CHAPTER 23: Another Goodbye

47 10 8
                                    

Pagkalabas nito mula sa kuwartong pinaglalagyan ni Eunice ay siyang pagkalabog muli ng pintuan sa banyo, "Tulong! Jhulcris!"

Malakas namang napangisi ito saka binitawan ang dalang susi sa tapat ng kuwarto at naglakad na paalis.

Sa pagpasok nito sa elevator ay siyang pagakyat ni JHulcris at hingal na hingal pa ito, "Chryssa?"

"Andito ako sa banyo! Bilis baka kung ano na nangyare kay Eunice!" natatarantang sagot ni Chryssa.

Agad naman napatingin si Jhulcris sa kuwarto at binuksan ito, hindi ito nakalock kung kaya nagawa niyang makapasok agad ngunit sumalubong sakanya ang napakadilim na kuwarto. Sa pagbukas niya ng ilaw ay bumungad sakanya si Eunice na nakahandusay sa sahig at duguan.

Mabilis na gumapang ang takot at lungkot sa dibdib ni Jhulcris at nanginginig ang katawang iginala niya ang tingin sa buong paligid, nagbabakasakaling may magtuturo sa kung sino ang may gawa nito.

Ngunit wala siyang nakita kundi ang katawan lamang ni Eunice, akmang pupuntahan nito ulit si Chryssa nang matapakan ang isang bagay at nakitang susi pala iyon. Dali-dali niya itong pinulot at hinanap ang susi para sa banyong kinalalagyan ni Chryssa.

Nang makalabas ito, ay natigilan silang pareho nang makita ni Chryssa ang lungkot at kaba sa mga mata ni Jhulcris. Napayuko ito at unti-unting umiling.

Dali-dali namang pumasok si Chryssa sa loob ng kuwarto at doon nakita niya si Eunice na wala ng buhay habang duguan ang tiyan nito na umagos sa paligid nito.

"Ang shunga mo naman, babae naman pala yung nakapasok dito tapos hindi mo pa napigilan okaya kahit man lang nalaman kung sino siya," galit na wika ni Celine kay Chryssa.

"Eh kung ikaw kaya ang tutukan ng kutsilyo, tignan ko kung anong magawa mo," inis naman na sagot ng dalaga.

Nakapalibot naman ang mga ito sa katawan ni Eunice na hanggang ngayon ay hindi pa rin ginagalaw, "Anong nangyare?" Hinihingal na tanong ni Reynalyn nang makapasok ito sa loob, kasunod niya ay sina Kisha.

Si Kristine naman ay abala sa pagkuha ng litrato sa buong kuwarto kasama si Jhulcris na naggagala sa loob, nagbabakasakaling may makita silang ebidensya.

"Kanina kase nagpaalam si Jhulcris sakin na maghihilamos lang daw, kaya naiwan muna 'ko magisa. Kaso m-may bigla nalang humigit sakin sa leeg at tinutukan ako sa leeg, natakot ako h-hindi ko alam anong gagawin, tapos pinasok niya ko sa banyo at nilock sa loob," nauutal na kuwento ni Chryssa.

"Pero ang sabi mo, nakablack na jacket, tama?" paniniguro ni Zenith.

"Eh kung mag emergency inspection tayo?" tanong ni Rose sa dalawang katabi.

"That's a good idea," pagsangayon ni Trisha.

"Mambubulabog tayo sa ganitong oras?" di makapaniwalang tanong ni Mica.

"Oo, sigurado makikita pa natin ang taong gumawa nito. Hindi naman siguro maraming nagsusuot ng kulay black na jacket satin ano," sagot naman ni Sheena.

"May punto sila, malaki pa ang chance natin na makita ang gumawa nito," pagsangayon naman ni Kisha.

"Sige, tatawagan ko lang yung sa infirmary at sa maintenance para malinis na 'to," wika naman ni Reynalyn saka nagmamadaling lumabas ng kuwarto.

"Sinong maiiwan dito?" tanong naman ni Rose.

"A-ako nalang," pagppresinta naman ni Kisha.

"Bakit naman ikaw? Akala ko ba may tinatapos kang project?" mapaghinalang tanong naman ni Rose na ikinatingin sakanila ng mga kasamahan sa loob.

The Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon