para sa kanya tong UD na ito..haha pinasaya nya kasi ako ehhh....
CHAPTER FOUR
Naaasar ako.
Nabubwisit ako.
Napipika ako kay Levy.
Dahil sa kanya hindi ako nakatulog. Mukha na akong zombie.
Tapos ito pa siya katabi ko, himbing na himbing ang tulog. Eh ako hindi mapakali ang isip dahil sa kanya.
Nasa eroplano na kami on our way to L.A.
Bakit ba kasi siya ganyan. Kung wala lang talaga at kung maghihiwalay din kami sa huli bakit kailangan niyang sabihin at apikita na siya lang dapat yung mamahalin ko at parang unfair naman ata nung lagi na lang siya ang nagdedesisyon. Bakit lagi na lang siya yung nagseset ng rules.
(Eh! Paano naman kasi speechless ka kapag kasama siya.)
Oo na, hindi talaga ako makapagsalita kapag nandyan siya at parang unmuurong ang dila ko.
Haist! Basta ganon.
Hayan gumalaw na si Levy, nakaharap na siya sa akin. Akala mo kung sinong anghel kapag tulog pero kapag-gising napaka-arogante.
Pero kahit tulog or gising man yang lalaking yan ang gwapo pa rin.
Tumgilid na rin ako para harap-harapan kami. Bkit kailangang ganito siya maging ka-gwapo at ang unique niya na talagang masasabi kong lalong nagpapamahal sa akin.
Sana magmilagro at ma-inlove wrin sa akin si Levy. Pero imposible yon kasi iba ang trip nun eh. Ang trip nun sexy, maganda, ah basta I’m far from what he is looking for in a girl.
“Akala ko ba tulog ka?”
“Nakaka-adik ka palang halikan.”
“Hammmpphhh.” Ano ba problema nito. Nanghahalik na lang bigla.
Pero, promise ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Alam mo hindi ka marunong manghalik.” Kapag ba hinalikan ka bigla makakapag-function ka agad ang utak mo namag-respond. Duh! “Hayaan mo tuturuan kita.” Ano raw? Tuturuan nya ako ng ano?
“Ano yung ituturo mo?” tanong ko.
“Ito oh!” waaah! Bakit nanghahalik na naman ito.
Wag niyang sabihin na ito ang ituturo nya. Okay lang na magpaka-bobo ako. Hahahaha.
“Ehem!”
Ano naman kasi ang alam ko sa pag-kiss. First kiss ko kaya yung kahapon tapos ganoon pa yung nangyari. Ang saklap ng first kiss ko.
“Ehem!” napatingin naman kami ni Levy duon sa nag-ehem. Yung stuardess pala.
Ngumiti na lang ako kasi naman eh, nakakahiya. PDA kami, eh hindi pala wala namang love between us. Ako lang naman yung nag-mamahal.
“What do yo blah-blah-blah.” Ayaw gumana ng utak ko sa kahihiyan.
Si Levy na lang yung nag-salita.
BINABASA MO ANG
Utang na Loob
Humortotoo ba ang love at first sight? eh ang true love? eh anu naman sa first love? ano ang mas matimbang ang true love or ang first love mo? basta akong author naniniwala sa "TRUE LOVE WAITS"