CHAPTER 39: Two down

39 9 4
                                    

"Dito ka ha, huwag kang aalis," bilin ni Eislen kay Kristine habang niya ito sa magkabilang balikat.

Dumaloy naman ang kaba para sa kaibigan dahil alam niyang hindi ligtas ang gagawin nito. Kaya agad niyang pinigil ito sa paglabas sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito na ikinalingon ni Eislen.

"Huwag ka ng umalis, hintayin nalang natin sila. For sure may go signal naman siguro tayong maririnig kapag safe na sa labas," nagaalalang wika ni Kristine.

"Pano kung hindi? Hindi mo pa rin ba nakukuha ang taktika ni Black? Hindi siya nakakalaban ng may maraming nanunuod dahil ayaw niyang mabuko ang pagkatao niya, she hates the spotlight," paliwanag naman ni Eislen kay Kristine na ikinagulo ng utak nito.

"Hindi maintindihan, anong sinasabi mong taktika?" naguguluhang tanong ni Kristine.

"Yung laman nung libro, hindi ako naniniwala sa mga nakasaad doon. Journalist ako, at alam kong hindi ilalabas ng school ang ganong kasensitibong impormasyon sa library lalo na kung ikakasira nila iyon," sagot ni Eislen.

"Kung ganon, hindi rin totoo ang tungkol sa nakakahibang na misteryo sa school na ito? Pakana lang lahat ni Black?" magkasunod na tanong ni Kristine na ikinatango naman sakanya ni Eislen bilang sagot.

"Kung ganon dapat natin silang sabihan kase pakiramdam ko nagkakaroon na ng kompitensya sa pagitan ng bawat isa para sa pansarili nilang interes kapag nakuha nila ang sinasabi sa libro," ani pa ni Kristine.

"Kaya kailangan nating makaalis dito, nagiging makasarili na rin ang iba. Hindi na tayo ligtas kung nais mo pang mabuhay huwag na huwag kang magtitiwala sa kahit kanino, maging sakin," mariing bilin ni Eislen bago tuluyang binuksan ang pinto at nilisan ang silid.

Hindi na ito napigilan ni Kristine dahil sa samo't saring emosyon at pala isipan sakanya. Ipinagdasal nalamang niya na sana ay makabalik ng ligtas sakanya si Eislen.

Habang binabaybay ni Eislen ang kadiliman ng hallway sa third floor upang silipin ang nangyayari sa field mula sa kinalalagyan nilang gusali. Naging maingat ang bawat hakbang niya at iniiwasang makagawa ng kahit anong ingay kung kaya inalis niya ang suot na sapatos at itinabi iyon sa isang tabi kung saan hindi ito makikita agad.

Habang naglalakad ay nakarinig siya ng mga kaluskos mula sakanyang likuran kaya napatigil siya at nagtago sa malaking posteng pader di kalayuan sakanyang pwesto. Kinakabahan man ay kailangan niyang huminahon upang makapagisip siya ng tama.

Nang mawala na ang mga yabag at kalusko ay nakahinga si Eislen ng bahagya at natuon ang pansin sa isang silid sakanyang harapan, nakabukas ang pinto niyon at sa pakiwari niya ay isa iyong computer lab ng school dahil sa mga hile-hilerang computer na nakapaloob sa silid. 

Ngunit ang mas nakapukaw ng kanyang atensyon ay ang isang computer na nagiisang nakabukas lang sa gitna ng mga nakahilerang computer.

Sa kuryusidad ay dahan-dahan siyang pumasok doon habang palinga-linga pa sa paligid. Habang siya'y papalapit ay mas nagiging malinaw ang mga larawang nagpplay sa computer na nakabukas. 

Unti-unti ay nagiging pamilyar sakanya ang mga larawan, halos mapasinghap naman siya ng malakas ngunit agad niya itong napigil sa pagtakip sakanyang bibig nang tuluyan na siyang makalapit sa computer.

Larawan ito ng mga naging headline niya sa school, ni isa sa mga iyon ay walang maayos dahil mukhang pinili ang mga ilalagay na mga headlines sa computer na ito. Larawan lang naman iyon ng mga schoolmates niyang napahiya dahil sa mga bully sa school nila noon, nandiyan pang kasali sa mlarawan si Trisha na nakangisi habang may ibinubuhos itong juice sa schoolmate niyang nakatingala sakanya. Ang mga litrato na kanyang pinagkuhanan noon ay walang iba kundi si Mark dahil photo journalist ito ng school.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon