CHAPTER 08: Her

212 26 39
                                    

Natapos naman ng matiwasay ang ramp show ngunit hindi muna inanunsyo ang mga nanalo kaya matapos ang programa ay nagsipagpasukan na sakanya-kanyang dorm ang mga estudyante para makapagpahinga na.

Habang nagliligpit naman ang ilan na nagvolunteer na mag-ayos sa field ay naging usap-usapan nila ang nangyaring aksidente sa modelo ng Aerie.

"Kawawa naman yung isang student sa Aerie 'no," biglang sabi ni Cleshen habang pinagsasama-sama ang mga upuan ng mga judges kanina.

"Buti nga," bulong ni Carla na ikinalingon sa kanya nina Cleshen at Venice dahil malapit lang ang mga ito sa kanya.

"Hoy, anong buti nga, mamaya may makarinig pa sayo diyan tapos maissue pa na ikaw may gawa," sita sa kanya ni Zenith ngunit hindi naman ito umimik at tinapos na ang pag-lalagay sa plastik ng mga water bottles ng mga judges kanina.

Hindi naman napansin ng iba ang pagdaan ng isang estudyante mula sa kanilang likod at hindi sinasadyang narinig ang sinabi nito na ikinangisi niya 'Mukhang hindi lang pala ako ang may gusto sa nangyari' sabi nito sa sarili bago nilagpasan ang mga ito.

Sa isang banda naman ay sina Chryssa na buhat-buhat ang gown na ginawa, maingat nila itong bitbit papunta sa kanilang dorm. "Feel mo mananalo tayo?" tanong ni Chryssa ng may pag-aalinlangan.

"Oo ano ka ba, ang ganda kaya nito. Thanks to our super model Kristine!" sagot naman ni Jhulcris na katabi ni Kristine sa paglalakad. Napangiti naman si Kristine sa sinabi nito. "Eh nagtulong-tulong din naman kase tayong lahat kaya naging maganda yung kinalabasan," sabi naman nito.

"Sino nga ulit nagpaint dito?" tanong ni Alliah.

"Si Jaycee tsaka Mark," sagot ni Kristine, bigla naman nagtinginan ang mga kasamahan nang marinig ang pangalan ni Mark.

"Yieeee, speaking of Mark, crush mo ba?" usisa ni Chryssa sa kanya, matagal bago sumagot si Kristine nang biglang may mag-salita mula sa kanyang likod. 

"Aminin mo na kasi." Nagulat naman ito ng bahagya nang makita si Mark sa kanyang likuran at nakangisi pa. 

"Hindi 'no, neknek mo," sagot ni Kristine bago naunang naglakad sa kanila na ikinatawa naman ng kanyang mga kasama.

"Basted ka na agad bro!" kantyaw naman sa kanya ni Jaycee.

"Hina mo naman pala pre," sabi pa ni Jaycee. "Feeling naman no'n crush ko siya 'no, wagas pa makapagtaray sakin," nakasimangot naman na sagot ni Mark bago inakbayan at hinila si Jaycee papunta sa kanilang dorm.

"Goodnight girls!" pahabol na sabi pa nito sa kanila.

"Denial lang yang si Kristine 'no Cristine, ay ano ba 'yan magkapalayaw pala kayo, tawag nalang namin sayo Tine-Tine tapos do'n sa isa Kristine ha," natatawang sabi naman ni Jhulcris sa katabing kaklase.


Habang naglalakad naman paalis sa field sina Sophia. "Ano nga yung event bukas?" tanong ni Sophia.

"Amazing race, 'di ba kasali ka sa 5 representatives," sagot naman ni Michelle sa kanya. Napaisip naman siya saglit. "Ay oo nga ano," sabi naman nito sabay napakamot pa sa ulo.

"Ikaw Michelle sumali ka ba do'n?" tanong ni Luxel.

"Hindi eh, sumali naman na 'ko dito saka sa science quiz bee kaya give chance to others naman pero ikaw sumali ka 'di ba," sagot niya, tumango naman ito bilang sagot.

"Sina Gellie, Clarinz tsaka si Princess, yung tatlo pa naming makakasama bukas," sabi naman ni Nielma habang karga ang dulong bahagi ng damit.

"Parang nagugutom ako, sino gusto mag-midnight snack diyan? May snack bar pala tayo sa may lobby ng dorm natin," tanong ni Diana. Agad namang nag-taasan ng kamay ang kanyang mga kasama kaya nagmamadali silang pumasok sa loob ng dorm.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon