Utang na Loob (part b...)

638 20 2
                                    

Sa ilang linggo namanin magkasama ni Levy masasabi ko ang saya kasi parang normal na mag-asawa kami. Yung parang totoo. Minsan nga inuuwian ako ni Levy. Hahah sweet noh!.

                “Oh, needy bakit katanghaliang tapat nandito ka?” tanong ni kuyang guard dito sa office ni Levy. Kilala nila ako dahil paminsan-minsan nandito kami ni tummy paghapon, tumatambay kami. Di ko lang alam kung alam ni Levy na nadadaan kami dito.

                Si tummy iniwan ko muna sa bahay.

                “Dadalhan ko lang ng tanghalian si Boss.” Si Boss? Si Levy yon, ang alam kasi nila katulong lang ako nI Levy. Ganda kong katulong. Hahah.

                Mas okay yun ang alam nila kesa alam nilang mag-asawa kami dahil lang pinag-kasundo kami.

                “Ah, sige.”

                Pag-akyat ko tangalian na pero busy pa rin ang lahat. Si Terence nga di ako na pansin. Si Sonya busy din. Namiss ko tuloy yung office namin.

                “Sonya bigay mo ng kay Boss.” Sabi nung isang katrabaho nya.

                “Ayoko nga.”

                “Ikaw na, isabay mo na lang dyan sayo.”

                “Ikaw na.” then napalingon siya sa akin. “ Bakit ka nandito?” tinaas ko ang dala kong lunch box.

                Yung katrabaho niya ayun napilitang ibigay kay Levy yung mga papers.

                “Nako Needy, umuwi ka na at baka madamay ka pa sa init ng ulo ni Boss.”

                Bakit naman kaya mainit ang ulo ng isang yun. “Tingnan mo sabranf busy namen dahil ang gusto eh ipasa lahat ng mga raports kahit hindi pa naman deadline.” Tapos umupo siya at sinubsob ang ulo sa desk nya na puno ng paper-works.

                “Ah, ganun ba.” Kawawa naman sila. Napag-buntungan na galit ni Levy. Tsssk.

                “Pwedeng paki-abot na lang ito sa kanya?” tanong ko at inilapit sa kanya yung hawak kong lunch box.

                Napadiretso naman siya ng upo at nag-simulang asikasuhin yung ginagawa niya. “Ayoko nga busy ako at ayokong masigawan ni Boss.”

                “Sige na nga.” May magagawa ba ako.

                Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang nakakunot na nuo ni Levy habang binabasa yung isang papeles. Sobrang busy lang siguro kaya nagagalit na.

                “Ibaba mo na lang sa table at umalis ka na.”ganun lang yun di man lang ako nagawang tingnan.

                “Sige alis na ako.”bubuksan ko na sana yung pinto ng magsalita siyang muli na halatang may pag-kagulat.

                “Anung ginagawa mo rito?” so nun lang nya ako na recognized?

                Humarap ako sa kanya. “Dinalhan kita ng tanghalian, ubusin mo yan ha.” Yumayo siya at inayos yung tie niya.

                “Sige alis na ako.” Bubuksan ko na sanang muli ang pinto ng magsalita ulit siya.

                “Dito ka lang.” Hala! Full of authority na  naman yung boses nya. Kung magis-stay ako rito ano naman ang gagawain ko.

Utang na LoobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon