CHAPTER 28: Conclusions

36 9 5
                                    

"Hello? May kausap pa ba kami dito?" mataray na tanong ni Trisha sa dalawang kaharap na kapuwa hindi na kumukurap.

"Anyare sa mga 'yan?" tanong naman ni Gellie na kakarating lang.

"Napano sila?" tanong ni Charm.

Kasalukuyan silang nasa lobby ng fifth floor sa girl's dormitory nang makita nila ang dalawang humahangos at tila di malaman kung saan pupunta. At ngayon naman ay hindi na umimik ang mga ito at kapuwa tulala lang.

"Ewan ko sakanila, kanina pa silang ganyan tinatanong naman namin kung anong nangyare, wala nganga lang," sagot naman ni Diana.

Tinabihan naman sila ni Chryssa at marahang hinagod nito ang likod ni Mica. "Anong nangyari?" tanong niya rito.

Malalim na bumuntong hininga naman si Mica bago nagsalita, "Sa Athena's building may narinig kaming naguusap, tungkol sa libro."

Matapos marinig iyon ay isang malutong na tawa naman ang pinakawalan ni Trisha na ikinalingon sakanya ng mga kasama.

"Dahil lang sa libro kaya kayo nagkakaganyan akala ko naman kung ano na, Ang OA niyo ah," natatawang wika nito.

"Narinig pa namin na papatayin nila yung mag hawak ng librong hinahanap nila," sabi ni Celine na ikinatigil ni Trisha at kay Celine naman nabaling ang buong atensyon.

"Anong meron sa libro?" tanong ni Chryssa.

"Oo nga, anong libro ba yun?" tanong pa ni Diana.

Nagkibit balikat naman si Mica habang umiling-iling naman si Celine. "Hindi rin namin alam kung anong libro iyon, basta dalawang tao ang naririnig naming naguusap. Sabi pa nila ang kaibigan daw nung isa ang gagawa ng paraan para makuha ang libro. O'dikaya raw papatayin nila yung may hawak ng libro," pagkukwento pa ni Celine.

"Hala!" singhap ni Charm.

"Ano ba yan, kailan ba matatapos to? N-nabosesan niyo ba? Baka kilala lang pala natin sila," natatarantang tanong ni Chryssa.

"Yung isa sakanila parang pamilyar eh, at yung isa tingin ko si Black ang kausap niya," sagot ni Mica.

"Muntikan na rin kaming mahuli eh," kwento pa ni Celine.

"Sayang ba't hindi pa." Sabay irap naman ni Trisha kaya sinamaan naman siya ng tingin ni Celine.

"Hala! Ang intense siguro nun," naeexcite naman na sabi ni Charm na ikinatingin sakanya ng mga ito at naiiling nalang.

"Nakita kayo? I mean nakita mga mukha niyo? Baka balikan kayo nun," sabi naman ni Chryssa.

"Oo nga, naku baka unahin kayo ng mga yun," wika pa ni Diana. Nabahala naman lalo ang dalawa sa sinabi ng mga ito dahil hindi nila tiyak kung sila ba ay nakita ng dalawa o hindi. 

"Anong nangyayari?" tanong ni Cindy na kakarating lang.

"May kinukwento kasi sila na narinig nilang naguusap sa may Athena's building, kung noon simpleng patayan lang, ngayon may motibo na yung papatay yun ang makuha ang librong sinasabi nila," paliwanag ni Diana.

"Anong libro naman yun?" tanong ni Cindy.

"Hindi rin nila alam," sagot ni Diana.

"Okay, ganito. Since pamilyar kamo ang boses ng isa sakanila hindi na safe satin na maging maluwag sa ganitong usapin, kailangan natin itong ilihim hanggang sa malaman natin kung sino ang mga iyon. Kailangan natin maging maingat ngayon, at mas maganda kung satin nalang ang mga nalaman natin ngayon, hindi natin alam baka isa sa mga kasama natin ang mga iyon," mahabang lintaya ni Trisha. 

"Sa ngayon alamin muna siguro natin kung ano yung libro na hinahanap nila," wika ni Chryssa.

Sumang ayon naman ang mga ito at matapos ang ilang minuto ay nagkanya-kanya na ang mga ito na parang walang nangyari ngunit hindi kina Celine at Mica na halos hindi na mapaghiwalay dahil sa pangambang nakapaligid na sakanila ngayon ang killer.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon