chapter 12 (part 2...)

525 12 3
                                    

“Tsk! Kailangan masundan yun para masanay ka at may hehe... baby na tayo. Tara na!!!” sagot niya at yumakap pa sa akin mula sa gilid ko at hinalikan ang sintido ko.

Pakiramdam ko na istatwa ako sa sumunod niyang ginawa. Himasin ba naman yung thighs ko. Kakakilobot.

Nasiko ko tuloy siya. Epal! Hindi makapaghintay na lumubog muna yung araw.

“Aray ha! Tara na ika ko para manuod.” Sabi niya at hinakot na yung mga pagkain namin sa sala. Ako naman dala yung mga inumin.

Minsan hindi ko talaga gusto takbo ng utak ng isang ito. Manyak. Sobrang manyak. Perv...

Pagdating namin sa sala, inilapag ko yung dala-dala ko at ganun din siya. Tinignan ko naman yung mga nakalatag na DVD at sa tingin ko maganda naman itong mga papanuorin namin.

Romance, comedy-romance, horror, action-comedy at iba pa.

Pansin ko mahilig sa comedy itong si Levy. Halos puro comedy itong pinapanuod namin at halos maubusan na siya ng hininga kakatawa.

Ako rin nakitawa kasi super duper naman talagang nakakatawa.

Alam niyo ba nung romance na yung pipanuod namin, kilig na kilig ako kasi naman buong oras nuong nanunuod kami ng romance nakayakap lang siya sa akin then parang seryosong-seryoso siya sa pinapanuod namin at paminsan-minsan kini-kiss niya ako sa noo, sa ibabaw ng ulo ko, sa pisngi, sa ilong, at syempre sa labi ko.

Alam mo yun na those moments parang nanduon yung love, passion at desire namin para sa isa’t isa na parang everything we have now is what we wanted.

Ang nararamdaman ko lang sa bawat sandali na ito ay saya at pagmamahal para sa kanya. Ang tagal kong hinintay itong sandaling ito na makasama siya, na mag-spend ng quality time with him, hindi iyong iyakan na lang ng iyakan ang alam namin kapag magkikita o magkakasama kami.

Sa haba at dami ng mga pinanuod namin hindi na kami nakapagtanghalian. Hapon na ng tumigil kami at pareho kaming tila in-love na in-love. Masaya kami at parang tunay na nag-mamahalan sa mga kilos namin. Pati nga ata si tummy na in-love kasi kanina pa naka-tingin sa glass door namin papuntang garden. Nakatitig kasi siya sa reflection niya.

Kung alam niya lang na siya yun. Hahah!

“Oi, wifey, tinatawa-tawa mo dyan.” Napalingon naman ako kay Levy na naghahalo ng mga ingredients para sa cake na ibe-bake namin. Actually nakiki-kami lang ako kasi siya lang talaga ang gumagawa at ako naman si taga-titig sa kanya. Haiii! Ang gwapo lang ng nilalang na ito.

“Ala, si tummy kasi tignan mo.” Tinuro ko si tummy na tanaw naman niya kung lilipat siya sa pwesto ko. Ayun lumipat nga siya sa pwesto ko at instant yakap ang binigay niya sa akin at kiniss ako sa cheek ko.

Lagi nga kaming manuod ng movies ng ganito palagi si Levy.

“Dapat kasi may kasama na rin si tummy.” Sabi niya habang sinu-sway ako habang nakayakap siya sa akin.

“Tapos tayo rin gagawa ng makakasama mo kapag wala ako. Hahahha!!!” sabi niya at ang loko pinahiran ba naman ako nung mixture ng cake na ginagawa niya.

“Ehhh!” reklamo ko at pinunasan yung pisngi ko na pinahiran niya at ipinahid ko naman sa kanya. Lagkit kaya.

“Okay! Hindi na ako gaganti. Baka wala pa tayong maihanda.” Buti naman kasi for sure talo ako sa kanya.

Isinalang na niya yung cake at sabi niya sabay na raw kaming maligo habang inaantay ma-bake yung cake kasi raw may crisis daw sa tubig ang bansa ngayon. Makadahilan, wagas!

Tumakbo na lang ako paakyat sa kwarto ko kasi hindi titigil yan sa kakukulit. Jusko, anung klaseng asawa po ba ang meroon ako. Perv. Manyak.

Natapos na akong maligo at kasalukuyang nag-aayos. Ewan ko ba, feel kong magpaganda. Ayan, konting lipstick at at pulbos. Ayos na ako. Nakalugay lang ako pero may headband naman.

Bakit ang ganda ko. Oh! Walang kokontra.

