Ano pa ng abang magagawa ko. Umupo na ako sa safo. Sa kabilang syempre. Nakatalikod ako sa hagdanan. Hindi ako tumabi sa kanya. Hawak ko lang yung tasa ng mahigpit.
Oh! Bakit hindi siua mag-salita.
Tahimik lang akong humihigop ng kape ko.
Muli na sana akong hihigop ng biglang agawin ni Levy yung tasa ko. “Nakaka-pika ka na.” sigaw niya sa akin.
Tahimik lang ako ng naka-upo at nakayuko habang siya nakatayo sa harap ko.
Ako nakaka-pika? Lahat na nga ng pag-iwas at di pag-pansin sa kanya ginawa ko na tapos ako itong nakakapika.
“Umiyak ka ba kagabi?” tanong niya. Ano namang pake niya kung umiyak ako. Umiling lang ako
“Mag-bihis ka.” Utos niya. Umiling ulit ako. Hindi naman kasi ako nakahubad.
“Tumayo ka.” Tapos hinablot niya ako patayo sa couch at pinag-tulakan ako paakyat ng hagdan, hanggang makarating kami sa kwarto ko. “Magbihis ka. BIlisan mo.” Sabi na naman niya at umupo sa kama ko.
“Ano? Magbihis ka na.” Sigaw niya na naman sa aki. Paano alp magbibihis gayong nandyan siya. Huwag niyang sabihing papanuorin niya akong magbihis. Manyak.
Luminga-linga akoat nahagip ng mata ko ang banyo.
Pasaway siya. Kumuha ako ng damit sa aparador, kumuha ng damit at nag-tungo ako ng banyo. Saan kaya kami pupunta?
Isasauli na kaya niya ako sa mga magulang ko? Mag-sisign na ba kami ng divorce paper? Ready na ba ako?
Hindi ko alam. Humahapdi na namana ng mga mata ko at ang dibdib ko naninikip na naman,
Paglabas ko halos mahilo na ako sa pag-sunod ng tingin kay Levy. Pabalik-balik.
“Ehem.” Nakaw ko ng pansin niya at napatingin naman siya sa akin.
Hala! Anong nangyari dito?
“Excuse me.” Ika ko habang kinakalas ang pagkakayakap niya sa akin.
Pagkakalas ko nun ay lumabas na ako ng kwarto ko. Ano na namang arte ‘yon. Ano sweet na naman siya tapos magsusungit at hindi mamamansin. Ako nagugulo sa gulo ng utak niya.
Pinakain ko muna si Tummy baka kasi matagala kami sa pagcl-clear ng divorce paper namin... Yup, divorce paper talaga ang nasa isipan ko.
Pagkalabas ko mula sa kusina nanduroon na sa sala si Levy naka-upo at ng maramdaman niya siguro ang presensya ko ay tumayo na siya at hinila ako palabas ng bahay papuntang garahe.
“Sakay” sabi niya pagbukas ng pintuan ng front seat ng sasakyan niya. Sinunod ko naman.
Hmmm. Namiss ko itong sasakyan ni Levy. Ang tagal ko ng hindi nakakasakay dito. Natuon ang pansin ko sa isang bagay na iyon ngunit agad naman akong nakabalik sa pag-iisip dahil sa pagpasok ni Levy.
Habang nasa biyahe, tinahimik ko lang ang bibig ko at siya ganuon din. Walang kibuan. Wala naman kasing pag-uusapan. At mas okay ‘to, yung walang emosyong Levy ang kasama ko. Hindi siya galit na lagi kong kinakatakot at hindi rin siya masaya na malaking sampal sa akin, kahit saang angulo mo tignan kasi hindi naman ako yung dahilan o ‘di kaya ay pilit lang marahil.
Hindi ko alam kung nasaan na kami ngayon, well nasa parking lot kami ng anung lugar?
Bumaba na ako at hindi hinayaang pag-buksan pa niya ng pinto.
Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na kaming mag-lakad.
“Akala ko ba naman mag-didivorce na tayo.” Iyan na lang ang naibulong ko sa sarili ko ng malaman kong nasa mall pala kami.
BINABASA MO ANG
Utang na Loob
Hài hướctotoo ba ang love at first sight? eh ang true love? eh anu naman sa first love? ano ang mas matimbang ang true love or ang first love mo? basta akong author naniniwala sa "TRUE LOVE WAITS"