Matapos mapuno ng luha ang buong silid ay siyang pagkagulat nila sa sunod-sunod na pagpasok ng mga misteryoso at armadong mga tao sa loob ng silid. Pare-parehong nakamaskarang itim rin ang mga ito at balot na balot sa itim at makapal na kasuotan.
"T-teka a-anong ginagawa niyo dito?" kinakabahang tanong ni Honey habang tinutuyo nito ang kanyang luha.
"Dahil huling tsansa niyo na para mapatay si Black at makalabas kayo rito. Just in case magkamali kayo ng piniling patayin sa huling pagkakataon, andiyan na sila para kayo naman ang tapusin," kalmadong imporma ng taong may hawak ng baril na nasa harapan nila.
"Hindi ba pwedeng ituro mo nalang siya samin ha," mataray na wika naman ni Trisha.
Ngumisi naman ito ng malapad na ikinabahala ng ilan sakanila.
"Where is the in that, hindi mahilig naman din kayong maglaro....ng mga tao."
"Okay for the last time, ano ba talagang gust ni Black bakit niya kami dinala dito?" Pilit pinapakalma ni Nielma ang sarili sa harap ng lahat kahit pa nanginginig na siya sa sobrang takot.
"Hindi niyo pa ba nakukuha? Nakita niyo na nga ang mga pagmumukha niyo sa mga computer wala pa rin?" balik na tanong naman nito sakanila.
Napatingin naman ang lahat sa mga computer na bukas pa rin at papalit-palit pa rin ang mga nakaflash na larawan doon.
"A-ano namang k-kinalaman ni Black diyan? I-isa ba siya sa mga yan?" nauutal na tanong ni Mica.
"G-gusto ba niyang humingi kami ng sorry sakanya? Gagawin namin," dugtong naman ni Celine.
"Now you're a sheep, I thought all of you were a big bad wolf." Huling dumapo ang tingin ng taong iyon sa pwesto ni Reynalyn at nginisian ito.
"I'll give you time to think again, she's around you remember."
"Ngayon niyo na sabihin lahat ng nalalaman niyo," malakas na sabi sakanila ni Nielma.
"What do you mean?" tanong naman ni Trisha.
"Alam naman nating lahat na meron tayong tinatago na may kinalaman sa mga nangyayari kaya ngayon na ang tamang panahon para sabihin niyo yon," sagot nito.
"Si-si, Hayna. I know she knew who is Black, o baka siya si Black at inutusan niya ko noon na pumatay, all those innocent people. You deceive me!" malakas na sumbat ni Reynalyn kay Hayna.
Dahan-dahan naman itong lumakad papunta sakanya, naalarma naman ang lahat at naghanda kung sakaling saktan nito si Reynalyn.
"Dapat matagal na kitang pinatay eh, kaso gusto ka pa ata niyang paglaruan," nakangising aniya.
Akmang sasampalin ito ni Reynalyn nang mabilis na napigilan iyon ni Hayna. "Not so fast, tandaan niyo ako ang may kilala kay Black."
"Huwag kayong maniwala sakanya," ani Honey.
Binalingan naman siya ng tingin ni Hayna at nginisian dahilan upang mapaatras ito sakanyang kinatatayuan.
"So, you're on their side now? Akala ko ba magkaibigan tayo?" tanong nito.
"H-hindi ko na kaya, t-tsaka alam na nila kung sino talaga kayo. Ikaw ang killer ng school na to." Pilit na pinapatapang ni Honey ang kanyang anyo ngunit agad itong nabahag nang lapitan siya ni Hayna at mariing hinawakan siya sa pisngi.
"Hoy! Huwag mong sasaktan si Honey," ani Nielma ngunit siya nito pinansin.
"Oh why no?" nakangisi nitong tanong.
Pilit na kumakawala si Jhulcris sa hawak nito ngunit mariin ang pagkakahawak sakanya ni Hayna. Hindi naman siya magawang pigilan ng iba dahil hindi nila alam kung sino ang papanigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/263028560-288-k367464.jpg)
BINABASA MO ANG
The Royal Academy
Mystery / ThrillerTO BE PUBLISH UNDER TDP The Academy where in order for you to survive is to be strong and smart. A battle between students, who will be the last man standing? who will be on top? and who will survive in the battle of the fittest? This is, The Royal...