chapter ten (part a...)

551 12 2
                                    

dedic to sa kanya...heheh..pinasaya mo ko...

************************************************************************************************************

            Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaasar sa drama na naman ni Levy. Magkahawak-kamay kaming naglalakad dito sa park kasama syempre si tummy na hawak niya. Baka raw kasi matangay ako kapag-tumakbo si tummy.

            Paminsan-minsan nag-uusap din kami kaso sandali lang pero yung feeling na kasama mo yung taong mahal mo iba, kahit no talk, okay lang basta kasama mo siya.

            Nadaan kami sa swing. Umupo ako sa isa at si Levy naman ay tumayo sa likuran ko at marahang inuugoy ang duyan.

            Ang hirap isipin na alam mo sa sarili mo hindi ka dapat ang kasama ngayon ng lalaking mahal mo. Ang sakit.

            Ang sakit na alam mo kahit kayo ang magkasama, iba naman ang iniisip niya. Hai.

            “Levy.” Pukaw ko ng atensyon niya. “Hindi ka ba nahihirapan?” sa totoo lang hindi iyan ang gusto kong itanong.

            “Nahihirapan? Saan?” tanong naman niya sa akin.

            Hindi ka ba nahihirapan na malayo ka sa taong mahal mo? Iyan ang gusto kong itanong sayo Levy pero ‘wag na lang, baka hindi ko kayanini ang isasagot mo, ang katotohanan.

            “Sa sitwasyon natin? Hindi ka ba naiinip? Sana mabigay na ng daddy mo yung mana mo para matapos na ‘to.” At makasama myo na ulit ang isa’t isa, gusto ko rin sabihin yan pero mas okay ng hindi kasi masakit.

            “Bakit? Gusto mo na bang matapos ito?” tanong niya sa nakakapag-takang tono. Para kasing ang lungkot ng boses niya.

            Hai! Assuming na naman Needy.

            “Oo sana.” Huminga ako ng malalim, naninikip na naman yung dibdib ko. Tapos yung mga luha ko.

            Ang sakit, ang hirap. “Para naman pareho na tayong maging masaya.”

            Levy, ayokong matapos ‘to kasi ayokong mawala ka sa akin, ayokong isipin na hindi na kita makakasama.

            Marail ikaw, oo, magiging masaya ka pero ako? Paano ako? Hindi ko nga alam kung ano ang kalalabasan ko pag-katapos nitong kahibangang ito.

            Pipiliting maging masaya dail naibigay ko sa iyo ang kalayaan mo na makasama siya, ang taong magpapasaya sayo.

            “Bakit? Hindi ka ba masaya sa kung anung meroon tayo ngayon?” Levy, huwag ka ngang ganyan na parang nahihirapan ka sa mga pina-uuspan natin.

            Levy, masaya ako dahil kasama kita pero hindi iyon lubusan-lubusan dahil alam ko hindi ako ang kailangan mo, hindi ako ang magpapaligaya sayo.

Utang na LoobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon