ANNOUNCEMENT

28 0 3
                                    

Hola. Alam ko pong matagal na ng huli po akong nag-update kaya po nag-aalangan ako kung itutuloy ko pa po itong story na ito. Actually gusto ko syang tapusin pero hindi ko po alam kung dapat ko pa ba siyang ipost dito kasi baka wala naman ng mag-basa pero if ever man pong maligaw ulit kayo sa story kong ito ay labis po akong matutuwa. Hindi man po madalas ay sisikapin ko pong mag-update at sana muli ninyo kaming samahan nila Needy at Levy sa pagbabahagi ng kanilang kwento.

Sa mga nagtatanong kung bakit ako huminto sa pag-susulat. Dumating po ako sa point na walang lumalabas na kahit ano sa isip ko marahil dahil sa stress or dahil sa trabaho. O ayon sa pinsan ko ay "quarterlife crisis". Pero ang mahalaga po ay ang aming muling pababahagi ng kanilang kwento. Hindi lang po sa story na ito ako mag-aupdate, pati na rin po sa iba pa kaya sana muli nyo kaming suportahan.

Maraming Salamat. Masaya akong makabalik at bilang pasilip sa Chapter 19:

Needy P.O.V.

"May mga laban na masasabi mong, an unwinning battle. Na kahit anong gawin mo ay sa huli ikaw pa rin ang talo." Ako at nilingon pa siya.

"Ibig bang sabihin non ay madaling sumuko si Mrs. Cruz?" ika niya na agad na nag-palingon sa akin sa kanya at nakita ko ang isang makahulugan ngiti sa kanyang mukha. Nag-iwas ako at nilaro ang mga daliri ko.

"Hindi kasi kung madali akong sumuko hindi mo na sana ako kasama ngayon." Sagot ko at tumingin sa labas. Ngunit lumipas lang ang ilang segundo ng maramdaman ko ang pag-sakop ng kamay niya sa isa kong kamay. Ang init ng palad niya sapat para bigyan ng init ang nilalamig kong katawan dahil sa lamig ng sasakyan niya. Inilapit niya ito sa kanyang bibig at ginawaran ng isang marahang halik. Sa ginawa niyang iyon ay naantig na naman ang puso ko.

"Alamko at nag-papasalamat ako na nandito ka sa tabi ko kahit na sobra ko kungtopakin." Ika niya at makailang beses pang hinalikan ang kamay ko. 

thank you and lovelots

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Utang na LoobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon