CHAPTER SIX (part a....)
Uhlala!
May dream house. Well hindi naman bongga ang dream house ko pero ito yung ninanais ko simula pa nung bata ako and for sure sinabi yon ni papa kay Ma’am Lorie.
Ang gusto kong bahay,gusto nyong idescribe ko? Ito ganito. Ehh! Basta simple lang. May nalaking play-ground kasi gusto ko malawak ang takbuhan ng magiging anak ko. May pool. May malaking kitchen dahil mahilig akong mag-luto at malaking sala para malaking laruan din ng magiging anak ko kahit sa loob ng bahay.
Obviously nandito na kami sa so called bahay namen ni Levy.
“Hoy! Ilipat mo na nga yung mga gamit mo sa kwarto mo.” Utos ni Levy. Tignan mo to ang sungit.
“ito na.” Errr. Ang hirap naman itulak nito sa dami. Nilagay ni Levy lahat ng gamit ko na nilagay ni Ma’am Lorie sa kwarto niya sa isang box na malaki. Dahil hindi ko kayang buhatin, tinulak ko na lang. Si Levy ayon nakahiga sa kama niya. Hindi na ako nag-abalang humingi ng tulong kasi baka maasar lang yan, lalo na’t pagod yan kasi kakarating lang namen.
Ako rin naman ah, pagod rin po ako.
Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko narinig kong umandar ang engine ng car ni Levy kaya sinilip ko mula sa bintana ng kwarto ko. Saan kaya pupunta yon. Wala man lang paalam, eh anu bang karapatan ko.
Ang saya siguro kung mutual yung feelings namen para sa isa’t isa. Pareho naming mahal ang isa’t isa at hindi lang dahil sa pinagkasundo kami kaya kami magksama kundi ito talaga ang ninais naming dalawa, ang makasama ang isa’t isa sa iisang bubong.
Ipinagpatuloy ko lang ang pag-aayos ng mga gamit ko, ng matapos ako hapunan na kaya nagluto na ako.
Uuwi kaya si Levy? Iintayin ko ba siya o mauuna na akong kumain? Baka naman kumain na yun. Saan kaya siya kumain? Ano kaya ang kinain nya? Nabusog kaya siya? Iyan ang mga gumugulo sa isipan ko habang nag-luluto.
Wala kaming katulong kasi ayaw ni Levy ng may katulong, panigurado alila ang labas ko nito.
Humiga muna ako sa sofa. Pagkatapos ng 15 mins.at wala pa si Levy kakain na ako.
Nagising na lang ako sa pagkakaidlip sa tahol ng aso. Wala namang aso sa kapitbahay namin kasi sa pagkaka-alam ko matatanda na yung nakatira sa kabila. Tumayo na ako at tumingin sa wall clock, 20 mins.na ang nakalipas wala pa rin si Levy.
Papunta na ako ng kusina ng matamaan ng tingin ko ang isang asong kulay golden brown na sobrang laki. Siguro pag-tumayo yun malaki pa sa akin. Napatingin naman ako sa lalaking may hawak sa tali nung aso, si Levy pala.
“Nandito ka na pala.” Napa-atras naman ako dahil paplapit sila sa akin.
Ng makarating sila sa pwesto ko, umupo yung aso sa harap ko at tumabi rin si Levy at hinimas-himas yung ulo nung aso. Tumingin siya sa akin then ngumiti. How cute.... “Natatandaan mo yung sinabi ko na may ipapakilala ako sayo?” tumango ako pero actually nawala sa loob ko yun. “Si Tummy yon.”
“Nasaan?” tanong ko at luminga-linga sa paligid.
Hinila niya ako kaya napaluhod ako. “Si Tummy, itong aso ko.” What siya yung ipapakilala niya sa akin? Akala ko kung sino pero nakakatuwa kasi ipinakilala pa niya talaga ako sa aso nya. “Tummy ito si Needy, ikaw na ang umintindi dyan ha.” Hala ako pa ang naging sakit sa ulo.
BINABASA MO ANG
Utang na Loob
Humortotoo ba ang love at first sight? eh ang true love? eh anu naman sa first love? ano ang mas matimbang ang true love or ang first love mo? basta akong author naniniwala sa "TRUE LOVE WAITS"