Bina-brush ko na lang ng konti yung buhok ko ng may marinig akong nag-doorbel at marinig ko naman si Levy na nagmamadali.

Hala!!! Saan punta nun?

“Ako na magbubukas.” Sigaw niya. Akala ko aalis siya.

Ewan ko ba sa takbo ng utak ko. Parang ewan lang. Pero sa totoo lang sobrang saya ko kasi ang ganda ng mga nangyari ngayon mga nakakaraang araw. Hindi ko mapigilan talaga yung mga labi ko na ngumit kasi naman parang joke lang ito. Parang hindi naman kasi mangyayari ito dahil nga diba ang gulo ng pag-sasama namin tapos ngayon sweet-sweetan si Levy.

Habang bumababa ako ng hagdan tinanong ko si Levy. “Sino yun?”

Nakit ako naman si Levy na parang na-istatwa ng makita ako habang nasa likuran niya yung dalawa niyang kamay. Anu naman kayang problema ng isang ito?

May sasabihin ako sa inyo... tara lapit kayo... bili...

Ang... ang gwapo ng asawa ko. Nyahahahh!!!!

Muli akong napabalik sa kwarto ko bukod sa paghanga ay parang may nakalimutan ako. Nang makapasok ako sa kwarto ko inilibot ko yung paningin ko sa buong kwarto ko para maalala yung nakalimutan ko kaso wala akong maalala. Lumapit ako sa drawer ko baka kasi nanduon yung bagay na maaaring magpaalala sa akin kaso wala rin kaya bumaba na lang ulit ako at nag-diretso sa kusina. At angulat ako kasi ang daming pagkain. Kanina naman wala ang mga ito. Hindi naman ako nag-luto at ganun din si Levy, cake nga lang ang ginawa niya.

“Anung meron?” tanong ko sa kanya. Pinag-usod niya ako ng upuan tapos umupo na rin siya sa katapat kong silya.

“Ah!!! Wala lang.” Sagot niua na parang wala sa mood. Habang kumakain kami parang ang awkward na naman. Ano kayang nangyari dito.

Ayoko namang maunang mag-salita baka kasi mainis yan pero ayaw naman niya kumibo. Eh! nakakainis naman. Kanina lang okay tapos ganito na naman kami. Back to zero na naman ba ako.

Titingin siya sa akin tapos bigla siyang mag-iiwas ng tingi o kaya yuyuko siya. Napabuntong hininga na lang ako. Kung ikaw ay magkakaroon ng ganitong kalsen asawa paniguradong mababaliw ka. Ang hirap intindihin pero masarap mahalin.

“Needy.” Tawag niya sa akin sa isang malambing na boses. Nilingon ko siya at tinig na naparang ano-yun-look Anu na naman ang nangyari sa isang ito. Naengkanto ba ‘to?

“Wala ka bang naaalala ngayon?” tanong niya at tumingin siya sa akin na parang may pilit na ipinapaalala. Umiling lang ako kasi wala naman akong matandaan ngayon.

Pero wala talaga akong matandaan. “Kahit ano?” taong niya ulit na parang may gustong ipa-alala sa akin. Anu naman ba ‘yon?

“Bakit may nagawa ba akong mali?” tanong ko sa kanya kasi nalungkot ang mukha niya at tsaka wala naman akong nagawang masama ngayung araw na dapat niyang ikasama ng loob.

“Anything to be celebrated?” tanong pa niya.

Ano nga ba?

“Birthday mo? Happy birthday. Sorry Levy wala man lang akong gift sayo.” Nako naman birthday pala niya. Nakakaasar naman. Kasi naman hindi ko alam. Epal naman kasi asawa ako tapos birthday lang niya hindi ko pa alam.

Iyong kaninang malungkot niya mukha, lalo pang nalungkot. Hala ka! Lagot! Eh. hindi ko naman kasi alam na birthday niya. Kung alam ko yung for sure may gift ako para sa kanya kaso nga hindi ko naman alam.

“Hindi naman kasi yun yon eh!” wlang gana niyang sabi at tumayo na sa kina-uupuan niya. Hala ka! Ano ba kasi yung sine-celebrate dapat namin ngayon...

Itutuloy.........

*******************************************************************************

Thanks sa nag-ingay sa nakaraang UD... at sa mga nag-vote.. salamat....

Bali mahaba itong chapter 12 kaya by part yung gagawin ko... hindi ko pa kasi nata-type yung buong chapter 12 kaya iyan lang..heheh peacemen!!!

Okay vote and comment kayo!!! Please... mag-vote and comment kayo... Please... *puppy eyes*

Utang na LoobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon