4 Years Ago
Parang, Marikina
Sa bahay ng girlfriend ni RandellAlice : Babe, ready ka na ba makilala family ko? (Habang nakatingin kay Randell sa labas ng bahay nila)
Tipikal na residential area. Maraming bata sa paligid na naglalaro. Mga tambay na nagsusugal at mga Nanay na nagke-kwentuhan.
Randell : Oo naman Babe. Medyo kinakabahan lang. (Napalunok ito, pinagpapawisan ang mga noo, inayos ang suot na bagpack, ngumiti kay Alice)
Straight acting si Randell. Girlfriend niya si Alice simula First Year Highschool. Ngayong graduating na sila, formal ng ipapakilala ni Alice si Randell sa pamilya nito. Ngunit matagal ng alam ni Randell ang totoo niyang nararamdaman. Hindi niya gusto si Alice. Ayaw niya ng merlat. Ang bet niya talaga ay ang kambal ni Alice - si Albert.
Si Albert na Varsity ng Campus nila. Isa sa mga dahilan kung bakit jinowa ni Randell si Alice ay para mapalapit nga naman kay Albert. Laging tambay si Randell sa Gym, sa court at higit sa lahat sa shower room. Para masilayan ang katawan ni Albert habang naliligo.
Natatakot kasi si Randell na magladlad. Anim silang magkakapatid. Puro lalaki. Lumaki siyang conservative ang mga magulang. Hindi niya alam kung saan na siya lulugar. Tapos pressure pa sa part niya ... na siya lang ang pusong babae sa pamilya nila.
Kaya marahil medyo asiwa din si Randell kay Justin. Kasi nakikita niya kay Justin ang kanyang sarili. Ang pagpapanggap. Ang pagkakaroon ng girlfriend masabi lang na isa siyang tunay na lalaki.
Alice : (Hinawakan ang kamay ni Randell) Huwag kang kabahan. Mabait naman ang Parents ko. Tara pasok na tayo. (Pag-aya nito) Tsaka, nasa loob si Albert, suportado ka naman ng kambal ko eh. (Naglakad na sila ng bahagya papasok sa bahay ni Alice.)
Napalunok na lang si Randell. May halong kaba kasi makikita na niya ang Parents ni Alice at medyo excited kasi makikita niya muli si Albert.
........
Sa salas.
Bahay ni Alice.Nakaupo si Alice at Randell sa upuan na gawa sa kawayan. Mahilig sa mga antigo ang magulang ni Alice. Napansin din ni Randell na karamihan sa furnitures ay gawa sa Narra. Mukhang collector ng mga antigo ang magulang ni Alice.
Bigla siyang nahiya sa family ng girlfriend niya. Ano bang maipapagmamalaki niya? Estudyante sila pareho ni Alice. Wala pa silang nararating. Ang Nanay naman ni Randell ay isang simpleng may bahay habang ang Tatay naman niya ay government employee sa Marikina City Hall.
Alice : Ma, Pa... (Tinignan ang magulang na nakaupo rin sa salas) Si Randell po pala .... Ahm ... boyfriend ko po. (Tinignan si Randell)
Katahimikan. Naghihintayan kung sino unang magsasalita. Nakangiti lang si Alice. Hindi alam kung ano ang susunod na mangyayari.
Randell : Hello po. Magandang hapon po sa inyo. Ako po sa Randell. Nice to meet you po. (Nag-bless siya sa mga magulang ni Alice, bumalik na siya sa pagkakaupo at tinignan ang magulang ni Alice)
Nanay ni Alice : (Sinuot ang eyeglasses) Iha ... sabi mo samin ... magdadala ka ng kaibigan mo rito sa bahay. Di mo naman kami sinabihan na boyfriend pala ang ipapakilala mo.
Tatay ni Alice : Pasensiya ka na ..... (Tinitigan ng matagal si Randell) Iho ... hindi ako sang-ayon sa relasyon niyo. Highschool student pa lang kayo. Pag-aaral muna atupagin niyo. Mga bata pa kayo ... along the way, marami pa kayong makikilala. Huwag kayong padalos - dalos. (Sermon nito)
BINABASA MO ANG
D.I.Y. Love
RomanceA story about self acceptance. Justin is confused on his personality. He tried to have a relationship with his long time girlfriend, just to find out what he really wanted in life. But is that really necessary to accept for who and what he is? Maybe...