CHAPTER THRITEEN:
Maaga akong gumising kahit pagod pa ang katawan ko sa nangyari sa amin kagabi. Kailangan ko pa kasing ipaghanda ng agahan si Levy kasi may pasok siya ngayon at syempre dapat well done ang kahat kasu simula ngayon ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Madali akong nagbihis at itinakip iyong kumot sa hubad na katawan ni Levy na tulog na tulog pa rin. Mamaya ko na lang siya gigisingin, panigurado pagod din tan.
Napatitig ako sa mapayapang imahe ni Levy. Bakit ba ang gwapo mo? Bakit ba mahal kita? Bakit ba sa dinamindami ng lalaki sa mundo sa iyo pa? Ika pa? Levy bakit nga ba ikaw? Pero kung ano man ang maging sagot sa mga katanungan na iyon ay wala na akong pakialam dahil isa lang ang alam ko, mahal ko siya.
Mahal kita Levy. “Mahal na mahal.”
Pagkasabi ko nun ay marahan ko siyang hinalikan sa labi at tuluyan ng bumulas para mag-luto ng agahannamin. Naalala ko na pinabibisita ako ni Ma’am Lorie sa kanila kaya mamaya ay aalis ako ng bahay para dalawin siya.
Simple lang ang niluto ko, adobong manok na pininyahan. Sigurado akong masasarapan siya sa niluto ko natimpla na rin ako ng kape pero mamaya ko na lalagyan ng tubig na mainit pagkababa ni Levy. Inayos ko na yung lamesa at umakyat na sa taas para gisingin si Levy.
Pagbukas ko ng pintong kwarto niya natanaw ko pa rin siyang himbing na himbing pa rin ang tulog kaya naman inayo ko muna iyong susuotin niya. Mula sa charcoal-grey na tuxedo niya, black satin neck tie hanggang sa sapatos ay ayos na ayos.
Nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin mula sa likuran habang namimili ako ng necktie na kanyang gagamitin. Nilingon ko ito at sumalubong sa akin ang isang matamis na halik mula kay Levy. Nakakatuwa dahil ganito ang arte namin kahit ang aga aga pa.
“Gising ka na pala. Ligo ka na para makakain ka na.” Sabi ko sa kanya at nagpatuloy na sa pagpili . Ano kayang maganda. Ito bang satin deepred o itog ash one?
“Nakakaasar naman eh, mas importante pa bayang necktie na’yan kaysa sa akin.” Nagdadabog siyang pumasok sa banyo. Ang aga aga sinumpong ang mahal ko. Pero kahit ganyang topakin at sumpungin ang isang iyan ay mahal ko yan. Mahal na mahal kahit naman kasi topakin yan, okay lang kasi nga mahal ko siya kung ano siya at hindi kundi sino siya. At masasabi ko na masarap magmahal ng topakin kasi suyuan to the max kahit mahirap.
Ngayon siguro, makikilala ko na ng higit si Levy. Hindi lang iyong pagiging sumpungin niya ang alam ko pati na rin yung mga gusto at ayaw niya. Isa pa yung mga hidden talents niya. Katulad kagabi na ikinagulat ko kasi nag-bake siya ng cake. Hindi ko kasi inaasahan na magiging ganuong kasarap iyon dahil lalaki siya at tila hindi porte ng isang James Levy Cruz ang kusina.
Masaya ako sa ganitong samahan namin kahit na nag-sisimula pa lang ulit kami. Sana huwag sumpungin si Levy. Pero kung tutuusin nakakatuwa siya dahil kapag ganuon siya na sinusumpong natatawa ako sa pagmumukha niya. Ang cute niya lalo pa kapag nagsasalita siya tapos biglang magseseg-way. Tapos yung pagnanais niyang magkaba-baby kami parang lahat ng iyon ay imposible pero ngayon, ito na malapit na sa realidad ang lahat ng ninanais ko. Sana nga. Konti na lang matututunan mo rin akong mahalin Levy.
Ipinatong ko sa couch yung susuotin niya at ngumiti ng wagas kasi namiss ko ‘to. Namiss ko itong pag-aasikaso sa kanya. Yung paggising sa kanya tuwing papasok siya sa trabaho at ipag-hahain siya ng agahan. Kahat nga iyon namiss ko at ito ng muli ay magagawa ko na dahil ayos na kaming dalawa.
“Oh! Ito na yung damit mo sa couch.” Sabi ko kay Levy ng bumungad na siya sa pintuan ng banyo. Tinungo ko na yung kama niya at inayos ang pinaghigaan niya. Habang nag-papagpag ako ay langhap na langhap ko ang pabango niya. Sobrang ganda sa pang-amoy ko. Smooth lang, hindi masakit sa ilong. Woody musk yung amoy niya. Ang sarap amoyin kaso nga lang baka maubos. Natawa naman ako sa kapilosopohan ng isipan ko. Pakiramdam ko binabalot ako ng amoy na iyon na lalong nagpanabik sa akin na makita at mayakap ang gwapo kong minamahal na asawa.
BINABASA MO ANG
Utang na Loob
הומורtotoo ba ang love at first sight? eh ang true love? eh anu naman sa first love? ano ang mas matimbang ang true love or ang first love mo? basta akong author naniniwala sa "TRUE LOVE WAITS"