"Nakita mo na ba 'to? Balita ko si Eislen ang nagsulat niyan," tanong ni Rose kase Reynalyn na katabi si Kisha.
Inabot naman ni Reynalyn ang dalang papel ni Rose at binasa ito, "Sa tingin mo payagan na natin yung gusto nila Trisha?" tanong naman ni Kisha.
Napatingin rito si Reynalyn, nasakanya kase ang huling desisyon kung papayagan nga ba nito ang kagustuhan ng mga SSC officer ng bawat section.
"Sa tingin ko payagan na natin pero magbigay tayo ng announcement para naan hindi mabigla ang mga students," wika ni Rose nang hindi sagutin ni Reynalyn ang tanong ni Kisha.
"Hindi tayo pwedeng magbigay ng announcement, pano kung maghanda yung killer? Okaya maitago na niya yung mga ebidensyang meron siya," salungat naman ni Kisha.
Napatango naman si Reynalyn doon, "Tama, huwag na tayong magbigay ng impormasyon tungkol dito at samahan nalang natin sila sa pagcoconduct nito, magpapatulong nalang ako sa mga kasama nating seniors para may magmonitor naman sa boy's dorm."
"Ako nalang magsasabi sa officers nila," presinta ni Rose na siyang sinangayunan naman ni Reynalyn ng isang tango.
"Sa wakas may maglalakas loob na din na tumulong satin," bulong ni Kisha.
Hindi naman nagkomento si Reynalyn dito at binalingang muli ng tingin ang papel na hawak, "Pupuntahan ko lang si Eunice, kailangan kong malaman kung sino ang nagtatangka sakanya," paalam nito.
"O-osige, babalik rin ako sa infirmary," paalam rin ni Kisha na ikina kunot ng noo ni Reynalyn.
"Di ba pa ba magaling yang sugat mo?" tanong ni Reynalyn.
Nagiwas naman bigla ng tingin si Kisha, "Ang bilin kase sakin bumalik raw ako p-para malinisan?"
Nahihiwagaan man sa sagot ni Kisha ay iniwan na siya ni Reynalyn, hindi niya hahayaan na may mapatay na naman ang killer.
"What is happening here?" malakas na tanong ni Reynalyn sa lahat nang makapasok siya sa loob ng maliit na canteen sa tabi ng gymnasium.
Bumungad kase sakanya ang naghihiyawang mga studyante at tila may pinagkakaguluhan sila sa gitna ng canteen.
Natahimik naman ang lahat at kusa siyang binigyan ng daan ng mga studyante patungo sa gitna kung saan nakita niya si Eunice na basang-basa ang uniform habang walang tigil ito sa pagiyak. Sa tingin niya'y juice ito odikaya ay isang frappe dahil sa nakita niyang whip cream sa bandang uluhan pa nito.
Kung titignan ang sitwasyon ni Eunice ay maawa ka nalang rito.
"Sinong may gawa nito?!" galit na tanong ni Reynalyn.
Agad namang tinuro ni Jansen sina Mica at Celine na tahimik lang sa sulok.
"Bakit?" inis na tanong ni Reynalyn nang makalapit siya sa mga ito.
"Akala ko ba we can do whatever we want sa school na to? Hindi ko naman siya pinatay so hindi naman big deal," simpleng sagot naman ni Celine.
Reynalyn was in range of anger but she manage to stay calm, "Kahit na, hindi pa rin tama na ipahiya mo siya sa maraming student pano kung magkatrauma siya?"
"At ikaw Mark ano kukuhanan mo pa talaga siya ng video, ano ganito ba mga ugali niyo sa dati niyong school?" galit pa rin na tanong ni Reynalyn bago dinaluhan muli si Eunice.
"Ayoko ng mauulit ito," bilin ni Reynalyn bago hinila si Eunice palabas ng canteen.
"Really? Kailan tayo magsisimula?" hindi makapaniwalang tanong ni Trisha.
BINABASA MO ANG
The Royal Academy
Misteri / ThrillerTO BE PUBLISH UNDER TDP The Academy where in order for you to survive is to be strong and smart. A battle between students, who will be the last man standing? who will be on top? and who will survive in the battle of the fittest? This is, The Royal...