Utang na Loob

1.4K 16 2
                                    

CHAPTER ONE

                Tambak na naman ako ng mga gawain. OT na naman. Hay, pagod na ko 3 araw na kong OT, buti na lang talaga at mataas ang sweldo ko, kundi magreresign na ako dito.

                ‘Needy, haggardness na naman ang beauty natin.” Sabi ni Annieca habang naka pangalumbaba, co-worker ko/ bestfriend ko.

                “Hay, anu magagawa natin, eh gusto nating kumita eh. Kaya simulan na natin ‘to para kahit papaano maaga tayong maka-uwi.’

                “Oo na, eto na bakit ba kasi hindi na naubusan ng gagawin dito sa kompanyang ito.” Reklamo niya.

                “Edi kung wala na tayong gagawin dito, edi wala na tayong trabaho, gusto mo ba yon? Wala ka ng pangsustento sa luho mo, hahah.” Hindi naman totally mahirap kami nasa middle-class lang ba. Yung father ko sa Cruz Building Company nagtatrabaho. Sa dalawang dekadang pagtatrabaho ni papa duon sa kompanyang iyon kahit papaano gumanda ang buhay namen. Binigyan nila kami ng puhunan kaya nakapagpundar kami ng isang grocery store at sila rina ng nag-paaral sa akin kaya nga ang laki ng utang na loob ko sa kanila. Pero sa ingin ko deserving naman kami dun eh, kasi sipapa ang nag-aasikaso ng mga papeles ng kompanya nila, si papa rin ang naghahanap ng mga client at si papa rin palagi ang nagsu-supervice sa mga project nila kaya bale ang ginagawa lang ni Mr. Cruz ay pumirma at paminsan-minsan kapag nagdedemand ang client siya ang kumakausap.

                Ang totoo niyan ako na dapat yung magpapatakbo sa grocery namen pero ang sabi ko kela papa gusto ko munang ma-experience ang magtrabaho sa iba bago hawakan ang lumalagong grocery namen.

                Ang sabi ko kay papa magresign na siya dahil matanda na siya 53 na si papa pero nagtatrabaho parin siya sa mga Cruz, ewan ko ba pero sabi ni papa bago daw matapos ang taon na ‘to magreresign na rin daw siya.

                Eto namang si Nica (Annieca ) anak mayaman pero gusting turuan ng mga magulang niyang kumita at mabuhay sa sariling paghihirap.

                Hay ang dami ko nang nasabi pero di pa ako nagpapakilala. Ako si Needy Reyes, 23 at NBSB, ewan ko ba kasi sa magaling kong ama ayaw akong paligawan. Pasalamat sila at mahal ko sila kesa sa mga lalaking ‘yon.

                Pero ang laki ng pasasalamat ko kay papa dahil back then there was a guy I liked, he court me, dapat sasagutin ko siyabnung Valentines kaso nga lang nahuli ko siyang may kahalikang iba, pero hindi ko naman dinamdam yun masyado kasi si papa todo pintas dun sa lalaki kaya nag-isip-isip muna ako at talagang thankful ako dahil kung hindi mapapasama lang pala ako sa dinamiraming babaeng naloko nya.

                “Oy, Needy gusto mo ng kape? Kukuha na rin kita.” Tanong ni Nica at nag-nod na lang ako. Tinuloy ko na ulit yung ginagawa ko .

                Gusto ko ng umuwi. Jusko 3 araw na akong O.T. mukha na akong zombie.

                Ilang oras na rin ang lumipas at natapos na namen yung isang katerbang gawain dito sa opisina. Uwian na sa wakas.

                Nag-hiwalay na kaming dalawa kasi mag-kaiba ang daan namen.

                Pag-dating ko sa bahay tulog na sila kaya naman natulog na rin ako. Isa lang ang hinihiling ko ngayon, ang maagang maka-uwi bukas para makabawi ng tulog.

                The next morning...

                Same routine pero ngayon on time kamng nag-out sa opisina. Salamat talaga pero bago kami tuluyang umuwi ni Nica nagpunta muna kami sa mall, tingin-tingin, pasok dito, labas duon. Habang naglilibot kami bigla namang nag-vibrate ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang nag-text, sila papa, pinapauwi na ko. Bakit kaya pero ang galing naman hindi ako O.T. ngayon.

Utang na LoobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon