CHAPTER 49: Black's Revenge

141 6 1
                                    

Dahan-dahang nilapitan ni Celine ang katawan ni Jen at lumuhod sa tabi nito.

"Sorry, hindi ko alam na ganon pala ang pinagdadaanan mo noon. Ang dami kong pagkakamali sayo, napakaimmature ko para hindi isipin ang mararamdaman mo and all I could think that time was to get my revenge to you dahil sa maliit na bagay," umiiyak na wika nito sakanya.

Saglit namang nagmulat ito. "Revenge won't do good in you, napatawad na kita. But please kung makalabas ka man dito, take care of my sister for me," nanghihinang sagot ni Jen.

Umiiyak na tumango naman si Celine.

Matapos makarinig ng dalawang putok ng baril ay mabilis na dinaluhan ni Reynalyn at Nielma si Rose na nabuwal sa kanyang kinatatayuan.

"Rose," tawag ni Reynalyn.

"H-hindi ako si Black," hirap na wika ni Rose.

Nangunot naman ang noo ni Nielma at binalingan si Gellie na nakalapit na pala sakanila.

"Nagsinungaling ka?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Napaatras naman si Gellie at mula doon ay rinig nila ang pagalingaw-ngaw ng tawa ni Hayna.

"Hindi kase kayo nakikinig sakin ayan tuloy, mali ang napili niyo. Ngayon sabay-sabay tayong mamamatay dito," ani Hayna.

"Bakit hindi mo sinabi ang totoo?" may galit sa mga matang tanong ni Celine kay Gellie nang lapitan niya ito at hawakan sa magkabilang balikat.

"Pinoprotektahan mo ba siya?" tanong ni Cindy.

"Oh baka naman ikaw siya," dugtong naman ni Trisha.

"Ano nang mangyayari?" tanong ni Honey sa taong nakatayo pa rin sa harap at nanunuod lamang sakanila.

Hindi ito sumagot bagkus ay naupo lamang ito sa kalapit na silya at nagpatuloy sa panonood sakanila.

"Kung hindi ikaw, sino?" tanong ni Reynalyn kay Rose na may mapupungay ng mga mata.

"Nagsimula ang lahat nang iwanan natin siya," kwento ni Rose.

"She suffered a lot, from the hands of her family down to the people surrounding her. Tayo nalang ang meron siya pero iniwan pa natin siya at hinayaan dahil sa takot na tayo naman ang mabiktima nila." Umubo ito at kasama niyon ang ilang likido ng dugo.

"Shhh, sabihin mo nalang kung sino siya para matapos na to," ani Reynalyn habang hinahaplos ang maputlang mukha ni Rose.

May lungkot sa mga matang nakatanaw lamang si Kisha sa dalawang kaibigan at hindi makayanang lapitan ang mga ito dahil sa sakit na kanyang nararamdaman.

"Sabihin mo sakanya na pasensya na kung iniwan natin siya noon at hindi pinagtanggol, she became who she is now because of us. Tayo na pinagkatiwalaan niya, tayo na naging pamilya niya at iniwan siya nang itanggi siya ng pamilya niya," pagtutuloy ni Rose.

"Matagal na tayong wala, matagal ng nawasak ang school na to. But because of her wicked deal with that person, she got her revenge. Napuno ng hinanakit ang puso niya Reynalyn, at tayo ang ugat niyon."

"Saan mo nalaman lahat yan? " naguguluhang tanong ni Reynalyn.

Patuloy ang pagdaloy ng dugo nito mula sa tiyan na mukhang sinadya na roon ipatama ang bala habang si Jen naman ay diretso sa puso nito ang bala.

"Nagkwento siya sa'kin noon tungkol sa naranasan niyang pambabaliwala sakanya ng pamilya niya dahil mahina raw siya at parating sinasaklolohan. That's where the monster grown in her lalo na nang makausap nito ang taong may gawa nitong lahat, matagal nang giniba ang school na 'to. Nang mamatay ang parents niya but then, ayoko man maniwala pero nandito tayo ngayon." Saglit na naubo pa ito na may kasamang dugo.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon