CHAPTER FIFTEEN:
“Late na ah! Bakit ngayon ka lang?” bungad niya sa akin na tumayo pa mula sa panunood ng basketball at humalukipkip sa harapan ko. tinignan niya ako na parang may chine-check sa akin kaya naman napa-irap ako. Hindi siya nag-dududa sa akin, kaya niya ginagawa iyan dahil naninigurado lang daw siya na walang masamang nangyari sa akin. “Nagugutom na ko, kanina pa ako dito sa bahay.”
“Nag-text naman ako sa iyon na gagabihin akong umuwi dahil may dadating stocks sa shop at ang sabi ko pa sa iyo mauna ka ng kumain.” Sagot ko sa kanya at inilapag ang bag ko sa sofa. Tinuon ko naman ang atensyon ko sa pinapanood nitong baskerball. Nakakapagod ang araw na ito. “Sino ng lamang?”
“Lamang ang alak sa gatas.” Simple niyang sagot at tumabi na sa akin sa sofa.
“Anong gusto mong kainin?” tanong ko at tumayo na para tumungo ng kusina at sumunod naman siya.
“Oh!God!” napasigaw ako sa bigla ng bumungad sa akin sa dinning. Sa dinning table may candle lit, may mga nakahain na food, may mga flowers din na naka-arranged sa ibabaw at may roon ding bucket na kinalalagyan ng wine. Napayuko ako at nakita ko ang ilang mga petals ng red roses sa lapag. Naramdaman ko naman ang presensya niya sa tabi ko at inakbayan ako nito na ginantihan ko naman ng isang yakap. tinignan ko siya na sinalubong naman ng ngiti nito at ngumuso sa kisame kaya naman tiningala ko ang kisame at nakita ko roon ang mga bilog na pulang lobo na naka-porma ng pa-puso. Napa-tampal ko ang dibdib nito sa hindi ko mapigilang saya.
“I.” turo niya sa sarili niya. “Heart.” Turo naman niya sa puso. “You.” At turo niya sa akin kasunod ng isang mabilis na halik.
“Ikaw ha, may mga ganitong pakulo ka pa!” niyakap ko siya at ganun din ang ginawa niya sa akin. Napa-iyak na ako sa saya ko kasi naman hindi ko inaasahan ito at lahat ng pagod ko kanina nawala na dahil dito. Ang sweet naman niya para mag-paganito pa. ramdam na ramdam ko tuloy ang pag-mamahal niya sa akin.
“Naman! Iyan na yung candle lit dinner natin.” Inakay niya ako pa-upo sa dinning chair na hinila pa niya para sa akin. “Wait lang, there’s more.” Ika niya ay nilisan ang dinning area.
Tinignan ko ang mga nakahain sa table at I’m impressed sa mga nakahain. Ribs steak, spicy crispy chicken, mushroom soup and sa tingin ko ay squid ink pasta ang isang iyon namaitim na pasta at kung sakali ay ito ang unang beses ko iyon matitikman. Napangiti ako ng makita itong ginawa niyang effort. Anong oras kaya siya umuwi para dito?
“Surprise!” sigaw niya at may bumungad namalaking dog stuff toy at bulaklak na halos pula at puting rosas ang nanduruon. Lumapit ito sa akin at iniabot sa akin ang mga iyon at napangsin kong may nakakabit na box ng chocolate sa likod ng stuff toy. “Iyan para may kasama na kayo ni tummy dito sa bahay. Bigyan mo ako ng chocolates ng hindi sumakit iyang mga ngipin mo.”
Pumwesto siya katapat ko. Napatitig ako sa kanya at luluha-luhang napa-ngiti. Itong lalaking ito, sobra niyang binibigyan ng importansya ang isang tulad ko at nagpapasalamat ako na mahal ako ng lalaking ito na nakikita ko na sinisikap niyang bawiin ang mga panahong nasayang naming dalawa. Natutuwa akong isipin na talagang totoo ang mga nangyayari na ito, na ito kami at parehong nakangiti sa isa’t isa at iisa rin ang nararamdaman para sa isa’t isa. Lumawak lalo ang ngiti ko ng bigkasin na naman niya ang mga salitang iyon. “Wifey, I love you!”
Hinawakan ko naman ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng lamesa gamit ang dalawa kong kamay. Hinagod pa ng hinlalaki ko ang singsing na suot-suot niya, iyong singsing na nag-mamark na may nag-mamay-ari na sa kanya at ako iyon na nagmamay-ari sa kanya at wala ng iba. “I love you din Hubby!”
BINABASA MO ANG
Utang na Loob
Humortotoo ba ang love at first sight? eh ang true love? eh anu naman sa first love? ano ang mas matimbang ang true love or ang first love mo? basta akong author naniniwala sa "TRUE LOVE WAITS"