"Sa'n niyo sila dadalhin?" tanong ni Izy sa mga lalakeng sinisimulan ng buhatin ang mga bangkay matapos itong isarado.
"Duh! Ano pa ba edi ililibing, alangan naman iuwi mo," malditang sagot sa kanya ni Trisha.
"Ano bang problema mo? Bakit ang init-init ng dugo mo saming lahat ha," kompronta naman ni Grace kay Trisha, ngunit imbes na sagutin niya ito sinuklian niya lamang ng isang irap si Grace at hinarap ang mga kaibigan.
"Feeling queen bee, wala ka na sa school niyo uy," wika naman ni Chryssa.
Tahimik naman si Jansen na nagmamasid sa paligid, at naalala ang naging usapan nila ni Kieth bago sila naghiwalay.
"Sa araw na natagpuan si Venice na wala ng buhay, may nakita akong patak ng dugo 'di kalayuan sa katawan niya, imposible namang sa kanya iyon dahil papunta sa gilid ng pintuan ang mga patak ng dugo na nakita ko," kuwento ni Jansen.
"At sabi nila Zenith, si Jhulcris ang nakakita sa kanya. Hindi kaya siya ang pumatay?" takang tanong naman ni Kieth.
"Pwede, dahil mukhang nanlaban pa si Venice bago siya tuluyang nalagutan ng hininga at baka nasugatan ang gumaya nito sa kanya. Naalala ko noon nang makita ko si Jhulcris may dugo siya hanggang braso, imposible namang mapahiran siya ng dugo doon, 'di ba?" paghinging sang ayon ni Jansen sa kaibigan.
Tumango-tango naman si Kieth. "Nakita mo na ba ulit ang braso ni Jhulcris? Baka may sugat siya doon kaya tinakpan nalang niya ng dugo ni Venice."
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Jansen sa huling sinabing iyon ni Kieth.
"Jhulcris anong nangyari diyan sa braso mo?" tanong ni Jansen habang tinuturo ang kaliwang braso ng dalaga, kapansin-pansin kasi ang pag-litaw ng bandaid nito sa braso nang malaglag ang kaliwang bahagi ang jacket na suot nito.
Bumalandra naman ang kaba sa mukha ni Jhulcris. "A-ano, n-nung gumagawa kase kami ng--"
Hindi na siya pinatapos ni Zenith. "Nung araw na nakita mo si Venice, bakit nandoon ka? 'Di ba papalabas na dapat kayong lahat ng Bane at kayo dapat ang nauna at nanalo?" magkakasunod na tanong nito na lalong nagbigay ng kaba sa dibdib ni Jhulcris.
"Oh I see, may kinalaman ka sa pagkamatay ni Venice. Or! Ikaw ang pumatay sa kanya," sabat naman ni Trisha na ikinatingin sa kanya ng lahat bago binalingan ng tingin si Jhulcris.
"Huwag nga kayong nambibintang ng kung ano-ano diyan! Nakita lang siya ni Jhulcris na wala ng buhay, mabuti nga nakita siya kundi nabulok na siya dun 'no," pagtatanggol naman ni Kristine kay Jhulcris.
"Syempre! Para kunware siya ang hero, ang dami ng namamatay dito at hindi na kami magugulat kung isa sainyo ang killer o alagad ni Black," wika naman ni Trisha.
"Oh ano Jhulcris magsalita ka," utos naman ni Zenith.
Magsasalita na sana ito nang mamataan nila ang humahangos na sina Reynalyn, Rose at Kisha. Hinintay naman ng mga itong makalapit ang tatlo. "Nakaalis na po yung mga men in black," wika ni Sophia.
Napahawak naman sakanyang tuhod si Reynalyn at humahangos na iwigayway ang kamay sa mga ito. "Si...Kieth..." hingal na panimula niya.
Nakuha naman niyon ang atensyon ni Jansen. "Napano si Kieth?" kinakabahang tanong niya.
"Nakita namin siya sa 9th floor ng Athena's building, sa may chemistry laboratory. May saksak sa dibdib," diretsang sagot ni Kisha.
Ang lahat ay napasinghap sa narinig, habang si Tope naman ay tila tinakas ng lakas at kulay sa katawan. Napansin naman iyon ni Mark na halos katabi niya lang.
BINABASA MO ANG
The Royal Academy
Mistério / SuspenseTO BE PUBLISH UNDER TDP The Academy where in order for you to survive is to be strong and smart. A battle between students, who will be the last man standing? who will be on top? and who will survive in the battle of the fittest? This is, The Royal...