"Sarado na? Di ba 24/7 na bukas to?" tanong ni Sheena kay Mark habang nasa tapat sila ng coffee shop ng school.
"Oo, hayaan mo na. May alam akong pwede pa rin natin mabilhan dito, sa Zeus building dun may coffee shop rin don pwede naman tayong pumunta dun," suhestyon niya.
Malapad naman na ngumiti si Sheena at tumango saka mahigpit na niyakap ang dala-dalang libro na ikinalingon rito ni Mark.
"Hindi mo talaga binitawan yan ano," komento ni Mark.
"Ewan ko ba parang pakiramdam ko gusto ko ring malaman kung ano bang habol dito ni Ramshelle tsaka pakiramdam ko hinihila ako ng libro para basahin ang laman niya," sagot naman ni Sheena bago nila tinahak ang daan patungong Zeus builiding.
Bilang hindi na nila ito departamento ay wala ng tao sa labas at tanging ilaw nalang sa mga building ang makikita. Nang makita nila ang maliwanag na pangalang "Zeus Coffee Shop"
Masayang bumili naman sila ni Mark ng kape at nagpasyang magpahangin muna. "Ang tahimik dito, satin ang daming studyante minsan kahit gabi pa," ani Sheena nang makaupo sila sa isang bench malapit sa Zeus buidling.
"Anong balak mo kapag nalaman mo yung laman ng libro?" tanong ni Mark.
"Hindi ko pa alam," sagot nito na ikinatahimik nilang dalawa.
Ilang sandali pa ay nagsalita muli si Mark at hinarap si Sheena, "Tara alamin na natin."
Napatingin naman sakanya si Sheena, at tila matutunaw naman ang kanyang puso sa nakikitang ngiti nito sa labi ni Mark.
Nginitian niya 'ko! Ibig sabihin may chance!
Napahawi naman ng hindi sinasadya si Sheena sa isiping iyon at dali-daling tinanguan si Mark.
Binuksan ni Sheena ang libro at sabay nila itong binasa, namamangha naman ang dalawa sa natutuklasang impormasyon tungkol sa eskuwelahan. Hawak ni Sheena ang libro habang nakadungaw naman si Mark dito at nakikibasa.
Malapit ang mukha nila sa isa't-isa kung kaya malaya si Sheena na mapagmasdan nito ang mukha ng binata nang biglang lumingon ng tingin sakanya si Mark dahilan para magtagpo ang kanilang mga mata.
Hindi mabilang ni Sheena kung gaano sila katagal sa ganong posisyon nang biglang magsalita si Mark, "Yung coffee mo natapon na. Nasipa mo ata."
Agad namang sinulyapan ni Sheena ang itinabing baso niya ng kape at nakita niyang nakatumba na nga ito kaya agad naman niya itong inilapag sa ilalim ng inuupuan nila at bumalik ulit sa dating pwesto.
"Gusto mo ba si Kristine?" tanong bigla ni Sheena na ikinagulat ni Mark.
"H-hindi 'no," sagot naman niya, napatango nalang si Sheena at ibinalik ang tingin sa libro habang sinusupil ang ngiti sa kanyang labi.
Ilang saglit pa ay naging matahimik na ulit ang paligid nila dahil parehong tutok ang dalawa sa pagbabasa. Halos nakakalahati na nila ang libro at sa parteng iyon ng libro ay isang compilation na ng mga journals na sa tingin nila ay mula sa school journalist ng Academy sa mga panahong iyon. It was a compilation of student testaments.
In the year 2010, there were a lot of rumor that circulated in the whole Academy. They say that Mr. and Mrs. Kwong had a daughter but she was kept and no one from their school knew that she was their child because of the reason that she was an unlucky daughter or a black gem to the family. There were a lot of disciplinary records under their daughter's name about being bullied by her classmates but her parents was like blind and deaf from their daughter's plea to move out of the Academy. In the year 2012, something strange happen. The daughter of Mr. and Mrs. Kwong went missing and it was the year where the first crime happened inside the Academy's campus and soon the same year the school went to its bankruptcy due to the decreasing of their enrollees the couple blamed their child until the Academy closes and end its operation.
BINABASA MO ANG
The Royal Academy
Mystery / ThrillerTO BE PUBLISH UNDER TDP The Academy where in order for you to survive is to be strong and smart. A battle between students, who will be the last man standing? who will be on top? and who will survive in the battle of the fittest? This is, The Royal...