namiss ko kayo.....click external link....
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko para pigilan siya. “Levy, sorry na oh. Ano ba kasi ‘yon?” tanong ko at may nahagip ang mga mata ko. “Para kanino yung mga bulaklak? Pahabol kong tanong.
Napansin ko kasi nakapatong yung bulaklak sa upuan na hindi naman namin ginagamit dito sa lamesa.
Hindi niya ako sinagot. Tumayo lang siya at naglakad patungong ref at bumalik sa kinatatayuan ko with cake. Ito yung ginawa niya kanina.
“Para saan?” tanong ko sa kanya. Pero hindi pa rin siya sumasagot.
Niligpit muna niya iyong pinagkainan namin at nag-labas ng isang platito at dalawang tinidor. Tahimik lang akong nagmamasid sa bawat kilos niya.
Kuniha niya yung mga flowers at ibinigay sa akin. Hindi ko naman birthday ah kaya tinanong ko siya. “Para saan?”
“Happy 9th monthsary.” Sabi niya na parang nahihiya pa at agad namang natingkal sa isapan kob kung ano iyong sinasabi ni Levy at itong mga ginagawa niya. Ang sweet naman ng asawa ko.
Nine months na kaming kasal at 9 months na rin tila ako nakasakay sa rooler coaster, pero ito ang pinaka masaya kong sakay dahil nasa tabi ko ang taong mahal ko.
Napangiti ako at agad na napayakap sa kanya. Halatang nagulat pa siya sa ginawa kong pagyakap pero kinalaunan ay yumakap na rin siya at hinaplos-haplos pa ang likod ng ulo ko.
“Anu ba yan, wala akong regalo o kahit anong maibibigay sayo, sorry.” Paumahin ko sa kanya. Nakakahiya kasi siya nag-effort tapios akong babae wala at ako pa itong naka-limot. Lakas naman ng loob ko, kasi naman simula nuong 1st monthsary namin as husband ang wife lang ang na celebrate namin then the rest marami ng nangyari. Maraming nangyari na dapat sana yung mga panahon na iyon ay masaya sana kaming magkasama.
Sa pagkakayakap ko sa kanya hindi ko napigilang maluha dahil pakiramdam ko ligtas ako,na parang walang sino man ang makakapanakit sa akin.
“Pwede batiin mo muna ako.” Ika niya at itinuon niya ang mukha ko pataas upang mag-tagpo ang mga paningin namin.
Napatawa naman ako. Hindi ko pa pala siya nababati. Wala na nga akong maibibigay, wala pang pagbating magmumula sa akin. “Happy 9th monthsary.” Tapos bumuhos na naman ang mga luha ko.
Hindi ko akalain na tatagal kami ng ganito at sabihin pa nating sa isang magulo at komplikadong sitwasyong kinalalagyan namin. Talagang hindi ko akalain na sa tinagal-tagal namin bilang mag-asawa ay aabot kami sa ganitong estado ng buhay. At ang tanga-tanga ko dahil kung sino pa akong babae ako ka ang siyang nakalimot sa isang napaka importanteng okasyon ng buhay namin. Nakakahiya naman kay Levy.
“Huwag ka ngang umiyak.” Suway sa akin ni Levy pero hindi ko talaga mapigilan yung mga luha ko dahil sa sobrang saya ko. Akalain mo iyon, si Levy pa yung unang makapaghahanda para sa monthsary namin at nakakatuwa dahil siya pa itong lalaki. Alanganin man itong ipinag-didiwang namin aya ayos lang dahil ni minsan hindi ko inaasahan ito mula sa kanya.
Nakakataba lang ng puso.
“Sorry talaga, wala man lang akong maibibigay sa’yo.” Hingi ko ulit ng pasensya. Umilingpiling siya. Nakokonsensya talaga ako.
“Yung gift mo nga sa akin naibigay mo na in-advance, kagabi.” Ika niya na may nakakalokong ngiti na nagbigay sa akin ng ideya kung ano ang itinutumbok ng sinabi niyang iyon at dahil duon hindi ko mapigilan ang pamumula.
Napa-yuko na lang ako sa hiya. Ayoko talagang binubuksan ang topic na iyon.
“Tsss. Hiya pa.” At narinig ko na lang siyang tumawa. Napamaang naman ako sa kanya. “Iyan kita ko na yung pagba-blush ng asawa ko.”
BINABASA MO ANG
Utang na Loob
Humortotoo ba ang love at first sight? eh ang true love? eh anu naman sa first love? ano ang mas matimbang ang true love or ang first love mo? basta akong author naniniwala sa "TRUE LOVE WAITS"