Chapter Seventeen:
“Nica, ano ang gagawin mo kung sinabi ng mahal mo na mahal ka na niya...” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumagot ito. Nandito kami sa apartment ni Nica kasama si Luke. Day-off nilang dalawa kaya at naisipan kong komunsulta na sa kanila dahil ilang linggo na rin ganun kami ni Levy pero wala pa rin siyang nababanggit tungkol duon at nahihirapan na rin ako.
“Aba! Mag-papaparty ako.” Tuwang-tuwang sagot niya na tuloy-tuloy ang subo ng pop corn na binili namin sa kanto.
“Hindi pa ako tapos, pwede ba manahimik ka muna at pagkatapos ko duon ka mag-sasalita.” Masungit na sabi ko sa kanya at sinamaan pa ito ng tingin. Siniper naman niya ang bibig niya at itinuon ang atensyon sa pinapanood naming movie na kung tutuusin ay si Luke lang ang nanonood dahil aksyon ang theme.
“Mahal ka na niya pero nalaman mo na mahal niya pa rin pala yung ex niya na siya pang childhood sweetheart niya plus they have a baby. What will you do with that?” tanong ko sa kanila at itinuloy ang pagkain ng pop corn. Ilang segundo ang lumipas pero walang nag-sasalita sa kanila kaya nilingon ko si Nica na nakatingin pala sa akin na akala mo ay tinatanong ako kung pwede siyang mag-salita. Oh! Oo nga pala.
' “Go ahead. Speak now!” ika ko at tinuon ang atensyon sa pop corn.
“Aba! Gegerahin ko yung babaeng iyon!” Nica na kasabay ding nag-salita ni Luke. “Eh! Gago pala yung lalaking yun eh!
“Sige Luke mauna ka na.” Uunahin ko muna si Luke dahil lalaki siya baka marahil ay pareho sila ng iniisip ni Levy.
“Tanga naman kasi nung lalaking iyon. Mahal pa pala niya yung ex niya pero sinasabi nya na gusto na rin niya yung isa. Ano ba naman iyon? Kagaguhan yun. Kasi you will never be able to find a new love if you are not yet over with your past. Imagine this mahal mo pa rin yung ex mo na childhood sweetheart mo pa, it will take years to win a fight between that at idagdag mo pa ang baby.” Ika nya na bumango na sa pagkakadapa at nag-indian sit na paharap sa amin ni Nica.
“Totoo ang sinabi ni Luke, mahirap buwagin at ibaon sa limot yun.” Suhol naman ni Nica. Tama sila mahirap nga namang talunin ang childhood sweetheart ng isang arranged marriage wife. Ano bang panaman ko duon lalo’t puro pa masasamang alaala ang nangyari ng mag-kasama kami ni Levy. “Wait nga lang, Is this is about your husband?”
Napatigil naman ako sa pag-subo ng pop corn sa sinabi ni Nica. Nanlaki ang mga mata niya at hinapit ako para yakapin. “Oh! Gahd! Needy! Kailan pa?” tanong niya na nag-paiyak sa akin. Lumapit na rin si Luke para sumama sa yakapan namin ni Nica.
“Over a month na din.” Sagot ko at humiwalay na sa yakapan. Umayos ng upo si Nica at si Luke naman ay pinausod ako ng upo para maka-upo rin siya sa tabi ko. Pinunasan ko yung luha ko sa pisngi gamit ang mga palad ko para lang umiyak ulit. “Ang sa-sabi niya mahal na niya ako, na huwag na naming ituloy yung napag-usapan namin divorce after two years ng kasal tapos...”
“What? Divorce? Kayo ni Levy after two years? Ano yun? Bakit hindi namin alam yun?” dire-deretsong tanong ni Nica na halata mo na ang inis sa mukha niya. Nakalimutan ko hindi nga pala nila alam ang tungkol duon.
“Ka-kasi before we got married we talked about this arrangement that after two years at nakuha na niya yung mana niya at naging stable na yung business niya ay mag-didivorce kami.” Paliwanag ko sa kanila na pareho namang napahampas ng kani-kanilang mga noo at kanya-kanya ring napapa-ikot ang mga mata sa inis.
BINABASA MO ANG
Utang na Loob
Humortotoo ba ang love at first sight? eh ang true love? eh anu naman sa first love? ano ang mas matimbang ang true love or ang first love mo? basta akong author naniniwala sa "TRUE LOVE WAITS"