chapter nine (part b...)

554 15 5
                                    

Si tummy ang bumungad sa akin. Iingit-ingit.

            Papasok ko sa loob g bahay sinalubong ako ng mainit na yakap ni Levy. Ang sarap sa pakiramdam.

            “Saan ka ba galing Needy? Bakit hindi ka man lang tumawag o nag-text na hindi ka uuwi? Saan ka natulog? Ayos ka lang ba?” sunud-sunod na tanong ni Levy sa kalmang ton pero may halo pa ring pag-aalala. Nakayakap pa rin sia sa akin kaya hindi ko makita ang expression niya.

            “Tinakot mo ko.” Dagdag pa niya. “Alam mo ba pinag-alala mo ako pati tuloy silamama nag-alala.” Sa hindi ko malamang dahilan, niyakap ko na lang siya.

            Ngayonng kayakap ko siya ibang saya yungnararamdaman ko parang totoo lahat ng ito. Parang bawat salita na namumutawi sa bibig ni Levy ay parang totoo na parang hindi lang siya napipilitan.

            Nag-alala siya, natakot siya dahil sa akin.

            Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa ganuong posisyon ng magsalita ulit siya. “Sa susunod wag na wag mo ng io-off yung phone mo.” Tumango lang ako.

            Hindi ko magawang magsalita parang nakain ko ang dila ko. Parang ayoko ng humiwalay sa pagkakayakap sa kanya.

            Natatakot na naman ako. Ito na naman yung mga pangambang bumabagabag sa akin ng gabi ng kasal namin. Eh! Kasi naman ayokong isipin na mawawala siya sa akin kahit in the end iyon at iyon ang mang-yayari.

            Kumalas ako sa pagkakayakap at ganuon din siya. Nag-lakad ako papuntang kusina.

“Nag-agahan na ka ba?” tanong ko sa kanya at binuksan ang frig. At muli kong naramdaman ang mga yakap niyang nag-papaulo ng sistema ko.

Ibinaon niya ang kanyang ulo sa leeg ko at may sinabi siya ng hindi ko naan naintindihan pero hindi ko na inintindi pang mag-tanong.

            “Hmmm. Saan ka nga pala natulog kagabi? Diba wala ka kela mama” tanong niya.

            Kinalas o ang paglalayakap niya at kinuha ang ham at tray ng eggs. “Kela ica.” Maikli kong sagot.

            “Ha? Sino yun?” tanong niya ulit at umupo siya sa counter across me.

            “Yung bestfriend ko slash former office mate.” Sabi ko. Mukhang pagod na pagod si Levy. “Papasok ka pa ba?” tanong ko.

            “Hindi na muna.” Sagot niya na may pagka-antok.

            “Mukhang pagod na pagod ka ah!” hindi ko ka kasi mapigilan at iyan na nga naibulalas ko na lang.

            Tumayo siya at lumipat sa likod ko at niyakap na naman ako. Kanina pa ‘tong mga yakapan na ito ha.

            “Napagod ako kakahanap sa iyo kagabi, tapos idlip lang nagawa ko kasi inaantabayanan nga kita.” Tugon niya na nakapatong ang ulo sa balikat ko.

            “Tapos hindi pa ako nakapag-hapunan at hindi pa rin ako nakakapag-agahan.” Dagdag pa niya.

            Naawa naman ako bigla sa kanya. Bakit ko ba kasi ginawa ‘yon, pagod na pagod tuloy si Levy.

            Kasi Needy iyon ang tama, para wlang masaktan,

            Eh!kahit saan mo namang anggulo tignan ako lang ang masasaktan.

            “Umupo ka na, magluluto na ako.” Sabi ko na lang.

            “Eh! Pwede ka namangmagluto ng ganito tayo.” Ungot niya. Alam mo yun, nakakagaan ng loob. Parang bata lang si Levy.

            Ang sarap sa pakiramdam.

            Sa pagkakataong ito hahayaa ko munang isipin na lahat ng ito ay katotohanan. Na ang lahat ng ito ay hindi isang pagkukunwari o hindi kaya ay pilit na gawa upang mapanatili niya ako hanggang sa makuha na niya ang parte niya.

            Nag-simula’t natapos ako sa pag-luluto ay nakayakap lang siya sa akin.

“Baka naman pwede ka ng bumitaw kasi kakain na tayo.” Ika ko sa kanya na hanggang ngayong ay nakayakap pa tin sa akin.

Habang kumakain kami para siyang bata na ganadong-ganado sa mga pagkaing nakahain sa hapag-kainan. Ang cute. Sana kapag nagka-baby kami ganyang ka-cute.

Ai! Needy, nangarap ng malayo sa katotohanan.

Ewan ko ba kung bakit dini-discourage ko ang sarili ko pag-dating kay Levy.

“Pasyal tayo pagkatapos.” Sabi niya tapos ay uminom ng tubig. Tinawag ko si tummy kasi panigurado gutom na rin yun. Kawawa nama ang babay namin, syempre kung yung amo nga hindi nakakan iyun pa kayang alaga.

“Magpahinga ka na lang.” Sabi ko habang hinahanda yung pagkain ni Tummy.

“Sige na. Mamasyal na tayo. Sama natin si Tummy.” Sabi niya sa malambing na tono.

“Okay.” Sabi ko na lang.

At least makakasama kosiya.

Bakit ba kasi hindi magkasundo ang isip ko at ang puso ko. Ang gulo nilang pareho.

Sabi ng piso ko hayaan ko lang ‘to. Just go with the flow ba ang drama. Pero itong isip ko sabi umalis na ako rito kasi alam ko naman daw sa huli na ako’t ako lang naman daw ang masasaktan.

Eh! Kung masasaktan ka na lang din, sagad-sagarin mo na at pag- nabasag ka, basag na basag. Mahirap buoin at dahil hindi ka na mabubuo hindi ka na rin mababasag pang muli.

Naku! Needy kailan ka pa nagkaroon ng ganyang nalalaman ha?

Ewan ko. Pero parang simula nuong nakasama ko si Levy parang nagbago na rin ang ugali ko.

Hai! Ewan. Ewan. Ewan. EWAN KO!!!

Bago kami makaalis ng bahay, tumawag si mama kay Levy at kina-usap ako, ay hindi pala sinermunan ako. Oo lang ako ng oo. Ayoko ng pahabain pa ang usapan kasi sa huli ako pa rin ang lalabas na mali.

Mahirap kasi makipagtalo sa magulang mo, wala kang tama.

*********************************************************************

salamat duon sa mga bumasa at nag-vote.thank you talaga....

sana tuloy tuloy na iyang pag-suporta ninyo...salamat...

nag-tataka lang ako bakit naging restricted at spg yung story ko,,,hai.. naku..

salamat ulit.sa uulitin...

ayan ha..nag-UD ulit ako...

Utang na LoobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon