“Gusto mo ng agahan?” tanong niya at tumango lang ako. Nagulat naman ako sa ginawa niya kasi pumaibabaw siya sa akon kay parang ang awkward. Paran ganito kasi yung posisyon namin kagabi nung alam niyo na.
“Ako rin. Ang sarap oh!” sabi niya habang hinahalikan ako sa leeg, sa pisngi, sa noo at sa labi at ako namang si gaga, tumugon.
Hindi ko alam pero ito na naman yung pakiramdan ko kagabi. Iyong pakiramdam na ang init tapos kasabay nun yung ang bilis ng tibok ng puso mo na parang mabibingi ka na. Nako naman ang aga-aga. Pwede namang mamayang gabi na lang ulit. Hala ka! Anu yung sinabi ko sa isip ko?
Kailangan na itong mahinto, jusko ang aga-aga para sa mga ganitong mga bagay. Tinulak ko siya ng malakas. Talagang malakas para maalis siya sa ibabaw ko.
“Magluluto na ko.” Sabi ko na lang at agad akong lumabas ng kwarto ko ng hindi manlang nalapag-aayos. Kasi naman po mamaya kung magtagal pa ako kung saam pa matungo yun. Hindi pa nga ako nakakaget-over sa nangyari kagabi tapos masusundan na agad.
Agad-agad.
Tsk!!! Ang init ng pakiramdam ko. Bwisit naman eh!
Habang nagluluto ako may biglang yumakap sa akin mula sa likod. Ang bango-bango. Then bumulong siya sa akin, sa may parteng tenga ko talaga naparang hinahalik-halikan niya. “Ikaw lang busog na ko.”
Ang pula ko na panigurado. Jusko ang aga-aga para sa mga kakornihan. Pero infairness kinilig ako dun. Kilig to the bones talaga ako. Natatawa ako sa isip ko kasi naman para ako high school student na nginitian ng crush na talagang kinikilig ka na pero pigil pa rin yung kilig mo kasi ayaw mong pa-obvious.
Siniko ko siya para bumitaw sa akin mula sa pagkakayakap at pagharap ko sa kanya nakita ko siyang nakapambahay lang. Baka hindi siya naka-suit, hindi ba ito papasok? Tanong ko na lang sa sarili ko.
“Oh? Hindi ka papasok?” tanong ko na inihain na sa lamesa yung mga niluto kong agahan para sa amin.
“Hindi.” Simple niyang sagot at yumakap na naman sa akin. Nasa ganuong posisyon kami hanggang sa matapos akong kumuha ng baso at isang pitsel ng tubig ay nakayakap pa rin siya.
“Bakit hindi ka papasok? Special Holiday niyo?” tanong ko ulit ng mapag-isip isip kong wala namang national holiday o any holiday ngayon.
Hmmm!baka naman gusto lang akong makasama. Hahah! Natatawa ako, assuming lang eh!
“Needy, Sunday po ngayon ibig po nung sabihin nun eh wala po kaming pasok.” Ika nama niya na ikinalinawa ng isipan ko. Anu ba naman kasi iyan, nawawala ako sa sirkulasyon ko sa mga nangyayari sa amin ni Levy.
Parang tuko lang itong si Levy. Nakakapit ng nakakapit.
Pagdaka ay kumain na kami. Napagpasyahan naming mag-stay lang dito sa bahay kasi daw alam niyan napagod niya ako kagabi. Sa tuwina na mababaling duon ang usapan ay kulang na lang sumabog ako sa pula at init ng pisngi ko.
Kasi naman tuwing naaalala ko yun! Nakakahiya!
Tapos sasabihin pa niya kung gaano raw sya natutuwa sa pag-moan ko.
Aaaaah! Gosh! Papatayin na ba ako ni Levy.
Jusko po. Pagnaaalala ko yun. Gusto ko ng magpalamon sa lupa.
Masakit pa rin yung katawan ko dahil sa nangyari kagabi pero kailangan kong labhan yung sapin ng higaan ni Levy kasi nagka-mantsa ng dugo. Kasi naman po diba...
Naiiling na lang ako sa tumatakbo sa isip ko. Nakakaasar na, paulit-ulit sa isipan ko yon.
“Wifey, bilisan mo dyan para masimulan na ‘to.” Tawag ni Levy sa akin. Iyan na naman iyang wifey na iyan. Nako-kornihan man ako pero okay lang si Levy naman yun.
Manunuod kasi kami ng movies. Yup, magmu-movie marathon kami. Pareho kasi naming ayaw lumabas ng bahay kaya iyan manuod na lang daw kami ng movies para hindi malibang.
Nanduon na siya sa sala at namimili ng papanuorin namin. At sana hindi action ang piliin niya dahil maspipiliin ko pang manuod ng horror kaysa sa action. Bahala siya kung gusto niya, mag-isa siya.
Tapos ko na labhan yng kobre kama kaya ito ako ngayon sa kusina. Naghahanda na ako ng makakain namani at naiinum namin habang nanunuod.
Gustong panuorin syempre romance. Usually naman sa babae na ganun talaga ang hilig. Lalo na ang mga in-love.
Katulad ko. In-love na inlababo sa asawa kong gwapo. Natawa naman ako sa naiisip ko.
“Oi! Wifey wag mong sabihing hindi ka pa rin makaget-over? Tara na kasi.” Si levy pala, hindi ko namalayan na nandito na siya at anu yung sinabi niya. Bumawas siya duon chips na inihanda ko para amin at sinubo iyon.
“Ha?” ano naman ang pinagsasabi nito.
“Tsk! Kailangan masundan yun para masanay ka at may hehe... baby na tayo. Tara na!!!” sagot niya at yumakap pa sa akin mula sa gilid ko at hinalikan ang sintido ko.
Itutuloy...........
**********************************************************************************
Okay muntanga lang ang author nyo.hahah
Wait nyo na lang yung next UD,... kung mayroong pang next UD.hahhah malay nyo idelete ko ‘to diba...
Sige babye nah!!!
Vote kayo, and commentna rin...
please.....
BINABASA MO ANG
Utang na Loob
Humortotoo ba ang love at first sight? eh ang true love? eh anu naman sa first love? ano ang mas matimbang ang true love or ang first love mo? basta akong author naniniwala sa "TRUE LOVE WAITS"