"Nag-iisip ka pa rin ng paraan kung paano makakalabas dito ano?" tanong ni Diana kay Trisha habang nakatulala ito sa binatana. Nasa loob na sila ng classroom at hinihintay nalang ang kanilang prof na dumating.
Nang hindi sumagot si Trisha ay bahagya na siyang tinapik sa braso ni Diana. "Huy kinakausap kita."
Nilingon naman siya ni Trisha at kita sa mga mata nito ang takot. "Hoy sa ganda kong 'to para kang nakakita ng multo," mataray na sabi nito sa kanya.
"We need to get out of here, hindi 'to isang school lang," parang wala sa sariling sabi nito.
"Pinagsasabi mo? Napapraning ka lang. Tinanggap ko na natrap tayo dito ng isang psyhco-something pero mukhang okay naman na din 'yon kase I won't see my step-mother's face again."
Sa kabilang classroom naman ay ganun din ang itsura ni Maegan matapos ang nasaksihan nito kagabi. Everything went well, katulad ng mga normal first day sa mga eskuwelahan ay ganun ang naganap sa bawat seksyon.
Habang nasa canteen ay tahimik na kumakain sina Jansen at Venice, nang lapitan sila ng isang estudyante. "Hi pwede makishare?" tanong nito tumango naman si Venice bilang sagot.
"Magkaklase tayo, don't worry hindi ako spy," sabi nito saka tumawa pa ngunit wala naman siyang nakuhang reaksyon sa dalawa na patuloy lang sa pagkain.
"Transferee ba kayo dito?" tanong pa niya.
"More on kinidnap kami," seryosong sagot ni Jansen.
"Dinukot? Pwede ba 'yon, ang sabi marami raw transferee so I assume na kayo 'yon and the other students sa kabilang sections," sagot naman nito.
"Ikaw matagal ka na ba dito?" tanong naman ngayon sa kanya ni Venice.
"Oo, since first year nandito na 'ko, maganda ang school na 'to maraming opportunity na naghihintay sayo kapag nakagraduate ka na," sagot niya.
"May sinabi samin yung namumuno ata dito 'yon. Anong ibig sabihin ng motto niyong survival of the fittest?" tanong naman ni Jansen.
Sandaling natahimik naman si Marla at tila may naalala sa sinabi nito, luminga-linga pa ito sa paligid at bahagyan dumukwang. "Mukha namang mapagkakatiwalaan kayo, alam niyo kase hindi lang acads yung tinutukoy doon, as you can see hindi gaanong populated ang school even if sikat ito. It's because there's more to discover about it, at ayokong magsalita dahil baka may ibang makarinig pero ang masasabi ko lang para makasurvive kayo ay 'wag na 'wag kayong magtitiwala kahit kanino." Tipid itong ngumiti bago sininop ang gamit at umalis.
"Anong more to discover?" takang tanong ni Jansen sa katabi.
"Kailangan talaga natin makaalis dito," sagot ni Venice at tinapos ang pagkain.
"Ano may nahanap ka bang may cellphone?" tanong ni Celine kay Mica.
"Wala nga eh, poorita ata mga estudyante dito," sagot naman nito. Nasa cafe sila nagla-lunch nang may umupo sa tabing upuan ni Mica. "Kahit makahanap pa kayo ng telepono ay hindi gagana 'yan dito, walang signal dito eh," sabi nito sa dalawa.
"Excuse me? Sino ka naman?" supladang tanong ni Celine.
"Miss huwag kang masyadong suplada baka 'yan ang ikamatay mo, by the way I'm Keziah kaklase niyo lang ako at katulad niyo I was abducted too." Lumungkot naman ang mukha nito.
"You mean hindi ka pa rin nakakauwi?" gulat na tanong ni Mica dito na tinanguan lang nito.
"Ganun na ba kadesperada ang school na 'to na magkaroon ng estudyante?" seryosong tanong naman ni Celine.
"Still a mystery kung bakit sila dumudukot ng mga estudyante, pero walang nakakaalam o baka wala lang may pakialm dahil hindi naman lahat ng estudyante dito ay katulad natin na pinilit lang," sagot naman ni Keziah.
BINABASA MO ANG
The Royal Academy
Mystère / ThrillerTO BE PUBLISH UNDER TDP The Academy where in order for you to survive is to be strong and smart. A battle between students, who will be the last man standing? who will be on top? and who will survive in the battle of the fittest? This is, The Royal...