Room 308
St. Lukes Hospital, Ortigas
11PMA moment of silence. Tagal din bago makasagot si Brendon sa nakakagulat na tanong ni Anton. Rekta na, wala ng paligoy-ligoy. Ganon ba talaga mga abogado? Ang galing nila mag-isip, yung tipong hindi ka makakalusot sa tanong nila. Yung tanong na walang kawala.
Naguguluhan na si Brendon, paano na ang pakiusap sa kanya ni Justin na ilihim muna ito at huwag munang biglain ang mga taong malalapit sa kanya? Okay lang kaya na sagutin niya ang tanong ni Anton?
Brendon : Ah .... (Hindi niya alam kung paano ang tamang approach) Saan mo naman nakuha yung ideya na yan? Patawa ka talaga Anton. Pinagtitripan mo ba ko?
Anton : Wait ... You need to answer my questions first. May follow up agad na tanong? Hindi mo pa nga ako sinasagot. (Napa-upong de-kwatro ito sa may couch)
Brendon : Oo, kami na ni Justin pero bilang ikaw na kaibigan niya, dapat maintindihan mo na ayaw niya muna itong ipaalam sa grupo niyo. Siguro, naghahanap pa siya ng tamang tyempo. (Matapang na sinagot si Anton)
Anton : I knew it. Hindi nga ako nagkamali. My instincts are always right. Well, congratulations to the both of you. (May bigla itong narealize) Ikaw siguro yung tinutukoy niya sa group chat namin na pinahiya ni Niel sa isang bar sa bonifacio highstreet. Tama ba ko?
Brendon : Oo at subukan lang ni Niel na magpakita sakin. Hindi pa ko nakakabawi sa gag*ng yun. Alam mo yung pakiramdam na wala kang kwenta sa paningin ng ibang tao. Napaiyak ako dun sobra. Nanliit ako sa sarili ko. (Bigla itong nanginig sa galit ng maalala na naman ang nangyari)
Anton : Relax. Okay? (Pilit na pinakalma si Brendon) Sorry if I brought Niel sa topic natin. I didn't mean it. Napagtugma ko lang mga scenarios sa isip ko. Brendon, hindi sa pagiging bias but si Niel kasi ang naging leader namin sa Elite. I understand kung bakit niya ginawa yun sayo. To get rid of you. Para iwasan mo si Justin. (Paliwanag nito)
Brendon : Tapos okay lang sa inyo ang ganun? Tinotolerate niyo naman? Wala ba kayong sariling desisyon, minamando kayo ni Niel? (Napapataas ang boses )
Anton : Grabe ... (Na-overwhelm na ito) Ang dami mo ng tanong. Isa-isa lang. (Tumayo ito mula sa couch) As promise, sasagutin ko mga tanong mo. First, bakit ako laging nandito at binabantayan ka? To be honest. I find you interesting ... Ang cute mo kaya. Kaya siguro na-inlove sayo si Justin. Yung innocent looks mo na may pagka-korean, pero the attitude ... maangas yung dating. That's caught my attention until I noticed yung pagdating dito ni Justin na sobrang concern sayo. Dun ko na naisip na may something ... that I should keep my boundaries towards you, kasi barkada ko si Justin.
Brendon : You mean ..... isa kang? (Hindi niya matuloy ang gustong sabihin, nahihiya siya)
Anton : I don't know. Confused? I don't think so. Maybe, I'm open lang with the both sexes. Afterall, love has no gender right? (Sagot nito)
Brendon : (Bigla ito namula, bet pala siya ni Anton, kaya pala tinanong niya kung sila ba ni Justin para magkaroon ng assurance at umiwas sa kanila) Salamat Anton ... dahil nirespeto mo ang relasyon namin ni Justin, hindi ka nag- take advantage.
Anton : I will never do that. Taking advantage? Hahaha! Siguro, naiinggit ako, kasi ang hirap na makatagpo ng mamahalin ngayon. May standards ba ko? Hindi ko alam kung anong gusto ko. To find a partner in life or to give justice to my family. Hindi ko kayang pagsabayin kasi. (Lumapit ng bahagya kay Brendon)
BINABASA MO ANG
D.I.Y. Love
RomanceA story about self acceptance. Justin is confused on his personality. He tried to have a relationship with his long time girlfriend, just to find out what he really wanted in life. But is that really necessary to accept for who and what he is? Maybe...