chapter nine (part a...)

575 14 1
                                    

CHAPTER NINE

            Buo na sa loob ko, buo na nga ba? Napahinga na lang ako ng malalim.

            Oo na hindi pa pero kailan pa? Kung kailan hindi ko na kayang mawala siya, kung kailan hindi ko na siya kayang ibalik sa babaeng mahal niya, kung kailan ang tanging naiisip ko na lang ay ang sarili ko na dapat ay mapasa-akin lang si Levy.

            Ayoko! Ayoko ng ganuon.

            Ayokong umabot sa punto na iyon kasi baka hindi ko kayanin na pilit na kumakawala ang taong mahal ko mula sa akin.

            Hai. Salamat at may taxi na rin. Paparahin ko na sana ng biglang may humila sa akin. “Saan ka pupunta?” tanong ni LEvyna naghahabol pa ng hininga.

            Pinilit kong umarte na parang wala lang. “Uuwi na ko.”

            “Oh! Tara na sa sasakyan, bakit ka pa bubukod ng sasakyan? Kitang sabay tayong pumunta dito.” Sabi niya sa akin at hinila na niya ako upang makasunod sa paglalakad papunta sa parking space pero napahinto siya ng tumigil ako na dahilan upang magkalas ang pagkakahawak niya sa akin.

            “Hindi ako uuwi sa bahay na... na.”nakakaasar hindi ko masabing ‘natin’ dahil feeling ko hindi iyon ang nararapat kog sabihin kahit sa amin naman talaga iyon. Tumingin ako sa kanyang mga mata at nababasa ko ang pag-tataka. “Kela mama ako uuwi.”

            Pagdaka ay tumalikod na ako at nagsimula ng mag-lakad. Pikit mata kong nilalasap ang sakit na lumayo sa taong mahal mo. Jusko kaya ko ‘to, ako pa.

            “Needy anu bang nangyayari sayo?” imik ni Levy na ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga dahil nakayakap siya sa akin mula sa likod. “Needy, uuwi na tayo sa atin. Diba wala naman tayong problema.” Ang lungkot ng tono ng boses niya, alam ba niya na ako ang nalulungkot ng higit kapag ganyan siya. “Gusto sasama ako, okay lang sa akin.” Dagdag pa niya.

            Nailing na lang ako. Wala ba siyang alam sa nangyayari. Na ayan na ibinibigay ko na yung kalayaan niya. Binabawasan ko lang yung intindihin niya. Hindi ba niya makuha.

            Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. Inilapat ko ang magkabila kong kamay sa magkabila niyang braso at tumingin sa mga mata niya na hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o ikaiinis. Ang mga mata niyang tila nangungusap ang nagpapahirap sa pag-layo ko sa kanya.

            “Ibig kong sabihin, duon muna ako kela mama. Uuwi rin ako.” Ika ko sa kanya.

            “Sure?” tumango ako upang paninigurado. “Hatid na kita.” Alok niya.

            “Hindi na. Magpahinga ka na lang sa bahay.” Ika ko ayoko na mahihirapan lang ako. Lalo na’t ganito siya kalambing.”I better get going.”

            “Umuwi ka ng maaga ha.” Then he kissed me in my lips. Tumaango lang ako at kumalas na sa kanya at nag-simula ng maglakad palayo sa kanya.

Utang na LoobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon