Chapter Eighteen:
“Needy. I’m sorry!” sinubukan niyang lumapit pero lumayo lang ako sa kanya. “Hi-hindi ko alam kung anong dapat kong gawin o sabihin para mawala ang sakit na nararamdaman mo pero please naman Needy. Bawat bagay na ginagawa ko ay para sa iyo. Maniwala ka na bawat salitang sinabi ko sayo ay totoo ‘yun. Na kaya ko sinasabi sayo na mahal kita dahil mahal kita.”
“Needy, sincere ako tuwing sinasabi ko na mahal kita. Sincere ako sa pag-paparamdam na mahal kita and I am more than sincere ng sabihin ko sa iyo na i-work natin ang relasyon natin at ang mag-karoon ng anak, ang bumuo ng sarili nating pamilya.” Maluha-luha niyang sabi habang ako hindi alam kung ano ba ang dapat paniwalaan.
“Pero nakaya mo akong pagmukhaing tanga na ako lang ang mahal mo, na ako na ang mahal mo. Levy gusto ko namang maniwala eh pero natatakot ako. Naduduwag ako na baka hindi totoo yung mga sinasabi mo. At kahit gusto kong maniwala natatakot ako dahil alam kong mas matimbang si Hollie sa akin dahil hindi siya ang uunahin mo kung ako ang mas nakahihigit sa kanya.” Napa-upo na ako sa upuan dito pa rin sa dinning area. Kinakalma ko na ang sarili ko dahil wala na akong alam na dapat pang gawin kundi ang mapag-isa at iiyak ang sakit ng puso ko.
Nag-squat siya sa harapan ko at hinayaan ko naman siyang hawakan ang mga kamay kong nababasa na niya ng luha. “Oo mahal ko si Hollie dahil ina sya ng anak ko pero Needy hindi na hihigip pa sa kaibigan ang maibibigay ko sa kanya.”
Hinalikan niya ang mga kamay ko at sinalubong ako ng mga mata niyang malalim ang pag-kakatitig sa akin dahilan para sandaling huminto ako sa pag-hinga. “Needy, ikaw yung babae sa panaginip ko na siyang kasama kong humarap sa altar. Ikaw yung babaeng kasama kong bumubuo ng isang pamilyang puno ng pag-mamahal. Ikaw yung nakikita kong kasama kong babae hanggang sa pag-tanda. Kung nasaktan man kita ngayon hayaan mo akong bumawi huwag mo lang akong iwan.”
“I’m sorry Wifey, patawarin mo ako sa naging kasalanan ko. Hindi ko talaga gustong itago sa iyo ito. Forgive me Needy, please forgive me. Hindi ko kakayaning matulog ng ganito tayo. Ayokong matulog ng hindi tayo nag-kakaayos.” Naka-luhod na ang isa niyang tuhod pero hawak pa rin niya ng mahigpit ang mga kamay ko. Tila takot na takot siyang pakawalan iyon.
Kung mahal nga niya ako dapat sigurong sumugal ako. Dapat siguro itake ko itong oportunidad na ito na sumugal dahil hindi ko malalaman ang talagang mangayari kung hindi ako susugal. Ayoko naman ding lumipas ang gabing ito na haharapin namin ang susunod na araw na may mabibigat na pakiramdam sa isa’t isa. Naisip ko habang titig na titig ako kay Levy na mahal ko pa rin siya. Na kahit na nagawa niyang itago sa akin ito ay mahal ko pa rin siya at hindi ko siya kayang tiisin. Mahal ko siya eh kaya I’ll cross the brigde again kahit alam kong walang sasalo sa akin.
“Yung bata? Talaga bang anak mo yung bata?” tanong ko na umaasang hindi niya anak ang bata. Sana hindi niya talaga anak yung batang iyon.
“Si Jacob. Anak ko talaga siya, nag-conducted na ng DNA Exam and it’s positive na anak ko nga si Jacob.” Kita ko sa mga mata niya na he felt sorry for that at sa tingin ko dapat ko siyang intindihin. “Hindi ko alam na buntis siya noong ikasal tayo not until noong hiniram niya ako sa iyo at sinabi niya sa akin na buntis siya. That moment pursigido ako na tapusin na ang kasal natin katulad ng napag-usapan pero yung katotohanan na ikaw ang sinasabi ni mommy na mapapangasawa ko ay na-stocked na iyon sa isip ko pero hindi ko inaasahan na mahuhulog din pala ang loob ko sayo.”
Hinalikan niya ang mga kamay ko at tinitigan akong mabuti. “Yes, i did fall for Hollie but the feeling being with you is more than overwhelming than the thought of having her and my son. I do care for Jacob Needy, nanggaling pa rin siya sa akin pero kaya ko namang maging ama sa kanya habang asawa sa iyo diba.”
BINABASA MO ANG
Utang na Loob
Humortotoo ba ang love at first sight? eh ang true love? eh anu naman sa first love? ano ang mas matimbang ang true love or ang first love mo? basta akong author naniniwala sa "TRUE LOVE WAITS"