chapter sixteen

270 4 1
                                    

Chapter Sixteen:

            “Tummy, stop, nagda-drive si daddy.” Suway ko kay Tummy na patuloy ang pag-dila kay Levy  sa mukha habang ako ay pilit na tinutuon ang mukha ni Tummy sa akin.

            “Tummy behave, makinig ka kay mommy mo.” Suway naman ni Levy dito na agad naman tumalima khait naiingit-ingit na bumalik ng higa sa backseat ng sasakyan. Narinig ko naman ang tawa ni Levy. “Good boy!”

            Napanguso na lang ako at tumingin sa labas. Sila na talaga ang close. Nakarating kami sa amin at sinalubong naman kami ni Teddy na habang kumakain ng ice candy. Kinuha niya ang inabot kong pakwan na binili namin sa nakita naming tindahan ng prutas. “Hi Kuya James!”

            “Hello kiddo!” bati naman ni Levy. Inakay na siya papasok ng bahay namin habang hawak hawak naman ni si Tummy sa kabila niyang kamay. Ng makapasok kami nakita ko si papa na nanonood ng boxing habang kumakain ng binusang mais na paniguradong pinabili niya sa asawa ng pinsan ko.

            “Pa!” tawag ko dito at nag-mano ganuon din ang ginawa ni Levy.

            “Buti at napunta kayo. Nasa kusina ang mama mo.”

            Agad kaming pumunta ng kusina para mag-mano kay mama. Bumalik din naman si Levy sa sala para samahang manuod si papa at ako naman ay naiwan dito sa kusina para tulungan si mama na mag-luto. “Naku Needy, lumabas muna kayo sa mga tita mo para mag-mano.” Saway sa akin ni mama ng makitang ipinag-patuloy ko ang hinihiwa niyang puso ng saging para sa kare-kareng lulutuin niya.

            “Hi baby!” ika ko sa baby ng pinsan kong si Jona at kinuha sa kamay niya ang baby boy niya na limang buwan pa lamang. Umupo ako sa isang upuan na ibingay ng pamangkin ko. Napansin ko naman si Levy sa tabi ko na nakatitig sa akin kaya naan inilapit ko sa kanya si baby na agad namang nag-pangiti dito at hinawakan ang kamay nito.

            “Bakit hindi pa kasi kayo bumuo ng sarili niyong baby?” singit ni Jona na may pag-tataka sa mga mata niya.

            Tawa lang ang nasagot ko sa tanong ni Jona dahil hindi pa namin napag-uusapan iyan ni Levy at kahit na ginagawa namin iyon ay nagta-take ako ng pills dahil sa tingin ko hindi pa ako handa para sa pagiging ina. Napansin ko naman ang pag-ngiti ni Levy kay Jona na parang sinasabi na ‘wala pa sa plano’. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa baby, makikialaga muna ako ng may baby ng may baby.

            “Ihjo, James ingatan mo ang anak namin ha!” huling salita ni papa kay Levy bago kami umalis ng bahay para naman pumunta sa bahay ni Levy. Tinugunan naman iyon ni Levy ng isang ngiti ng assurance kaya napangiti na rin ako at iniyakap ang isang braso ko sa baywang niya.

            This time may sense na ang sinabi ni papa kay Levy na ingatan ako dahil alam kong may halaga ako sa kanya. Alam kong he now can do something to please me and he do really now care for me unlike dati na parang wala lang. Na parang ginagawa niya iyon dahil he was forced to do so. Napatingin ako sa kanya na nagha-hum habang nag-mamaneho. Sana nga Levy tuluyan mo na akong ingatan ng lubos. Ika ko sa sarili ko bago ibalik ang atensyon sa mga nakikita ko sa daan.

            Natapos ang dinner sa kanila ng masaya kami sa nangyari dahil sa mga kwentuhan at asaran nilang mag-kakapatid kahit minsan ay masisingit sa usapan si Hollie na ginagamit nilang pang-asar sa kanya. Sa tuwing nababanggit nga ang pangalan nito ay natitigilan siya at nanghahaba ang nguso kaya naman napapa-tawa na lang ako dahil para siyang bata.

            Tumagilid ako ng higa paharap kay Levy na gising pa rin hanggang ngayon. Nakatingin lang siya sa kisame habang naka-unan sa mga kamay niya. Ano kayang iniisip nito, maitanong nga. “Anong iniisip mo?”

Utang na LoobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon