nasa mood ako ngayon kaya ako ay nag-UD.hahah masaya ako kahit di ko napa-run yung project....walang kokontra...
********************
Naghanap na akong muli.
Lakad dito. Takbo ruon, tanong dito. Mostra ruon pero wala pa ring tummy.
Tummy please, mag-pakita ka na.
“Aaaahh!” napasigaw ako sa biglaang pag-kidlat. At sunod-sunod na pag-kulog. Naku naman, wag naman sanang umulan. Pero hindi ako uuwi kahit anong mangyari hanggat hindi ko nakikita si tummy.
Ang pag-patak ng luha ko ay siya ring pag-patak ng ulan. Nananadya ka ba?
Sumabay ka pang ulan ka eh!
Basang-basa na ako ng ulan pero hindi ako tumigil sa paghahanap. Umiihip na rin ang hangin na nagpapanginig ng buo kong katawan.
Pupunta muna ako, sa guardhouse ng subdivision, makikiinom muna ako ng kape kay kuya Jimmy, baka manigas na ako sa lamig.
“Kuya Jimmy.” Wika ko ng may panginginig ng makarating ako sa kanya.
“Needy!” gulat na sabi ni Kuya Jimmy pero agad naman siyang nakabawi. “Jusko kang bata ka. Bakit sumugod ka sa ulan?” inabutan ako ni kuya ng tuwalya at humingi na rin ako ng kape.
Nakarinig ako ng pag-tahol ng aso. anubayan ang lakas naman ng imagination ko. Tummy kasi...
“Kuya nakita nyo ba si---“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siyang muli.
“Oo nga pala.” Pumasok siya sa loob at pagbalik niya ay laking tuwa ko sa nakita ko, si Tummy. “May nagdala rito, buti raw at may name plate si tummy at kasama ang address kaya iyan naisauli raw niya. Buti kamo hindi ibang tao ang nakakuha kundi---.”
Ako naman ang hindi nagpatapos sa kanya. Alam ko.. “Opo, tama na po.” Tapos lumapit ako kay tummy at yinakap siya. “Salamat po.” Hindi ko alam kung para kanino ang pasasalamat kong iyon.
Makakauwi na rin kami. Makakasama ko pa si Levy ng matagal. “Kuya paheram na lang po ng payong.” Sabi ko na hindi pa rin humihiwalay kay tummy na mukhang natakot din sa nangyari.
“Bakit hindi na lang kayo magpatila ng ulan?” pero gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng makita at makasama si Levy. Dapat malaman niya na safe si Tummy.
“Hindi na po. Uwi na po kami. Panigaradong nag-aalala na si Boss.” Syempre di rin nila alam. Yaya din ang so called nila sa akin. Ako lang naman ang nag-sasabing yaya ako ni Levy, actually hindi yon alam ni Levy.
“Sige na. Oh! Ito.” Sabay abot ng payong. “Ibalik mo yan ha.” Hamog na lang naman eh. Pero baka kasi si tummy.
“Opo!” sagot ko. “Tara na tummy.”
“Ingat kayo.” Pahabol pa ni kuya Jimmy.
Habang naglalakad kami ni tummy kinakausap ko siya para hindi ko maisip yung kulog at kidlat. At isa pa ay para di ko rin maalala yung mga nasabi ni Levy. Hindi naman talaga gustong sabihin yun ni Levy. For sure nabigla lang siya. “Tummy, buti mabait yung nakapulot sayo at binalik ka kung hindi pareho na siguro tayong nagha-hi kay San Pedro ngayon.”
BINABASA MO ANG
Utang na Loob
Humortotoo ba ang love at first sight? eh ang true love? eh anu naman sa first love? ano ang mas matimbang ang true love or ang first love mo? basta akong author naniniwala sa "TRUE LOVE WAITS"