Tumigil naman sa pagtakbo ang Bane nang tanungin ni Mark kung saan sila patungo, "You can find this C8H10N4O2 on your next destination," malakas na basa ni Eislen na siyang may hawak sa papel. Nagisip naman ang tatlo habang iginala naman ni Jhulcris ang tingin at nakita niya ring namomroblema ang ibang grupo.
"It was believed that it was originally came from Ethopian plateau, and In Yemen it earned the name qahwah, which was originally a romantic term for wine," basa pa ni Eislen sa maliit na sulat sa piakaibaba ng papel at may sulat pang 'clue' animo'y sinadya talaga itong liitan.
Muling nagisip ang apat, "Huwag kayong maingay mamaya may makarinig sa'tin, advantage natin yan kung tayo man ang unang makaalam ng clue," bulong naman ni Maegan.
Nagkumpol naman ang lima at nagsitsitan nalang, ngunit lingid sakanilang kaalaman ay may nakakarinig pala sakanila mula sa kabilang grupo at mabilis itong tinext sakanyang kaklase na kasama sa laro di kalayuan mula sakanilang pwesto.
'May paadvantage-advantage pa kayong nalalaman ha' nakangising sabi nito sa isip.
"Ano ba yan pano naman daw naten malalaman yung sagot diyan 'no," may halong inis na sabi ni Cindy habang binabasa ng paulit-ulit ang formula.
"Baka gusto mong tumulong Jen diba," reklamo ni Celine sa dalagang nakamasid lang sakanila. Walang reklamong lumapit ito sakanila.
"Akin na nga masyadong mainit ang ulo, chill lang kaya natin 'to tignan mo andami pala nating naguguluhan kahit yung Sagacity," sabi naman ni Mica saka kinuha ang papel kay Celine.
Nakibasa na rin si Tope at Jen sa nilalaman ng papel, "Teka ano yun?" tanong ni Jen at tinutukoy ang maliit na sulat sa pinakaibaba ng papel.
"Clue!" mahinang tili naman ni Cindy saka binasa iyon ng malakas, "Wait I think I already read this in some article," dugtong pa niya.
Ngunit bago pa masagot ni Cindy ay napansin ni Tope ang isang grupo na nagmamadaling tumakbo sa kung saan, "It means coffee, coffee shop! Lets Go!" tili naman ni Cindy at nauna nang tumakbo papunta sa coffee shop ng campus.
Akala ng Bane ay nauna sila sa station2 ngunit nagulat sila nang makita ang Valor na kausap na ang facilitator ng station2, nakita naman ni Maegan ang pag ngisi ni Marla sakanila nang makita sila, maya-maya pa'y kasunod na din pala nila ang Aerie at Sagacity.
"Suotin niyo yung goggles and per table makikita niyo may lalagyan sa tapat niyo na may lamang flour nasa ilalim niyan ang ang papel na may lamang questions, makadalawang sagot lang kayo stop na at kukunin niyo ang paper na yan gamit ang bibig lang, hands at the back. At kapag natapos kayong buong team makukuha niyo ito," tukoy nito sa mga susing hawak, "Isa dito ay susi sa box ninyo, goodluck teams." Imporma ng facilitator sa bawat team na dumadating.
Halos maubo naman sina Nielma, Maegan, at Tope dahil sa harinang nasisinghot nila. Unang nakakuha ng papel si Marla at binasa ito ng malakas kahit pa may harina ang bibig, "What is another name for the Paleolithic Age?"
"Stone Age!" malakas na sagot niya agad at kumuha ng panibagong papel.
Sumunod naman si Nielma, "What nocturnal animal group makes up one-fourth of all mammal species?"
"Bat!" malakas din na sagot nito na sinundan ni Zenith at kasabay niya si Tope, sa pagkakataong ito ay nakakadalawa na ang Valor habang ang iba ay sumasagot pa.
Abala ang lahat at isa nalang ang hinihintay ng Valor at Aerie, samantalang sa Sagacity ay dalawa at ganun din sa Bane. Nang makasagot ng halos magkasabay si Venice at Cindy ay agad na tumakbo si Jansen at Jen sa taong may hawak ng mga susi.
![](https://img.wattpad.com/cover/263028560-288-k367464.jpg)
BINABASA MO ANG
The Royal Academy
Mystery / ThrillerTO BE PUBLISH UNDER TDP The Academy where in order for you to survive is to be strong and smart. A battle between students, who will be the last man standing? who will be on top? and who will survive in the battle of the fittest? This is, The Royal...