chapter seven (part c...)

590 14 3
                                    

ito na yung kasunod..hahah

in-love na ata ako sa bakla.hahah

hai... maramdam naman yung mga silent reader ko dyan.. at gusto ko lang i-promote yung  "where are your promise"...

*****

“Sa susunod kakain ka sa tamang oras.” Sigaw niya sa akin. Hindi ba niya gets na may sakit ako. Tumango lang ako. “Hindi ka na nga kumakain ng tama, sinabayang pa ng sobrang pagod. Anu ang pinag-gagawa mo sa bahay ha?”

                Woah! Parang concern lang si Levy ah. Pero lagi na lang bang pasigaw. Manung huminahon mang lang kahit konti.

                “Naglilinis ng bahay.” Mahina kong sagot. Baka sakaling mafeel niya ang kakalmahan ko at tumigil na siya sa kakasigaw sa akin.

                At aber sino naman po ang hindi mapaapgod kakahanap buong maghapon sa isang nawawalang aso. Sabihin nyo nga sa akin, sinung hindi mapapagos?

                “Mag-papahinga ka kasi.” Nako nag-salita ang nagpapahinga. Ikaw nga dyan ang gabing-gabi ng umuuwi tapos sobrang aga pang umaalis. Aba sobra na yon sa working hour nya.

                Payaman ka naman masyado baka malunod ka. Oo nga pala iyon nga pala ang gusto mo, ang maging stable ang company mo at makuha ang mana mo then you will dispose me.

                Tumagilid ako, patalikod sa kanya. Naluluha kasi ako.

                Ang sakit lang eh.

                Ah! Alam ko na. For sure papayag na siya kasi wala na si Ma’am Lorie, wala ng magagalit sa kanya. Oo tama, iyon nga.

                “Levy may sasabihin sana ako.” Nakaktalikod pa rin ako sa kanya

                Papayag naman paniguradosi Nika. Miss na ako nung babaeng yun eh!. “Duon na alng ako kay Nica, tutal naman wala namang dahilan para mag-stay pa tayo sa iisang bubuong.” Direderetso kong sabi.

                Kasi nasabihan nga kaming mag-asawa pero parang wala lang naman. Gusto ko naman mag-stay pero sanakikita ko at sa nararamdaman ko sa pakikitungo niya parang wala naman ng dahilan para magsama kami. At kung sa huli ay maghihiwalay lang din kami. At least no memories that always remind me of him once were over. No pictures of him that will always hunt me.at atleast hindi masyadong magiging malalim yung sugat. Kaya ko pang itake.

                “Bahala ka.” Iyan lang ang sagot niya sa akin at malakas na isinara ang pinto.

Hingang malaim.

                Pigilan ang iyak.

                Kailangan mong mag-pagaling. Whoooh!.

                Pero hindi eh, hindi ko mapgilang yung mga luha ko. Ang kukulit eh, iyan oh, nag-uunahan pa.

*****

                Kinabukasan naka-uwi naako. At paano nangyari yon gayong may sakit pa ako. Pinilit ko yung doctor. Mag-eempake pa ako. Pinuntahan ko agad si tummy para mag-paalam at syempre may bilin ako kay tummy.

                Pag-akyat ko nanduon si Levy nakatayo sa harap ng pintuan ng kwarto ko. “Excuse me.” Sabi ko sa kanya nga diba nakaharang siya. Nakatingin lang siya sa akin.

                “Sabi ko excuse me. Mag-eempake pa ako.” Sabi ko habang inuusod siya ng bahagya pero ayaw patinag.

                “Baka pwede mo naman akong paraanin para hindi na ‘to mag-tagal.”

Utang na LoobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon