"Gellie?" gulat na tanong ni Nielma dahilan para makawala si Jen mula sakanyang pagkakahawak at nakangising tinignan ang magkaibigan.
"Well, well, well. The right hand of Black has been revealed," ani Hayna.
Hindi naman agad nakapagsalita si Gellie at tila naghahanap ito ng eksplenasyon na sasabihin sa mga kasama.
"N-nagkakamali kayo," aniya.
"Really?" namamanghang tanong ni Hayna saka umatras palayo kay Jhulcris at ito naman ngayon ang nilapitan niya.
"So all this time nagrereport ka kay Black?" tanong ni Trisha.
"Hindi! Nagkakamali kayo! Hindi niya ko kasama o asset o kung ano pa man," depensa niya.
"So kaya ka rin ba nawawala nung nakita si Eunice?" tanong naman ni Honey.
"At kaya ba palagi kang may alam sa mga nangyayari?" tanong naman ni Reynalyn.
"Kaya rin siguro ikaw ang nangungunang magbalita samin tungkol sa mga nangyayaring patayan dito sa school," gatong pa ni Cindy.
"Oo nga," dugtong ni Trisha.
Mariing napapikit naman si Gellie, nang magsalita si Rose, "Trying to make some excuses?"
Doon napamulat si Gellie at binigyan ng matatalim na tingin si Rose.
"Ikaw, killer ka rin 'di ba," akusa nito. Napanganga naman ang lahat sa sinabing iyon ni Gellie ngunit hindi si Rose na ngayon ay tumatawa na.
"See, I told you. Kilala niya si Black and she's guilty right now kaya ipinapasa na niya sa iba."
"Magsabi ka ng totoo Gellie, kami ang kakampi mo dito. Ginagamit ka lang ni Black, tell me nandito ba siya? O isa ka kina Hayna na hindi pa rin nakikita ang mukha ni Black?" magkasunod na tanong Nielma.
Mariing napalunok naman si Gellie. "Sabihin mo na ang nalalaman mo," ani pa ni Kisha.
"Teka lang naman, yung kaibigan ko," umiiyak na wika ni Celine habang hawak ang duguang kaibigan.
Malakas na ngumisi si Jen sa mga ito na ikinatingin sakanya ni Celine at dahan-dahang binitawan ang kaibigan bago nilapitan si Jen at marahas itong tinulak.
"Ganyan ba kalaki ang kasalanan namin sayo ha, para patayin mo kami? May sakit ka na sa utak!" sigaw nito.
Agad namang nakabawi si Jen at ito naman ang itinulak na agad namang nasalo nina Reynalyn.
"Oo, alam mo ba ang nangyari samin ha. Oo nakulong ang tatay ko, at alam mo bang muntik ng mabaliw ang nanay ko dahil do'n pero naayos na namin yon at sinabi ko sakanyang magtatapos ako ng pagaaral para mailabas ko ang tatay ko, pero dahil sa ginawa niyo! Sinariwa niyo ang lahat and worse pinahiya niyo pa, really posting that on social media would make you famous? Hindi kriminal ang tatay ko dahil naframe-up lang siya, at dahil sa ginawa mong kahihiyan sa pamilya ko, nadepress na ng tuluyan si mama at nagpakamatay," umiiyak na kwento niya.
Natigilan naman ang lahat sa kwentong iyon ni Jen, at ang unang nakabawi sakanila ay si Trisha na magkakrus na ang mga braso sakanyang dibdib habang nilalapitan si Celine.
"Ikaw naman pala ang may kasalanan, so deserve niyo." Nakataas pa ang isang kilay na sabi nito mismo kay Celine.
Binalingan naman siya ng tingin ng dalaga at marahas na binawi ang mga brasong hawak nina Reynalyn.
"Huwag kang magmalinis," matalim ang tinging sagot naman nito at muling binalikan ang kaibigan.
Nagkanya-kanya naman ang lahat. Sina Jen at Hayna ay tahimik na naupo sa isang tabi. Sina Trisha, Honey at Cindy naman malapit sa mga computer at sina Reynalyn, Kisha at Nielma sa isang tabi at seryosong naguusap-usap habang humilaway naman sakanila si Rose na pumunta sa isang computer at isinak-sak ang flash drive na hawak.
BINABASA MO ANG
The Royal Academy
Mystery / ThrillerTO BE PUBLISH UNDER TDP The Academy where in order for you to survive is to be strong and smart. A battle between students, who will be the last man standing? who will be on top? and who will survive in the battle of the fittest? This is, The Royal...