Alter Ego

45 4 8
                                    

Sa Mary Grace Restaurant.
Gateway Mall, Cubao.

Nag-decide na mag dinner si Justin after nitong maka-encounter ang di pa nakikilalang salesman. Nag-order siya ng Carbonara with Garlic bread at Iced Red Tea. Habang kausap ang kanyang long time girlfriend na si Christina.

Justin : Nakakainis kasi. Ang kulit kulit. Sabi ko na ngang hindi. Sige pa rin siya sa pangungulit. (Sinabi ang mga pasaring sa girlfriend na ka-videocall niya gamit ang laptop)

Christina : Justin, bakit naman bigla ka nainis dun sa tao? Ganun naman ang nature ng trabaho nila. Dapat inintindi mo na lang. (Inadjust ang lampshade para maaninag ang kanyang mukha ni Justin)

Lumapit ang waiter kay Justin.

Waiter : Excuse me ... Sir? Here's your order Classic Carbonara with Garlic Bread on the side and your Iced Red Tea. (Nilapag na ang mga order nito. Sumimple ng sulyap sa laptop na kausap ni Justin) Orders complete. Anything else Sir?

Justin : Hmmmm.... Nice. (Tinignan ang nilapag na order) I think... this is enough. Thank you. (Nag-smile sa waiter)

Christina : Kita mo yan. Ang bait mo sa Waiter. Dun sa Salesman. Iritang-irita ka. (Nakita niya kasi ang gesture ni Justin dun sa waiter) Nagtanong lang naman sayo yung Salesman, bakit ba inis-inis ka dun?

Napaisip si Justin. May point nga naman si Christina. Bakit nga ba siya naiinis dun kay Brendon? Ano ang dahilan?

Justin : (Nag-isip) Siguro.... Mali din ako pero kasi yung approach niya. Yung tone of voice niya. Parang maiinis ka. Di ko alam ... tapos nung nakita ko siya ... pagharap ko sa kanya ... (Natigilan ito)

Christina : Okay? Tapos? Nung nakita mo siya? (Naghihintay ng sagot kay Justin)

Natigilan si Justin. Ang gwapo kasi ni Brendon. Yung mga mata niyang tsinito. Yung matangos na ilong. Yung makinis na balat. Seriously? Salesman ba yung kaharap niya kanina. Artistahin kasi para maging ganun ang trabaho niya.

Christina : Sweetie?? Still there? Natulala ka yata? (Medyo clueless siya sa naging reaksyon ng boyfriend)

Justin : Ha? (Bumalik sa ulirat) Sorry... may naalala lang ako. (Tinignan ang order) Kain muna ako ha ... (inamoy ang Carbonara) Sarap.... gusto mo? Subuan kita. (Pilyong tingin ni Justin sa girlfriend)

Christina: Loko ka. Yang mga tingin na yan. Diyan ako na-fall. Haha! Anyway sweetie. Medyo late na. Gagawa pa ko ng lesson plan. (Tumingin sa oras) After mo diyan, huwag mo kalimutan i-update ako kung nakauwi ka na sa bahay ha. Hmmmm... please say Hi kay Mama Mia at kay Ate Katy. Visit ako diyan soon. Bye. I love you. (Binaba na ang videocall)

Isang English Highschool Teacher si Christina sa De La Salle University sa Laguna. Dating magka-work si Justin at si Christina pero nag resign din ito para i-pursue ang kanyang hilig - ang pagtuturo.

Justin is not into typical ladies na sexy, maganda. Hindi kasi siya stereotype eh. Mas preferred niya yung mga gaya ni Christina na matalino, refined ang kilos, professional although kung titignan natin ang physical features niya siya yung tipo na hindi gustuhin. Morena, malaki ang binti. May mga pimple scars, kulot, makapal ang buhok. I'm not saying na pangit si Christina. Hindi lang talaga siya pleasing sa paningin ng iba.

D.I.Y. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon