chapter fourteen

415 9 3
                                    

CHAPTER FOURTEEN

            Lumipat kami nila Nicasa isang restaurant para mag-dinner kasama si Levy. Tumawag kasi si Levy kaya inaya ko na siyang mag-dinner tutal mag-didinner na rin naman na. At magandang pagkakataon din ito para naman makapag-bonding kami kahit double date ang labas kasi kasama namin si Nica at Luke. Natawa pa ako sa mukha ni Levy ng makitang hindi lang kaming dalawa ang mag-didinner.

            “Hindi mo sinabi na kasama mo pala sila.” Bulong niya sa akin pagkatapos makuha ng waiter ang mga orders namin. Natawa naman ako dahil halata mo ang pagkadismaya niya sa tono ng kanyang pananalita.

            “Sorry po.” Bulong kong sagot sa kanya at nginitian siya. Ngumiti lang siya at marahang pinisil ang kamay kong hawak-hawak niya.

            Napuno ng kwentuhan ang buong oras ng pagkain namin at lahat kami ay masaya sa mga jokes ni Luke kahit korni. Halos kasi si Luke ang bumabangka sa dami nitong baong kwento hindi lang sa opisina nila pati na rin ang mga simpleng bagay na nakikita niya sa paligid niya ay kinukwento niya at sinasabi niya ang nararamdaman niya na siya namang kokontrahin ni Nika na tatawanan lang naman ni Luke. Nakakatuwa nga ang itsura ni Nica dahil alam niyang wala siyang kakampi dahil kahit ako mas gugustuhin kong pag-tripan si Nica dahil sa mga kakatuwang expression ng mukha nya. Si Levy naman ay nakikitawa din kahit alam kong hindi siya komportable sa presensya ng dalawa.

            “Oi! Levy pare, kamusta naman ang negosyo mo?” tanong nito kay Levy at umayos pa ng upo habang hihingal-hingal pa mula sa pagkakatawa. Gusto kong sipain si Luke mula sa ilalim ng lamesa dahil feeling close lang dahil kung ako ngang asawa nangingiming mag-tanong siya pang hindi naman nito nakaksama.

            Tiniganan ko si Levy na napangiti at si Luke naman ay tila naging interesado kaya naman itinukod pa nito ang mga siko nito at nilapit pa ang mukha sa asawa ko. Nabigla naman ako ng akbayan ako ni Levy at inihapit pa ako sa kanya. Nilingon ko ito na siya rin namang lingon nito sa akin at pareho kaming napangiti sa isa’t isa. Napangiti din ako ng ngitian nito si Luke at Nica.

            “Well, actually I am planning a little celebration tonight with Needy but here we are and the business topic been opened might use the moment to inform you guys that we won the bidding for the next Super Mall project sa Luzon and the reconstruction of Iniesta Grand Theater.” Sabi nito na mababakas mo ang sobrang kasiyahan at kahit ako ay masaya dahil malaking project and dalawang iyon. Sa tingin ko dapat talaga kaming mag-celebrate dahil milyones ang kikitain nila sa proyektong iyon pero hindi ba dapat akong mangamba dahil ito na talaga. Nagiging stable na ang company niya at baka nga hindi na niya antayin ang 2 years at baka sa susunod na buwan palang ay mag-hiwalay na kami.

            Napa-iling ako sa iniisip ko. Bakit ba hindi ko na lang i-enjoy itong moment na ito imbis na kung anu-anong nakakasama ng loob ko ang iniisip ko. Marahil hindi naman niya iniisip iyon ngayon dahil busy siya sa mga projects nila kaya dapat ngayon ay happy-happy lang at kalimutan ang kahit anong nakaka-stress na bagay. Napatawa pa ako sa lapad ng ngiti ni Luke at alam kong alam nila kung gaano ka-importante ang project na iyon dahil baka kunin silang sub-contructor ni Levy. “Wow pare seriously ang lalaking projects nun. Paniguradong limpak-limpak ang kikitain mo dun. So libre mo na itong dinner na ito. Diba. AWWW!” daing niya at tinignan ng masama si Nica, marahil ay nasipa ni Nica ito.

            “Mahiya ka nga. Napaghahalataan kang pulubi eh!.” Komento ni Nica at parang hiyang-hiya na tinatago ang mukha sa mga taong napapatingin sa amin. “Kainis talaga.” Dagdag pa nito.

            “Problema mo. Ikaw ba pinagbabayad ko? Hindi naman ah! At totoo namang milyones ang kikitain niya.” Sagot naman ni Luke. Nag-sign naman na si Levy ng isang waiter para sa bill namin. Tumawa pa si Luke na puno ng pang-iinis. Kahit kailan talaga ang lalaking ito. “Palibhasa kasi bratinela akala mo kung sino.”

Utang na LoobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon