sa tingin niyo sa paraan na yan makikita niyo yung killer?" sarkasmong tanong nito kay Trisha.

"Gagawin ba namin kung hindi, tabi," singit naman ni Nielma mula sa likod saka bahagyang hinawi si Sharmaine upang mangalkal naman sa mga drawer.

Wala namang nagawa si Sharmaine at hinayaan na sila, "All things are clear," ani ng isang kasama nilang senior.

Matapos iyon ay tahimik na nagsilabas sina Trisha habang naiwang napapanganga si Sharmaine dahil sa iniwang kalat ng mga ito.

Iginala niya ang kanyang mga mata sa buong kuwarto at nakitang tila pinasukan sila ng magnanakaw dahil sa itsura nito ngayon.

Sa kabilang banda naman sa boy's dorm ay naatasan sina Mark, Jansen at Jaycee na maglead ng search-for-the-killer.

Kasalukuyan silang naghahalungkat ng mga gamit nang may mapansin si Mark na nakatagong tela sa ilalim ng kutson ng isang kama sa may dulong double deck.

Napakunot noo naman siya at sinulyapan ang mga studyanteng may ari ng kuwarto, "Sinong nakapuwesto dito?" tanong ni Mark.

"Hindi ko alam," tipid na sagot ng isa.

Agad namang kinuhanan ni Mark ang telang kulay dilaw, katulad na katulad nito ang telang nakita kay Tope noon ngunit ang kaibihan nga lang ay wala itong sulat. Ilang litrato pa ang ginawa niya bago inaya ang mga kasamang lumabas na ng kuwarto.


Ang grupo naman nila Celine ay nagkahiwa-hiwalay pansamantala dahil ang iba ay nagpaalam munang magbabanyo at ang isa naman na si Mica ay biglang tinawag sa front desk ng dorm.

Magisang pumasok si Celine sa sunod na kuwartong iinspeksyonin, tahimik ang kuwarto at mukhang wala ang mga studyanteng nagkkuwarto doon. Mayroon silang susi dahil ibinigay iyon ng front desk dahil may permission sila ng SSC president.

Nagsimula si Celine sa study area ng mga ito sa may dulong bahagi ng kuwarto at tahimik na nagkalkal ng mga gamit na puwedeng mapagtaguan ng mga bagay na magtuturo kung isa nga ba sa mga ito ay susunod na killer o killer talaga.

Habang nagtitingin sa mga sulok ng small cabinet ng study area ay may biglang humaklit sa dalawang braso niya at dinala iyon sakanyang likuran upang hindi siya makapalag dahil na rin sa mariing hawak ng taong nasa likod ni Celine.

"Ano ba!" 

"Huwag kang sisigaw, Celine," mariing sabi ng taong nasa likod nito bago nakita ang pagsulpot ng isang swiss knife sakanyang gilid at ipinuwesto iyon sakanyang leeg.

"Balita ko may pinahiya ka sa canteen, I feel bad for her," bulong nito, medyo paos ang boses nito kung kaya't hindi malaman ni Celine kung kilala niya ba ito kahit pa silipin niya ang tao mula sa gilid ng kanyang mga mata.

"Ano bang kailangan mo?" mariing tanong naman ni Celine.

"Isa lang naman ang kailangan ko," bulong nito sa tenga niya na nagbigay ng kakaibang kaba sakanyang dibdib.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon