The Truth

62 2 7
                                    

Five days later
Bistro Charlemage
Ayala Mall Al-fresco, 8PM

Nagdinner date si Niel at Brendon para i-celebrate ang kanilang first monthsary. Mas preferred nila yung mga casual dining restaurant at isa ito sa favorite place nila. Kilala ang restaurant na ito sa signature dish nila na Beef Tenderloin with cheese in Sauteed Teriyaki sauce na favorite talaga ng gwapong couple.

Niel : Thart ... (Tinignan ang gwapong si Brendon) I love you. Happy Monthsary. (Inabot ang maliit na regalo)

Brendon : Thart naman ... (Naghesitate na tanggapin ang gift) Ano na naman ito? Diba ... I told you before na huwag mo na ko bibigyan ng gift. Masaya naman na ako kung anong meron ako ngayon. Sobra na ito. (Pinagsabihan ang boyfriend)

Niel : No. Open it. Kusa ko yan. Besides, makita lang kitang masaya ... happy na rin ko. Please? Tanggapin mo na. I-my day lang kita. (Ni-ready na ang cellphone para ma-record ang reaction ni Brendon)

Brendon :(Pagkabukas ng regalo ay nakita niya ang susi ng sasakyan) Niel ... I have no words ... this is .... uhm, too much ... (Hindi makapaniwala sa bigay ni Niel)

Niel : Do you like it? Well, hindi kasi ako makapag commit na ihatid at sundo ka sa school mo everyday dahil sa work ko. Kaya naisip ko para hindi ka na mag book ng Grab or Taxi. Nagdecide na lang ako na regaluhan ka ng kotse. Happy monthsary! Huwag mong isipin ang value okay. Malaking tulong yan sayo. (Paliwang nito)

Brendon : Thank you. (Niyakap at hinalikan sa lips si Niel, wala siyang pakialam kung makita man sila ng ibang customers sa loob ng restaurant) I love you. Happy monthsary.

Niel : I love you too. (Sagot nito) Teka ... maalala ko ... two years from now isa ka ng ganap na abogado. Any plans?

Brendon : (Natawa ito) Pwedeng ipasa ko muna ang bar exams? Naisip ko 7 years din pala ang kailangan para maging ganap na abogado noh? Hirap din pala ... pero kinakaya ko. I can't believe it .... five years na ko nagsu-survive sa course na ito.

Niel : Magaling ka naman eh at proud ako sayo ... ang laki ng pinagbago mo ... that's for the better. (Bigla may naalala) Naiisip mo pa ba si Justin?

Brendon : Thart naman eh ... (bigla nahiya) five years na ang nakakalipas ... huwag na natin pag-usapan si Justin. (Baka kasi masaktan si Niel)

Niel : I'm fine. Dapat nga pag-usapan natin siya para malaman ko rin yung nararamdaman mo at kung saan ako lulugar. (Paliwang nito at uminom ng wine)

Brendon : Thart ... focus ako sa present ... at ikaw yun ... I must admit ... naiisip ko siya kasi wala naman kaming closure at gusto ko rin siyang kamustahin kung ano na nga bang nangyari sa kanya. That's it ... (Napainom rin ng wine)

Niel : Mahal mo pa ba siya? (Mahinang sagot nito)

Brendon : Seryoso? Sa monthsary talaga natin? Sinasaktan mo lang sarili mo Niel. I told you na focus ako sayo. Huwag na natin ungkatin ang nakaraan. (Bigla natigilan ito ng makita niya sa labas ng restaurant ang familiar na naglalakad ... si Justin. Hindi siya maaring magkamali)

D.I.Y. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon