CHAPTER 07: Ramp Show

167 21 27
                                    

"Mukhang hindi naman gumana ang plano mo, sila pa rin yung nanalo eh," mahinang sabi nito sa katabing babae na seryoso pa rin ang tingin sa mga nagkakamayan na manlalaro.

"Masyado ko pala silang minaliit, akala ko kase puro arte lang meron sila may utak din pala. Kahit pa hindi nagtagumpay ang plano ko hinding hindi pa rin ako papayag na bumagsak tayo dahil alam mo naman ang ibig sabihin kapag bumaba ng husto ang credit score natin," sagot naman nito.

"Bakit parang nararamdaman ko na hindi lang yung pagkapanalo natin yung gusto mong makuha." Paghihinala nito sa kausap. Tinignan naman siya nito ng blangko saka ngumisi.

 "Ganyan yung gusto ko, matalino." Nagsimula na itong tumayo at naglakad papunta sa back door ng auditorium sa itaas na bahagi.

"Sa tinagal-tagal ko na dito hindi pwedeng ang Trisha na 'yan ang mag sikat-sikatan dito."

"Hindi ka naman sikat ah," komento naman ng kasama nito kaya nakatanggap ito ng masamang titig. "Alam mo ikaw, kung wala ka lang silbi hinayaan nalang kitang mamatay noon."


Naging abala naman ang lahat sa sumunod na araw, nagbubunyi ang seksyon ng Sagacity dahil pareho silang nanalo sa math at science quiz bee. "Grabe idol ko na talaga kayo," komento ni Sophia habang naggugupit ng mga dyaryo para sa damit na kanilang dinidisenyo.

"Ginawa naman natin lahat yung best natin pero alam niyo ba, lakas din natin kanina sa science quiz bee, kase yung second and final round wala 'yon sa mga pinagaralan natin kaya akala ko matatalo na tayo but thanks to Luxel." Dugtong naman ni Michelle.

"Tama na 'yang kuwentuhan mamaya ma-late pa tayo sa ramp show mamaya," masungit naman na sabi ni Trisha nang sumulpot ito sa may pintuan 'di kalayuan kina Sophia.

"Mamaya pa namang gabi yung ramp show ah, excited much 'te," sagot naman ni Diana dito na siyang nagdidikit naman ng mga nagagawang disenyo ng mga kasama. Pinaikutan nalang sila ni Trisha ng mata atsaka tumulong na rin sa pag gagawa.


Habang abala ang lahat sina Reynalyn, Rose at Kisha naman ay nagoobserve sa bawat seksyon sa kanilang building upang tignan ang ayos ng bawat grupo.

"Maganda ang laban kahapon balita ko." Pagbabasag ni Kisha sa katahimikan habang binabay-bay nila ang hallway.

"Oo nga daw, nanalo pareho ang Sagacity. Hindi na 'ko magugulat kung sila ang top section for this month," pag sang-ayon naman ni Rose.

"I don't think so, yung mga bagong students ngayon base sa observation ko. Palaban sila hindi lang para sa grupo kundi para rin sa pansarili. Siguro yung mga estudyanteng nakikita kong walang alam kundi ang mag-aral lang dito ay hindi binasa ng buo yung another contract na binigay sa kanila bago pumasok sa Academy na 'to," serysong sabi naman ni Reynalyn habang nakatanaw sa section ng Sagacity na abala sa pagkukuwentuhan at sa ginagawang damit.

"Pres, we all know na hindi lahat ng bagong student ay kusang nag-apply dito at hindi naman na nakakagulat na ganyan sila kacompetitive dahil sa isang rason," sagot naman ni Kisha dito.

Napansin ni Rose ang kaseryosohan sa mukha ni Reynalyn at base sa mga sinabi nito kanina'y mukhang maraming alam si Reynalyn sa mga nangyayari sa paligid.

Sumapit ang hapon at ang lahat ay naghahanda na para sa ramp show na gaganapin mamayang 7o'clock pm, pati rin ang ibang department ay may kanya-kanyang event.


Sumapit ang 4o'clock at tanging natira nalamang sa section ng Aerie ay sina Keziah, Celine, Eunice at Mica na naglilinis at tinatapos ang huling mga detalye sa kanilang damit. 

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon