Napabalikwas naman ng bangon si Trisha at napahawak sakanyang leeg, agad naman niyang iginala ang kanyang tingin sa buong kwarto at nakita niya ang kaibigan na mahimbing na ang tulog, at ganun din ang iba. Walang pagaatubiling ginising niya ito.
"Cindy, Cindy wake up," panggigising nito, kumunot naman ang noo nito at unti-unting nagmulat ng mata.
"Ano ba yan Trisha halos kakatulog ko lang eh," naiinis na sabi nito saka tumalikod ng higa sakanya, "Nanaginip kase ako ng masama," panimula nito.
"Konsensya mo yan," sagot naman ni Cindy, "Yon na nga and I think I need to confess it to you." Huminga naman muna siya ng malalim bago nagsimulang magpaliwanag, "Okay, honestly ako yung nagsuot nung sapatos ni Shea but I didn't mean to break her shoes, it was an accident and I'm so sorry for ruining her ramp kanina," nakayukong kuwento nito.
Binalingan naman ito ng tingin ni Cindy, "Huwag ka lang sa'kin magsorry, lalo na kay Shea magsorry ka dun kase siya yung mas napahiya kanina." Nagtalukbong naman si Cindy ng kumot matapos iyon sabihin kay Trisha.
Agad namang naalala ni Trisha ang kanyang naging panaginip, "Hindi naman siya mukhang war freak," bulong nito bago nahigang muli sakanyang kama.
"Rise and shine students, parang nakakaamoy na 'ko ng dugo kahit hindi pa nagsisimula ang laro," pikit matang sabi nito habang nakatanaw mula sa malaking bintana ng kanyang opisina at pinapanood ang mga studyanteng naghahanda para sa laro.
"Ano pong plano niyo boss?" tanong sakanya ng kanyang tauhan.
"Plano ko? manood kaya maiwan ko na kayo," nakangising sabi nito bago lumabas ng opisina.
"Good morning students!" bati ni Reynalyn kasama sina Rose at Kisha, it was 9am in the morning kaya medyo inaantok pa ang ilan dahil siguro sa pagod kagabi, "I know its a bit tiring for all of us, pero ngayong araw na ito ay masisiguro kong mas magigising ang mga diwa niyo dahil hindi lang utak ang gagana kundi buong katawan ninyo," dugtong pa niya.
"We have five station and as you can see ang makikita niyo lang dito sa field ay ang first and final station and finding the other stations would on of your challenges, utakan, bilis at strategy lang ang kailangan dito at kung sino man ang maunang makatapos dito may 2 days rest at kasama na doon yung makakalabas o makakagala kayo sa labas ng campus, exciting right?" mahabang paliwanag nito.
Mukhang ginanahan naman ang lahat sa sinabing iyon ni Reynalyn, "Okay you can have your 15mins warm up, good luck players." Naglakad naman pabalik sa tent sina Reynalyn at ang dalawa.
Nagkumpulan naman ang bawat grupo at nandiyan pa ang ibang kaklaseng nais lang makiusyoso.
"Sagacity, nakakadalawang panalo na kayong event and so I expect you to win this game. I'll be disappointed if you won't make it, mukhang ang dadali lang lamangan ng mga kalaban niyo. Huwag niyong ibababa ang reputasyon ng section Sagacity, sige na magwarm up na kayo sigurado magbabanat kayo ng buto mamaya," yun lang ang ibinilin sakanila ng kanilang instructor bago nagpaalam na babalik na sakanilang faculty room.
Nagtaas naman ng kamay si Princess, "Yes Miss Ferrer?"
"Sir pwede po bang magpasub? sumasakit po kami yung puson ko baka hindi po ako makapaglaro ng maayos, takbuhan pa naman ang labanan diyan," paliwanag nito.
"Mga batang ito, osiya sige kausapin ko nalang yung organizer. Sino gustong magsub?" tanong naman ng instructor nila.
Nagtaas naman ng kamay si Trisha na kakarating lang, "Me!" Nakasuot na ito ng jogging pants at isang crop top na dry fit shirt.
BINABASA MO ANG
The Royal Academy
Mystery / ThrillerTO BE PUBLISH UNDER TDP The Academy where in order for you to survive is to be strong and smart. A battle between students, who will be the last man standing? who will be on top? and who will survive in the battle of the fittest? This is, The Royal...